"Lyn! Bumaba ka dito, adadtoy ni Gail!"
"Wen!"
Andyan na si Gail!
Excited na ako, sabi nya kasi pupunta sya dito ngayon para dalhin mga pasalubong ng Papa nya na galing Canada.Pagkababa ko ay nakita ko agad si Gail na nakaupo sa sala at may katabing isang malaking box.
"Bro! Yan na ba yung pasalubong ni Tito?"
"Oo bro, oh buksan mo na"
"Oh Lyn at Gail, nu mabisin kayo nagadot foods in the kitchen, wen? Alis muna ako at tulungan ko Papang mo sa pwesto natin Lyn. Agtext ka kung aalis kayo ah. Diretso na din pala ako sainyo Gail para magdala ng gulay at magluto."
"Wen Mamang.."
"Sige po Tita."May sariling pwesto kami sa palengke,
nagtitinda kami ng mga gulay.
Sa pagtitinda ng gulay ako binuhay nila Mamang,
may sarili na din kaming bahay.
Malapit na din akong mag college,
at sa private school nila ako pinag aral mula noon pa.
Masaya kami kahit maliit lang ang pamilya namin.Si Gail, bestfriend ko na yan noon pa.
Fetus pa lang ata kami bestfriend ko na yan.
Bestfriend din kasi mga magulang namin.
Pareho silang mga Ilokano,
College days daw nila noong naging magkakaibigan sila.
Sa sobrang pagiging bestfriend nila sabay nagbuntis si Mamang at Tita Jussie.
Nauna nga lang lumabas sakin si Gail ng isang araw.Si Gail, may kapatid syang babae, si Grace.
Ang Mama nya housewife lang.
Ang Papa naman nya ang nagtatrabaho bilang OFW sa Canada.
Magkapitbahay lang din kami."Oh bro, buksan mo na ah."
Pagbukas ko ng box may mga lotion, sabon, pabango at kung anu ano pa.
May mga damit din at sapatos para kina Mamang at Papang."Bro, wala namang para sakin dito eh."
"Tange! Ito oh, mga make up.. Oh itong shoulder bag sayo daw to. Tapos.. Itong doll shoes, ganda ng kulay oh.. Tapos.."
"Hep! Awat bro! Anyametten! Di ko naman trip yang mga yan bro. Sabi ko kasi sayo sabihin mo kay Tito na hindi nga ako babae!"
Simula bata kami,
kapag pinapasalubungan kami ni Tito puro mga pambabae binibigay nya kahit alam naman talaga nyang.. Tibo ako.
Dati nga puro Barbie pa yung binigay sakin.
Dalawang bagay lang ang ginamit ko sa mga binigay, isang Vans slip on shoes na di pambabae ang design at isang black tshirt na may print ni Hello Kitty pero nakabihis ng hiphop."Sus! Wag mo na kasi ipilit."
"Tungaw!!! Nagka syota na nga ako't lahat ng babae tapos wag ko pa ipilit?"
"Oo na bro, joke lang.. Kay Grace talaga tong mga to. Dinala ko lang para lokohin ka, hahaha.."
Binatukan ko nga, tawa pa ha.
"Aray naman tol. Oh eto yung sayo,"
Bigla nyang hinila ang isang maliit na box sa ilalim ng upuan.Pagbukas ko ay may mga polo, jeans, shirts at sapatos na puro panglalaki.
May pabango pa na panglalaki din."Astigggggg!!!! Tanggap na ako ni Tito?"
"Suko na daw sya."
"Yes!! Pakisabi thank you, ay ako na pala! Doon pala tayo kakain sainyo mamayang gabi no."
"Ano pala balita kay Erin?"
"Baka itigil ko na panliligaw ko sakanya bro, naiinis na kasi sya eh."
"Pag nag college tayo, saka ka maghanap na lang ng mas hot na chick. Tanga mo kasi eh.."
"Oo na, tanga na kasi pinakawalan ko pa si Shiena. Hot nun grabe kaso kasi gusto nya gawin yun eh.. Eh ayaw ko nga."
"Ikaw na inoofferan ng grasya ayaw mo pa."
"Wag mo nga itulad sayo, oo chickboy tayo pero syempre respeto pa din buy! Kaya payagan mo na ako kay Grace, mamahalin ko naman sya eh."
"Ninam! Asa ka."
"Hahahaha.. Oo na. Bro, naisip ko lang.. Kasi alam naman na ng lahat na ganto ako di ba?"
"Oh ano na namang trip mo?"
"Ayaw ko na ng Lyn itawag nyo sakin, tae baklang bakla eh."
"Ano gusto mo? Jefer?"
"Jef lang."
"Pwede.. Ayos din yun ah."
"Cool di ba. I-aannounce ko yan mamayang dinner. Tapos astig pa pag magpapakilala ako sa chick tapos suot ko tong polo na to," tinaas ko pa yung isang polo at nag pogi pose, "hi, just call me Jef."
"Tae gwapings!"
Nag apir pa kami,
Kaya mahal ko tong si Gail eh.
Suportado nya ako."Kaso long hair ka pa din bro."
"Bro, isipin mo na lang para akong rakista o kaya hot dude na may long hair ganon, alam mo namang ito ang precious gem ko eh."
"Sabagay, cool nga. Parang gusto ko din magpahaba ng buhok ah."
"Tungaw.. Magmumuka tayong kambal, mukang tanga yun."
"Sige okay na ako dito sa Enrique Gil look ko."
"Apir!!!!"
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...