VI

177 3 0
                                    

Haaaa!?
Ba't nandito yun?

Nilayuan ko agad sya pagyakap nya sakin,
Sinamaan ko sya ng tingin..

"Jef.. Galit ka ba?"

Naiinis talaga ako sa kanya!!
Ewan ko bakit.

Tumakbo ako paalis,
Papunta sa bahay at paakyat sa kwarto ko.
Sa sobrang bilis daig ko pa si Flash.

Ba't pa kasi sya sumunod?
Anong trip nya?
Naguguluhan na nga ako eh.
Tapos manggugulo pa sya!!

Aaarrrgggg!!

Mayamaya, may kumatok.

"Jef! Cath to, anya didyay Jef? Bakit ka tumakbo?"

Pinapasok ko sya.
Di ko na kaya.
Sasabog na ako na sinasarili ko to,
Nasanay kasi ako na pag may problema ako o iniisip,
Sinasabi ko sa kanya.

Umupo kami sa kama.

"Apay Jef? Ana't problema?"

Di na ako nakatiis.
Kwinento ko sa kanya lahat.
Ba't pa ako mahihiya?
Wala eh nangyari na.

"Sheettt! Di nga?"

Nanglalaki mata ni Cath.
Di ko maintindihan yung reaksyon nya,
Feeling ko magagalit sya kasi nga crush na crush nya si Gail.

"Im happyyyyy forrr youuuu!!!!!"

Hinawakan nya pa ang dalawa kong kamay at nagbabounce bounce pa habang nakaupo.

"Ha?"

"Masaya ako para sayo, sainyo! Sabi ko na nga at kayo talaga.."

"Anong kami? Lasing lang kami noon. Tsaka ano ka ba! Di ba crush mo sya? Dapat magalit ka!"

"Sus! Childhood crush ko lang sya Jef.. Ilang taon na tayo ngayon? Heleeerrrr adda boyfriend kon!"

What!?
May boyfriend na pala to.

"Ano ba gagawin ko.. Ayoko syang makita."

"Ano ba kasing problema? May feelings ka na ba para sa kanya?"

"Ano? Tomboy ako, lesbian. Babae gusto ko.. Ba't naman ako magkaka feeling sa kanya, tsaka bestfriend ko yun no!!"

Do I sound guilty and defensive?
Of course not!

"Talaga? Eh bakit ganyan ka. Ayaw mo syang kausapin kasi affected ka, at affected ka kasi may feelings ka na. Kung di ka affected, bakit ayaw mo syang kausapin?"

Mag dedeny pa sana ako..
Pero parang may point sya eh.
At parang nasundot ako ng point nya.

Kinapa kapa ko ang nararamdaman ko,
At..

IT CAN'T BE!!


Later that day,

"Jef.."

Nakatambay na naman ako sa seashore nang may narinig akong pamilyar na boses,
yung boses na miss ko na.

Nilingon ko sya.
Okay, ready na ako makipag usap.

"Bro kasi...--"

Tatayo na sana uli ako
At handa ng mag ala Flash.

"Oh bakit aalis ka na naman.."

Pero nahawakan nya ang kamay ko.
Bigla kasi akong nairita nung tinawag nya akong bro.

"Ano pa ba kasing dapat nating pag usapan?" tanong ko sa kanya nang hindi man lang sya nililingon. "Wala na yun, kalimutan mo na yun."

Hinili nya ako na nagpabalik sakin sa pagkakaupo,
Di ko pa din sya tinitignan.
Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at pinaharap nya ako sa kanya.
Yumuko ako.

"Jeferlyn  Campos Marquez.. Tignan mo nga ako."

Hindi ko sya sinunod.
Hinawakan nya ang baba ko at iniangat,
Nagtama ang mga mata namin.

Naiiyak ako. Ang arte.

"Jeferlyn.. Ano ba.."

"Anong ano ba?"

Nakahawak pa din sya sa baba ko.

"Bakit mo ba ako iniiwasan?"

Hindi ako kumibo.

"Sabi mo kasi kalimutan na natin yun..sige kahit ang dami kong tanong at gustong sabihin, sige kalimutan na natin, pero bakit umiiwas ka pa din?"

"KASI MAHAL KITA......"
Pero joke lang, sa isip ko lang yan sinabi.
Haha wag kayong ano dyan.
Dahil joke lang din yan.

"Huyyy ano na.."

Huminga ako ng malalim..

"Ahh.. Wala bro, basta hayaan mo na yun. Sensya na bro ah, nagulat lang din siguro ako sa nangyari kasi tibo ako di ba? Tapos bestfriend pa kita. Okay na yun bro, small thing."

Di ko alam pero parang may nakita akong lungkot sa mga mata nya.
Pero agad ding nawala at ngumiti sya.
Tinanggal nya na din yung pagkakahawak nya sa baba ko.

"Buti naman at okay na tayo, pero babawi ako sayo bro! Lilibre kita kahit gaano kadaming isaw pa gusto mo.."

Ikaw gusto ko,
I mean yung isaw mo..
Este na ililibre. Shit.

"I feel guilty pa din talaga bro. Promise. Kasi nakuha ko yung.. Virginity mo. Tapos lasing pa tayo." Halos ibulong nya na yung salitang yun.

"Ayaw mo nun, at least nagka experience ako tsaka di pa sa ibang tao. Hahaha at least na try ko di ba? Kaya tumigil ka na dyan Gail Magabilin Basco."

Ulol wag ako Jef.
Napaiwas ako ng tingin,
Naluluha luha na kasi ako.

Teka ba't ako naluluha?
Pabebe. Amp.

"Uhh.. Okay."






"Okay."

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon