Time flies, 3 months na lang at makikita ko na ang baby namin..
Happiness!Last month namin inalam ni Gail kung girl or boy yung baby ko.
Dahil nga napilit ko sya kahit pa teleserye effect sya.So it's a baby GIRL!
"And we'll name her.. Andrea Evangeline."
"I like Andrea, but why Evangeline?"
"Sa tingin ko kasi wala ka pang naging girlfriend na Evangeline.."
"What!?? Dahil dun?"
"Joke! Because she's a blessing.. She's an angel."
Hinalikan nya ang tiyan ko.
"Hmm.. Ano kaya nickname mo baby? Angie? Andy? Vangie? Eva?"
"I like Andy.."
"Nakoo baby, boyish ang nickname mo, pero wag kang gagaya kay mommy ha? Kailangan pang-- aray!"
Hinila ko nga ang tenga nya.
Walangyang to, ibubuko pa ako sa anak namin. Lol"Tignan mo baby nagalit si mommy kasi guilty."
Aba't bumanat pa ulit.
Kinonyatan ko nga.Hinalikan lang uli ni Gail ang tiyan ko.
Mamaya ay ngumiti sya.
Sumipa kasi si Andy..Nakakatuwa kapag sumisipa sya.
Simula nang matutong sumipa si Andy lagi ko syang vinivideohan.Hanggang sa ako na lang nagsawa dahil halos mapuno ng video ng tiyan ko ang phone ko.
Ang likot likot kasi talaga ni Andy.
"Sumisipa na naman sya oh.. Gustong gusto na nya lumabas Jef.. Excited na ako."
Hinalikan nya ako sa labi ko.
And then I smiled.
Kitang kita sa mga mata ni Gail kung gaano sya kasaya at ka excited.Sana hanggang lumabas si Andy, ganyan pa din sya samin.
"Gail, next month pwede na ba tayo mamili ng mga gamit nya?"
"Bakit next month?"
"Eh kasi sa last month nya sa tiyan ko, balak ko sanang magpahinga ng maayos.. As in. Para walang komplikasyon. Kaya next month na lang tayo mag bilibili.."
"If that's what my wife's want.."
Napangiti ako.
He's always like that, sweet.Anyways, sa totoo lang halos ready na ang lahat sa paglabas ng baby Andy namin.
Pinag dugtong namin yung kwarto ko at yung kwarto nila Mamang at Papang.
Kahoy lang naman ang pagitan non kaya madali lang nagawa.Naipwesto na namin ang mga gagamitin nyang crib, drawer, baby bag, mga alcohol, mga dede at kung anu ano pang gamit.
Kulang na lang yung mga damit nya.Ang napili kong pinaka theme ng mga gamit nya ay si Hello Kitty.
Paborito ko kasi talaga si Hello Kitty, haha!
Naalala ko tuloy yung binigay ni Tito na t-shirt na Hello Kitty.Excited na din ang lahat sa paglabas ni Andy.
Hindi pa man lumalabas ang baby pero nagkanya kanya na sila ng inaakong bibilhin nila.
Si Cath daw, stroller.
Sila Mamang, supply daw ng gatas at diaper ng isang taon.
Parents naman ni Gail, high chair at cradle daw.At kung sinu sino pa ang nag volunteer.
Haayyy Andy, kaya ikaw..
Maging mabuting bata ka ha?
Kasi lahat excited sayo, at mahal na mahal ka naming lahat.
Lalo na si Mommy at Daddy, mahal na mahal ka namin."Anong iniisip mo?"
"Natutuwa lang ako kasi masaya ang lahat sa pagbubuntis ko, tapos ito ngayon na malapit na akong manganak.. Excited na silang makita ang angel natin."
"Eh sino ba namang di ma e-excite sa tiborciong nabuntis!?" Sagot ni Gail sabay ngisi at takbo sa kusina.
"Peace! Magluluto na ako!" pahabol pang sigaw nya.
Napangiti na lang ako.
Hinimas ko ang tiyan ko kasabay ng pagsipa ni Andy.
Unting tiis na lang munting anghel ko.
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...