APPLICANT #18: WIZARD'S KISS
"Isa kang masamang tao! Hindi bagay sa 'yo ang maging maganda at hindi nararapat sa 'yo ang mga kayamanang meron ka! Dahil sa kasamaan ng iyong ugali ay isusumpa kita. Magiging pangit ka at mawawala ang lahat ng yaman mo!"
Iwinagayway ng mangkukulam na si Jasher ang kanyang baston. Lumabas sa baston ang isang makapal na usok at kasabay noon ang malakas na pagkidlat. Natakot ang prinsesang si Tria at gusto na niyang tumakbo, pero hindi niya maikilos ang kanyang mga paa. Tila naka-semento na sa lupa ang mga ito.
Lumaki ang usok na inilalabas ng baston ni Jasher. Unti-unting pumalibot kay Tria ang usok at nagkaroon pa ito ng kuryente. Napasigaw si Tria sa sakit.
"Itigil mo na 'to! Magiging mabait na ako! Hindi na ako mananakit ng ibang tao! Magiging mabuting prinsesa na ako!"
"Hindi! Ilang beses na kitang pinagbigyan pero hindi ka pa rin nagbabago!"
"Aahhhh!!! Tama naaaa!! Masakit na!"
"Tanging halik ng isang wizard ang makatatanggal ng sumpang ito!"
Iwinagayway pa ni Jasher ang kanyang baston at may nabuong malaking liwanag sa tuktok nito. Itinira niya 'yon kay Tria at tuluyan nang nawalan ng malay ang prinsesa.
Nang magising ang prinsesa ay pinakiramdaman niyang mabuti ang kanyang sarili. Suot pa rin niya ang kanyang magandang damit at kahit nahihirapan ay sinubukan niyang lumakad. Kailangan niyang makahanap ng isang wizard para mawala ang sumpa, ngunit saan siya hahanap ng wizard?
Naglakad pabalik ng palasyo ang prinsesa, ngunit hindi siya nakilala ng mga tauhan nila. Ayaw siyang papasukin ng mga ito at nang tanungin niya kung bakit ay ipinakitaan siya ng salamin. Doon niya nakita na kakaiba na ang kanyang itsura. Hindi na siya ang magandang prinsesa na dati ay hinahangaan ng marami. Ang pangit na niya!
Tumakbo palayo ang prinsesa at napadpad siya sa isang gubat. Nang mapagod ay huminto siya sandali, doon ay umiyak siya nang umiyak. Pinagsisisihan niya ang lahat ng mga kasamaang ginawa niya noon. Ang panunukso niya sa mga kaklase, ang pagiging masungit sa kanilang katulong at ang pagiging masamang prinsesa. Then she realized that she's not a princess, she's a witch. Mas masahol pa siya sa tunay na mangkukulam na si Jasher. Pangit man si Jasher ay mabuti naman ang kalooban nito. Ginagamit nito ang kapangyarihan hindi upang manakit ngunit upang turuan ng leksyon ang mga masasamang kagaya niya.
Dahil sa sobrang pag-iyak ay hindi niya namalayan ang isang tigre na papalapit sa kanya. Umungol ang tigre at doon na nagulat si Tria. Napasigaw siya sa takot. Nanginginig ang buo niyang katawan. Handa nang kainin ng tigre ang prinsesa nang may sumulpot na isang makisig na lalaki at pinatumba nito ang tigre sa pamamagitan ng baston.
Ito na ba ang wizard na kanyang hinahanap?
"Lumina Blast!"
Natalo ng lalaki ang tigre at nilapitan naman siya nito.
"Ayos ka lang ba?"
"O-Oo. M-Maraming salamat!" napayakap siya rito ng wala sa oras. Utang niya sa lalaki ang kanyang buhay.
"Anong ginagawa mo rito sa gubat?"
"U-Umalis ako sa palasyo namin. Walang gustong tumanggap sa akin dahil sa aking itsura kaya tumakbo ako palayo hanggang sa mapadpad ako rito."
"Wala kang mapupuntahan ngayon?" Umiling si Tria. "Do you trust me?"
Napatingin ang prinsesa sa lalaki. Dapat nga ba niyang pagkatiwalaan ang lalaking ito?
"H-Hindi kita kilala, kaya paano kita pagkakatiwalaan?"
"I'm Gian, a wizard. Don't worry, I'm a good wizard. Hindi kita sasaktan kahit na..." Napahinto ito sa sasabihin at tumingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Siguro'y iniisip din nito na pangit siya.
"Alam kong pangit ako. 'Wag ka nang mahiyang sabihin."
"Kahit pangit ka, wala akong gagawing masama sa 'yo."
Nagpasalamat ang prinsesa kay Gian at sumama siya sa bahay nito. Doon ay ikinuwento niya sa lalaki ang mga nangyari sa kanya, mula sa pagiging masamang prinsesa niya hanggang sa isumpa siya ni Jasher. Ngunit may isang bagay na hindi sinabi si Tria, ang tungkol sa halik.
Lumipas ang mga araw at tinutulungan ni Tria si Gian sa mga gawain sa bahay. Tumutulong na rin siya sa ibang tao at pilit niyang binabago ang kanyang sarili. Gusto na niyang mawala ang sumpa. Gustung-gusto na niya.
Sa paglipas din ng mga araw ay unti-unting nahulog ang kanyang loob kay Gian. Minahal niya ito dahil sa kabaitang ipinakikita sa kanya. Gusto na rin niyang sabihin kay Gian ang tungkol sa sumpa ngunit nagdadalawang-isip siya.
Hanggang dumating ang isang hindi inaasahang pangyayari.
"Tria, ano bang ginagawa mo riyan? 'Yan pang sirang hagdan ang ginamit mo," sabi ni Gian kay Tria na kasalukuyang may inaabot sa mataas na bahagi ng bookshelve.
"Hindi, kaya ko 'to. Maaabot ko naman-" Nagkamali ng tapak si Tria at nasira nang tuluyan ang hagdan.
Napasigaw na lang siya at hinihintay ang kanyang pagbagsak. Nagulat naman si Gian sa sigaw ng dalaga at agad siyang nag-cast ng spell.
"Axtrus ve luz!"
Hindi bumagsak si Tria at lumutang lang siya.
"Next time magpatulong ka na lang sa akin at 'wag mo na ulit gagamitin 'yang hagdan na 'yan."
Ibinaba ni Gian si Tria at saka nag-cast ng spell upang sirain ang hagdan. Maglalakad na paalis si Tria pero bigla siyang nadulas sa isang basahan na nakakalat.
Bumagsak siya sa ibabaw ni Gian at sa pagdilat ng kanyang mga mata ay nagulat siya sa nakita. Magkadikit ang labi nila ni Gian! Tatayo na sana si Tria pero bigla na lamang siyang nagliwanag at umangat sa ere. Nagliwanag siya ng sobra na halos masilaw na si Gian. Unti-unti ay bumalik sa dating anyo si Tria at laking gulat naman ni Gian sa nasaksihan.
"Isinumpa ako ng mangkukulam na si Jasher dahil sa masamang ugali ko noon. Sinabi niya na tanging halik lang ng isang wizard ang makakapag-alis ng sumpa." Lumapit si Tria kay Gian. "Do you love me?"
Noong una ay nag-aalangan pa si Gian, pero sa huli ay sinabi rin niya ang totoo.
"Yes. I love you, Tria."
Hinalikan ni Prinsesa Tria ang wizard na si Gian at sabay silang bumalik sa palasyo. And they lived happily-ever after...

BINABASA MO ANG
PHASE 0: AUDITIONS
Short StoryLITERARY OUTBREAK: FIGHT OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 2) Phase 0: Auditions