APPLICANT #39: CRAZY LITTLE FAIRY
"...and they lived happily ever after."
Nakangiti kong nilisan ang magkasintahan. Tapos na ang misyon ko sa kanila, kaya naman babalik na ako sa kaulapan, kung saan kami namamalagi ng mga munting diwata.
Habang lumilipad patungo sa isang makapal na ulap, nakikita ko ang ilang diwata, may ilang babalik na sa ulap, may ilang papunta sa lupa.
"Yaef! Tawag ka ni Haring Eros!"
Napahinto ako at napalingon sa tumawag ng aking pangalan.
"Ah, sige Dhea, papunta narin ako doon." Sagot ko babalik sa isang diwatang tulad ko.
Si Haring Eros, o kilalang Kupido, siya ang aming pinuno, siya ang pinuno ng tulad kong 'Love Fairy'. Bakit niya kaya ako pinapatawag? Asar naman, mukhang mag-uutos na naman siya ah! Pambihira! Kapag single talaga palautos!
Tulad ni Haring Eros, hindi kami nakikita ng ilang mortal, at bawal rin kaming umibig, dahil kapag kami ay umibig tiyak mawawalan kami ng kapangyarihan. Kaya dapat lang na magpasalamat sa'kin yung mga taken na, yung may mga girlfriend, boyfriend, o kaya yung may mga asawa. Ang hirap kaya pagtagpuin ang dalawang tao. Pero kung ako ang tatanungin, ayoko namang gawin 'to eh. Dahil kami ang hindi nakakaranas ng "happily ever after", kami ang nagsasakripisyo. Pero binago ng isang binata ang pananaw kong ito, siya ang dahilan kung bakit patuloy ako sa paggawa ng aking misyon. Si Theo.
Tanda ko pa noon, ako ang naka-assign sa pagmamahalan ng mga magulang ni Theo. Noong una, akala ko madali lang. Pero mahirap. Mahirap palang palambutin ang puso ng isang nasaktan na.
Sa mga oras na iyon, sumuko na ako. Problema nila, poproblemahin ko pa! Pero nung makita ko ang isang high school student, si Theo na umiiyak sa kuwarto niya, at nagdadasal para sa magulang niya, nanlambot ako.
Kumabog ang puso ko, nanlambot ang tuhod ko.
Hindi ko alam, pero mukhang siya ang inspirasyon ko para gawin ng mabuti ang mga tasks ko.
Nang makarating ako sa ulap, kaagad kong nakita si Haring Eros, nakakalungkot isipin, na hindi na niya nakapiling pa si Psyche.
"Magandang araw Haring Eros!" Nasa loob ng ulap ang aming kaharian, hindi sa mismong langit.
"Yaef."
"Pinatawag niyo daw po ako."
Bigla siyang may binigay na papel na may larawan. Panibagong misyon siguro ito.
"Urgent yan, hindi nagawa ni Faye ang misyon na 'yan, kaya sa'yo ko ipinasa since kakatapos mo lang sa isa mong misyon."
Dahan-dahan kong kinuha sa kamay ni Haring Eros ang papel.
"Theo?" Ang nasa larawan, si Theo!
Napayuko ako. Hindi ko kaya.
"Faye!" Meron na akong ideya kung bakit hindi niya nagawa ang misyon niya.
"Yaef..." Rinig sa boses niya ang kalungkutan.
"Bakit hindi mo nagawa?" Sabay taas ko ng larawan.
"Dahil kaibigan kita." Napahinto ako. Dahil kaibigan niya ako? Napangiti ako bago siya niyakap.
"Yaef, alam ko iniibig mo na siya matagal na panahon na." Ngumiti lang ako bago lumuha.
"Alam ko. Ngalang hindi kami puwede, mortal siya, immortal ako. Hindi pa nga niya ako nakikita eh." Humiwalay siya mula sa yakap.
"Pero siya lang naman ang dahilan kung bakit mo ito nagagawa. Kung magmamahal siya ng iba isang-" Pinigil ko na kaagad siya.
"Ako na ang bahala." Bigla niya akong hinawakan sa magkabilang balikat.
"Yaef, tingin ko panahon na para sa isang happily ever after mo. Tama na sila, ikaw naman." Bigla akong napalunok. Siguro nga. Panahon ko naman.
Nagpunta ako sa bintana sa kuwarto ni Theo, ang sabi sa papel, pupunta si Theo sa klase niya at doon makikita ang babae, isang transferee. Love at first sight dapat ang mangyari. At mukhang madali namang baliin ang isang ito. Pumasok ako sa kuwarto niya mula sa bintana, at hinanap ang alarm clock.
Nang mahanap ko, kaagad akong pumunta sa likod ng alarm clock at pinuwersang ilihis ang pagkaka-alarm.
"Ang bigat!" Reklamo ko, at muling sinubukan. Sa pagkakataong ito, mula sa 6:00 ay nagawa kong 9:00, siguradong pipiliin niyang huwag nalang pumasok. At magkakaroon pa ako ng ilang oras para pagmasdan ang mukha niya. Ang talino ko talaga!
Pangalawang araw na ng misyon ko, napagalitan pa ako ni Haring Eros, pero okay lang.
"Ma! Papasok na ako!" nakangiti kong sinundan ang pagbaba sa hagdan ni Theo. Ang guwapo na niya lalo. College na siya ngayon, at mas lalong naging lalaki ang dating.
"Mag-iingat ka anak!" Pagkalabas ni Theo, dumiretso kaagad siya sa garahe, teka, magba-bike siya papunta sa eskwela?! Muling kumabog ang puso ko, napahanga niya na naman ako. Muli kong tiningnan ang papel, kailangan hindi siya makapasok kasi ang babaeng iyon katabi niya pala sa klase.
Habang nagba-bike siya, nag-iisip ako ng paraan. Kailangan hindi siya makapasok! Paano kaya? Alam ko na! Nakita ko ang isang pusa sa gilid, kaagad akong pumunta sa puno sa tabi nito, bago tinalunan ng tinalunan ang sanga. At boom! Nahulog ang sanga sapol sa pusa! Sa biglang gulat ng pusa, napatalon ito at napapunta sa daan, at si Theo, bigla siyang napaliko! Ayos-
"Theo!!!" Napasigaw ako, nang biglang may nakasagasa sa kaniya, kasabay ng aking pagbagsak.
"Theo,"
"Hindi man maganda ang kinalabasan, pero nagawa mo ang misyon mo."
Ngiti lang ang sinukli ko sa papuri ni Haring Eros. Bago akong nagpasyang umalis ng kaharian.
Nagawa ko ang misyon, ng hindi sinasadya.
"Yaef, nagawa mo?" Ngumiti ako kay Faye.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Pero, bakit?"
"Dahil mahal ko siya, minahal ko siya, kaya naman kailangan kong gawin lahat ng makakabuti sa kaniya. Alam mo ba, ang nakasagasa sa kaniya ay ang babaeng para sa kaniya? Walang magagawa ang sinuman, kung kayo talaga ang itinakda." Bigla siyang ngumiti.
"Talaga bang ikaw iyan?" Tinawanan ko lang siya.
"Someday Peter Pan will find his Wendy and live happily together, while Tinkerbell only watching them from far." Napayuko ako. Siguro nga, eto ang role ko.
"Yaef..." Kahit na umiiyak, pinilit kong ngumiti. Huling misyon ko na ito, dahil sa pagsira ng aking pakpak mula sa paghulog, at masaya ako dahil napagbati ko si Theo at ang babae.
"Alam mo, natutuhan ko, it's not about happily ever after, it's about being happy whatever happens after."

BINABASA MO ANG
PHASE 0: AUDITIONS
Cerita PendekLITERARY OUTBREAK: FIGHT OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 2) Phase 0: Auditions