Applicant #49: Isang Pangako

233 2 4
                                    

APPLICANT #49: ISANG PANGAKO


Bata pa lamang ako, nangangarap na ako ng magandang buhay para sa sarili ko. Oo, para sa sarili ko lamang. Bakit? Dahil mag-isa na lamang ako mula pa nang magpitong taong gulang ako. Hindi ko alam kung paano ako nakaka-survive na mag-isa lamang ako sa bahay na pinundar ng aking mga magulang bago sila mawala. Nakakakain pa rin ako ng tatlong beses sa isang araw at may meryenda pa kung minsan. Lahat ng kailangan kong damit ay nakukuha ko, maging ang mga gamit na kailangan ko ay napapasaakin pero malungkot ang buhay ko. Aanhin ko ang mga bagay na iyon? Na kahit hindi ko pinaghihirapan ay nakukuha ko ngunit wala naman akong kalayaan. Mag-isa lamang ako sa isang mansyon na wala man lamang nagbakasakaling puntahan. Gusto ko man na umalis at iwanan ang lugar na ito... ay hindi ko magawa. Parang may mahika sa bawat paligid ng mansyon at kung susubukin kong tumakas ay may nagbabagsakang kagamitan o 'di kaya'y tila lumilindol sa aking kinatatayuan. Hindi ko alam kung bakit ganoon. Kung bakit parang ako'y isinumpang prinsesa na hanggang sa mamatay ay walang makakakasama o 'di kaya'y makikitang tao.

Ang magandang buhay na tinutukoy ko ay malayo sa lugar na ito. Gusto kong maranasang maging normal. Kagaya noong bata pa ako bago mawala ang aking mga magulang. Ang makapaglaro sa lansangan, magkaroon ng kaibigan, mga taong mag-aalaga sa akin at magmamahal. Isang simpleng buhay lang naman ang gusto ko. Handa akong maghirap. Handa kong paghirapan ang lahat ng nanaisin ko ngunit ang higit kong kailangan ay kalayaan. Kung sana lamang ay may tulong sa akin. Kung may maglalakas loob ng pasukin ang mansyong pinalilibutan ng mahika. Mahika nga ba o kababalaghan?

Pero naniniwala ako na makakalabas din ako rito. Makakaalis ako rito ano man ang mangyari bago ang aking kaarawan... ang ika-labingwalo kong taon sa mansyong ito. Ngunit kung hindi ako papalarin ay may makakasama ako rito. Sisiguraduhin ko iyon.

***

"Anya, sa tingin mo ba ay makakaalis ang dalaga sa istoryang ito?"

"Bakit mo naman naitanong 'yan, Jay? Umaasa ka pa bang makakaalis pa siya sa kinasasapitan niya?" Hindi na. Gsuto kong tulungan siya kaso... Naaawa man ako sa bidang nasa kwentong ito pero may kutob akong hindi maganda ang naiisip niya sa huling saknong.

"Hay naku Jay, inaantok na ako. Bukas na lang natin basahin ang susunod na kabanata ng istorya ng Prinsesa. Siya nga pala, ilanga araw na lamang ang bakasyon natin ditto. Sulitin mo na"

"Oo naman. Sige Anya, matulog ka na. Ikaw na rin ang magtabi ng librong ito. Babalik na rin ako sa kwarto ko."

***

"Tulungan mo ako! Alam kong gusto mo akong tulungan. Gumising ka! Sagipin mo ako, binata."

"Sino ka? Bakit mo ako kinakakausap? Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi mo."

"Binata, ako ang prinses sa librong binabasa ninyo kanina. Kuhanin mo iyon at basahin ang susunod na pahina. Tingnan mo ang kalagayan ko at kung paano mo ako matutulungan."

"Ikaw? Pero... Su-subukan ko. Titingnan ko ang aking makakaya."

"Mangako ka, binata. Mangako ka. " Nanginginig ang mga labi kong tinugon ang kanyang litanya. Hindi ko alam kung bakit ako nangako gayong hindi ko naman siya responsibilidad. Ngunit nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.

"Nangako ka na. Kapag hindi mo ako nailabas sa lugar na aking kinatatayuan, mapipilitan akong isama ka rito. Sasamahan mo na ako rito hanggang sa mamatay ka." Hindi! Hindi maaari ito.

"Binabawi ko na ang aking mga sinabi. Natatakot na ako."

"Huli na. Huli na ang lahat."

Hindi ito totoo. Panaginip lamang 'to. Hindi ko siya nakausap. Wala akong pinangako. Wala akong ginawang desisyon.

"Hindi! Hindi! Hindi!!"

"Jay, gumising ka! Jay!" Agad akong napamulat ng mga mata. Dahan-dahan kong inayos ang aking paghinga at unti-unting gumaan ang pakiramdam ko sa pagkakayakap sa akin ni Anya, ang aking kaibigang matalik.

"Jay, ano bang napanaginipan mo? Bakit ka nagkakaganiyan?" Pag-aalalang tanong ni Anya.

"Hindi ko alam, Anya. Ang alam ko lang ay kinausap ako ng dalaga sa aking panaginip. Nanghihingi siya ng tulong. Nasa susunod na pahina ang magiging sagot sa kanyang pangarap na paglaya. Pero natatakot ako sa maari kong mabasa. Anya, nangako ako. Nangako ako sa kanya."

"Jay, 'wag kang matakot. Panaginip lamang 'yan. 'Wag mo nang isipin." Tama, panaginip lamang 'yon. Hindi 'yon magkakatotoo.

Mula nang mapanaginipan ko ang librong binasa namin noon, tinapon namin ito sa sigaan at ilang araw ang makalipas ay bumalik na kami sa syudad matapos ang aming bakasyon at nalimutan ko na ang nangyari.

***

Habang naglalakad ako ay may babaeng biglang tumigil sa aking harapan.

"Hindi mo binasa ang susunod na pahina, hindi ba? Naduwag ka. Inisip mo na lamang na hindi ito totoo. Pinabayaan mo ang prinsesa. Ginusto mo siyang iwan at magdusa. Hindi ka dapat nangako at magpaasa." Nagulat ako sa taong kumausap sa akin. Pamilyar ang kanyang boses at maging ang kanyang itsura. Unti-unting bumalik sa aking alaala ang librong aking nabasa. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso, halos hindi na ako makahinga. Hindi maari. Hindi ito totoo.

"Kahit anong sabihin mo o pagpapaniwala sa sarili mo na hindi totoo ang lahat ng ito, huli na ang lahat. Isasama na kita sa lugar na pinagkulungan sa akin."

"Pe-pero! Ba-baka matulungan pa kita. Tutulungan na kita, dalaga-"

"Sige, bago kita kuhain sa mundong ginagalawan mo, gusto ko munang ipakita sa iyo ang pahinang hindi mo binasa."

Agad niyang iniabot sa akin ang nakapilas na pahina ng libro at ako'y nanginig sa aking nabasa.

Ang tanging makapagpapalaya sa prinsesa ay ang busilak na puso at kahandaan ng isang lalaki na tulungan siya. Kapag nabasa niya ang mga nakasulat sa pahina na ito, ang ibigsahin ay nangako siya sa prinsesa at ang taong ito ay may busilak na puso kahit na siya'y natakot.

Wala na, huli na ang lahat. Isa akong duwag na hindi marunong tumupad sa pangako.

PHASE 0: AUDITIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon