Applicant #51: Project Aspire

297 5 6
                                    

APPLICANT #51: PROJECT ASPIRE 


Maganda, diwata, diyosa. Gaano ba natin sila kilala?

MAHIGIT walong dekada na ang nakakalipas, Isang lupon ng mga engkanto ang sumakop sa bansang Pilipinas. Maraming nagutom at namatay dahil sa labanan. Hinati nila sa dalawang paksyon ang sanlibutan; Una ang mga Aspire, sila ang mga engkanto na may kakayahan upang gumamit ng mahika. Pangalawa ang mga Ruin, ito naman ang mga taong nanlilimos sa labas ng sangtuwaryo. .

Ang mga Aspire ay nakakulong sa loob ng napakalaking sangtuwaryo. Isang malaking pader ang nilikha nila. Pader na naghahati sa sanlibutan. Dahil ang mga Ruin ay uhaw sa pagkain, umaabot na sa puntong kumakain na sila ng buhay. Minsan may isang Aspirer na lumabas sa sangtuwaryo upang magmasid sa mga gawain ng mga Ruin. Sa hindi inaasahang pangyayari, hindi na ito nakabalik. Balita ng iba, pinagpira-piraso ng mga Ruin ang katawan nito. Wakwak ang tiyan at nakalabas ang napisang utak nito. Dahilan upang mas matakot ang mga Aspirer.

Isang dalagang nagngangalang Tasha, ang naatasang gumawa ng proyekto. Isa siyang assistant ng Monster Meat Incorporated. Ang suplayan ng mga karne. Naatasan siyang lumabas ng sangtuwaryo upang isagawa ang kanyang trabaho. Ang tanong, makakaligtas kaya siya sa nagbabadyang panganib?

Sakay ng kanyang kotse, binabagtas ngayon ni Tasha ang isang kalsada. Malalim na ang gabi, tanging nakabibinging katahimikan lamang ang kanyang naririnig. Nagsasayawang patay na puno ang bumabati sa kanya. Tanging ilaw lamang ng kanyang kotse ang nagsisilbing ilaw sa daan.

Patuloy pa rin sa pagmamaneho si Tasha, hanggang sa may isang bulto ng tao ang sumulpot sa dinadaanan niya. Bolta-boltaheng takot ang kanyang naramdaman. Napabalikwas siya sa pagkagulat kaya siya napahinto, at saka siya lumabas ng kotse.

Namilog ang kanyang mga mata na wala siyang taong nadatnan.

Maya maya'y nakarinig siya ng isang iyak. Paghihinagpis ng isang batang lalaki. Malamig ang paligid, ngunit hindi sapat para kay Tasha upang ikubli ang kanyang takot.

Naagaw ang kanyang atensyon sa isang palayan. Dito niya naririnig ang iyak kaya tumungo siya rito. Dahan-dahan niyang hinawi ito at nakita niya ang isang musmos na bata.

May payat na pangangatawan, malalim ang mga mata, at may gula-gulanit na kasuotan. Takot ang bumalot kay Tasha nang tumayo ang bata.

"Tulungan niyo po ako," usal ng bata.

"Ano'ng pangalan mo?" aniya.

"Ako po si Julio," tugon ng bata.

Dahil sa awa, isinakay ni Tasha ang batang lalaki sa kanyang kotse. Katabi niya ito at nagsimula na siyang bumalik patungong sangtuwaryo.

Habang nagmamaneho, hindi maiwasang mapatitig ng dalaga sa bata. Kung kanina'y mala-tupa ang hitsura nito, ngayon ay nakaismid ito na parang may gagawing masama. Katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa, kaya kinausap na lamang niya ito.

"Nasaan ang pamilya mo?" tanong ni Tasha.

"Pinatay na sila," anito.

Bahagyang nanlumo ang dalaga.

"Ano'ng nangyari sa kanila?" hirit ni Tasha.

"Gusto mo'ng maranasan?," ani Julio.

Nanlamig sa takot ang dalaga.

"Huwag ka nang matakot..."

Isang huni ang narinig ni Tasha mula sa bata. Mas lalong natakot ang dalaga. Nanlamig ang mga kamay nito sapagkat nanlilisik ang mga mata ng bata na parang gustong kumain.

"Nag-aabang sa sulok at may..."

Kahit natatakot, lakas loob pa ring nagmamaneho si Tasha.

"Hawak na patalim..."

"Tama na!" bulyaw ni Tasha.

Hindi niya napigilan ang namumutawi niyang emosyon dahil sa sobrang takot.

"Pasensya na," aniya.

Nagmaneho muli siya, sa pagkakataong ito malapit na sila sa Grand gate ng sangtuwaryo.

"Gusto mo bang malaman kung paano kami pumatay?" tanong ng bata.

"P-paano?" aniya.

"Sinusunog namin, binabalatan at hinuhubaran sa harap ng maraming tao," sagot ng bata.

Nasamid si Tasha. Hindi niya lubos maisip kung gaano ka-brutal ang parusang ginagawa ng mga Ruin.

"Nandito na tayo." aniya.

Nakapasok na ang kotse sa loob ng sangtuwaryo. Isinabay niya si Julio. Hawak-hawak niya ito sa kamay. Tumungo agad sila sa lumulutang na hagdan.

Ilang sandali, huminto ang hagdan. Nagpatay-sindi ang ilaw sa itaas. Hudyat para mas matakot at magtaka ang dalaga.

"Gutom na ako," bulong ng bata.

Bumukas muli ang ilaw at nanumbalik sa normal ang lahat. Nang makarating, dahan-dahang bumukas ang mahiwagang pinto.

"Tara?" ani Tasha na may pakahulugang ngiti.

"Welcome," wika ng estranghero sa bata.

Bumungad kay Julio ang isang kuwarto. Maraming abala sa trabaho. Nakasuot sila ng makukulay na damit at mahahaba ang kanilang mga tainga.

Pumasok sila sa loob at tumungo sa harapan ng makina. Maraming karneng umiikot mula sa makina. Tila isang pabrika na pagawaan ng mga prosesong karne.

"Tasha," bati ng isang babae.

Gaya ng iba, balot ito sa makukulay na damit. Agaw pansin ang mala-berdeng mata nito.

"Nandito na po ako para sa kulang," ani Tasha.

"Baka gutom na sila, buti may pagkain ka ng dala," usal ng babae.

Tumingin si Julio sa kaliwang kamay ni Tasha, ngunit wala siyang nakitang pagkain.

Sa madaling salita, isa si Julio sa kanilang Project Aspire. Ang kanyang laman ang ipoproseso upang ipakain sa mga engkanto.

Bago pa makatakbo si Julio, sinunggaban na siya ni Tasha. Kung kanina'y may maamong mukha ang dalaga, ngayon ay napalitan na ito ng mala-halimaw na hitsura.

Ginilitan ni Tasha ang leeg ng bata gamit ang kanyang matatalas na kuko. Mula sa leeg, umabot ito hanggang sa pisngi ng bata. Tuwang-tuwa ang dalaga habang sumisirit ang preskong dugo. Tuwang-tuwa dahil maaari siyang ma-promote sa trabaho.

Hindi pa natapos ang trabaho ni Tasha. Matapos niyang kitilin ang buhay ng bata, tumungo siya sa malaking lababo. Hawak-hawak ang isang butcher wand. Pinagpira-piraso niya ang katawan ng bata. Binuksan niya ang tiyan nito hanggang sa mawakwak ito. Hindi alintana ng dalaga ang pulang likido mula sa laman-loob ng bata. Ang preskong bituka at puso nito ay kanyang inihulog sa malaking makina upang gilingin. Unti-unting nilalamon ng makina ito. Tila nang-aakit ang mapula-pulang karne na unti-unting nadudurog. Pagkatapos itong iproseso, idadaan ito sa lata.

Sa madaling salita, ang mga de latang ito ang nagsisilbing pagkain ng mga engkanto.

Ganito lagi ang gawain ng mga Aspirer.

Dahil sa pananakop ng mga engkanto, nagkawatak-watak ang mga tao.

Paano at kailan kaya magigiba ang malaking pader na naghahati sa mga tao? Hahayaan kaya nilang maghari ang mga engkanto sa mundo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PHASE 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon