Applicant #20: Tribo Tulok

196 10 5
                                    

APPLICANT #20: TRIBO TULOK


Maraming taon na ang nakararaan, sa tagong kagubatan ng Brutok, naninirahan ang Tribo Krasko. Mayaman sa kultura ang tribo. Tipong, masyado nang nilalamon ng paniniwala ang pag-iisip ng bawat isa. 'Di na mawari kung makatao pa ba ang ginagawa.

Tahimik na kumakain ng hapunan ang pamilya Escobal sa kubong gawa sa pinatuyong mga dahon ng niyog. Ito ang nagsisilbing tahanan ng lahat ng mga kauri nila na kung tawagin sa tribo'y Chakaka, mababang uri ng mga tao sa tribo.

Kakaiba ang hitsura ng mga miyembro ng tribo-mahahaba ang mga tainga; makakapal at mgaagaspang ang balat; ilong at mata'y ubod ng laki; maliliit at maiitim ang mga ngipin; pandak; at mahahaba ang mga kuko.

Walang nagsasalita. Pawang tikom ang mga bibig. Walang maririnig na kahit ano'ng tinig. Kapwa nakatuon ang atensyon sa mga pagkaing nakahain sa sahig na tanging sapin lamang ay ang malalaking dahon ng saging.

Ang marahang pagbayo ng ihip ng hangin sa kanilang tahanan... ang maliwanag na kalangitang kakikitaan ng maraming bituin... ang apoy na nagbibigay liwanag sa kanilang paningin galing sa sindihang sanga ng puno... ang mga mukha nilang kababakasan ng pag-aalala at kalungkutan sa mga mata.

Halos mabulunan si Gowapu matapos niyang marinig ang hudyat ng nalalapit na pagkalagas ng buhay ng kapwa niya Chakaka--ang pagtunog ng tatlong beses ng trompeta. Isang hudyat na muling nagpaalala sa ginoo sa nakaraan.

"Huwag! Ako na lang po! Ako na lang po ang gawin ninyong alay sa Amang Tigre. Mas kailangan po siya ng mga anak ko," pag-awat ni Ghundah sa kawal na handa nang pugutin ang kaniyang ulo.

Ang pangalan ni Gowapu ang nabunot nang isagawa ang ritwal na Ephalamunseia. Isang beses sa isang taon nila ito kung isagawa. Bumubunot ang pinuno ng tribo kung kaninong ulo ang iaalay sa sinasamba nilang Diyos, ang tigre. Tanging pangalan lamang ng mga nasa uring Chakaka ang naroroon sa maliit na bilog na lagayan.hugis

"Huwag, Ghunda. H-Huwag mong gawin ito. Mahal kita. Wala nang saysay ang buhay ko kapag wala ka." Sinubukan niyang magpumiglas sa mahigpit na pagkakahawak ng mga kawal sa kaniyan. Ngunit, masyado itong malalakas at marami. Namilipit siya sa sakit nang itodo pa ng mga ito ang pagbanat sa kaniyang mga buto-nilandas ang kaniyang mga kamay sa likod-ang kanan, ipinunta sa kaliwa at ang kaliwa'y sa kanan.

"Mula ngayon, wala nang mamamatay pa sa ating pamilya. Hindi ko na papayagang mangyari ulit iyon! Koyah, Atih, at Bownsu, sumama kayo sa akin." Agad nagsimulang humakbang si Gowapu palabas ng tahanan. Sumunod naman kaagad ang mga anak niya.

"Paalam, mahal ko."

Mga huling salitang binitiwan ni Ghunda sa kaniya habang hawak pa nito ang matulis na batong ginamit upang kitilin ang sarili. Kitang-kita niya kung paano umagos ang mga dugo sa sugat nito sa leeg. Nakadilat ang mga mata ng asawa na para bang buhay pa. Ngunit... hindi na.

Nang unti-unting lumuwag ang pagkakahawak ng mga kawal sa mga kamay niya, hindi na niya pinalagpas ang pagkakataong iyon upang tumakbo at hagkan ang wala nang buhay na may bahay.

Wala siyang nagawa noon upang sagipin ang kaawa-awang mga taong pinaslang para lamang ipakain sa sinasamba nilang Diyos. Nararapat lamang na umaksiyon na siya ngayon nang hindi na maulit pa ang mga nangyari.

Naglakad sila patungo sa lugar tipunan ng tribo. Naroroon na ang mga kauri niyang mga Chakaka, ang mga Tomo Long o ang panggitnang antas, at ang mga Loyal Blood-ang pinakamataas sa lahat ng mga Tulok.

Humanay sila sa harapan ng mga ito-magkakahawak ang mga kamay at handa nang tanggapin kung ano ang mangyayari sa gabing iyon.

Humakbang ng isa pa si Gowapu upang gawin ang dati pang balak. Huminga muna siya nang malalim. Tinanggal ang natitirang takot sa kaniyang puso. Sandaling lumingon sa mga anak at saka nagsimulang mangaral.

"Kayo! Bakit pumapayag kayong alipustahin nang ganito? Parang wala lang sa kanila ang kumitil ng sarili nilang kalahi para lang ipakain sa mga hayop. Huwag kayong magbulag-bulagan. Kung gusto ninyo itong matigil, gumawa kayo ng paraan!" Halos habulin niya ang kaniyang hininga matapos magwika. Nagkaroon ng bulong-bulungan ang mga Chakaka. Bagay na ikinatuwa niya. Tanging ibig sabihin lamang ay may kakampi siya.

"Ilan na po ba ang pinugutan ng ulo sa pamilya ninyo? Sa amin kasi, may isa na-ang aking ina. Hihintayin ko pa po bang maging dalawa? Hindi!" nangigigil na sabi ni Koyah habang naglalakad papunta kay Gowapu.

"Makatao pa rin po ba ang pagpatay sa kapwa tao na nabubuhay sa mundo? Hanggang kailan po kayo mananahimik? 'Pag naubos na ang lahi ninyo?" Walang takot sa pusong sambit ni Atih na humanay na rin sa kapatid at ama.

"I-Ilang bata pa pong katulad ko ang mawawalan ng magulang? N-Ng gagabay sa pagtahak sa mundong ito. Ilan pa?!" maluha-luhang sabi ni Bownsu sabay takbo kay Gowapu at mahigpit na yumakap sa ama.

"Mga hangal!" Kumumpas ang mga kamay ng pinuno at nagwikang, "Abrakadabra, ang mga tigre sa hawla ay kumawala!" Nagliwanag ang kamay nito. At ang liwanag ay tumakas at pumunta sa kulungan ng mga tigre.

Ang mga tigre sa hawla'y nagsitakbuhan palabas. Sinakmal ang mga kawal-pinira-piraso ang mga katawan. Kinagat-kagat hanggang sa mamatay.

Nagsitakbuhan ang mga tao. Nabalot ng sigawan ang lugar. Naligo sa dugo ang lahat. Nagngangalit ang mga tigreng gutom na gutom na. Dinadakma ang bawat taong makita. Kasama na ang pamilya Escobal at pinuno ng tribo nila. Walang nagawa ang kapangyarihan ng pinuno upang iligtas ang sarili. Masyado itong nabigla sa pangyayari.

Ang tao ay parang hayop. Kumikitil ng buhay ng iba nang walang awang nadarama.

Natigil ang hiyawan. Ang busog na mga tigre ay umupo sandali. Pinagmasdan ang buong paligid. Walang kaba. Walang konsensya. Lahat ay inubos nila! Walang binuhay ni isa!

Naging marahas ang pag-ihip ng hangin. Ang mga bituin sa kalangita'y natakpan na ng kulay abong mga ulap. Namatay na ang apoy na sumisiklab upang bigyan sila ng liwanag. Bumuhos ang mga patak ng ulan sa mga bangkay na nakahandusay. Bangkay ng ibang matagal nang nakapila sa kamatayan. Bangkay ng mga malalakas at makapangyarihan.

PHASE 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon