Umaga pag gising ko, chineck ko agad messenger ko.
Daming message ni Jef.Anong oras na ba dun?
8pm ata. Patulog na sila."Babe, si Ms. Lauren yung foreigner na kasama ko. Sya yung bago kong trainor. Sobrang higpit pero sobrang bangis. Late na kami natapos kagabi tapos maaga pa ngayon. Sorry if di na ako nakapag message kagabi. I love you. Matulog na kayo ng mahimbing ng angel natin ha? Mahal na mahal ko kayo. Miss ko na kayo sobraaaaa! I love you hal."
"Ay sya pala yun hal. Kala sino na eh. Intindi kita ha? Alam kong pgod ka dyan! Galingan mo ha? Mahal na mahal ka namin ni Andeng! We miss you Daddy Gail. Love love love. Good night. Antok na Andeng eh, oh mag iingat ka lagi ha? Wag pabayaan ang sarili. I miss you love. ❤❤❤❤😴😴😴😴😴😍😍😍"
Sumagot naman agad si Jef, na sinundan ng picture nila ni Andeng na nakahiga na.
Nag selfie din ako at sinend.
Hayyy miss na miss ko na mag ina ko!
Gagalingan ko talaga dito para pagbalik ko ng Pinas, worth it lahat ng pagka miss ko sakanila.Nakarating ako sa office, 8:30am.
Maaga aga pa. 9 pa naman ang in ko talaga.Nagulat ako na nakita ko na si Ms. Lauren sa desk nya, mukang matagal na syang nakarating dahil nagkakape na ito.
"Hi Maam, good morning!"
"How many times do I have to tell you? Just Lauren! Okay? Anyways, good morning as well."
Tumango lang ako at ngumiti.
Dumiretso na ako sa desk ko at nag review sa desktop ko ng mga pinag aralan namin kagabi.
Bibigyan daw kasi nya ako ng test ngayon.Sobrang galing ng babaeng to,
Sobra ding nakaka challenge. Kasi babae sya eh. Dahil kaya nya, kaya ko din!
Parang si Jef lang, galing mangalikot ng kotse kababaing tao.
Ang hot di ba.Napatingin ako kay Lauren.
Nakaharap kasi ako sa table nya tapos nakaharap sa right ko yung table nya.Halatang busy sya sa binabasa nya.
Kitang kita ko kung gaano kaikli yung skirt nya ngayon katulad kahapon.
Infairness maganda talaga si Lauren.
Blond na mahaba ang buhok.
Sobrang puti at kinis.
Blue na mata.
Tangos ng ilong grabe.
Full lips at pink pa.
Plus! Sobrang bango nya.
Kahit di ako lumapit amoy na amoy ko yung bango nya.
Ang sexy pa. San ka pa.Hindi naman sa pinagnanasaan ko si Lauren, natitigan ko lang kasi.
Bandang 9:30 nang lumapit sya.
"I emailed you your exam, just print and answer it. Don't even dare to cheat okay? I'll leave for 30 minutes and when I came back I want all of it has the right answers okay?"
Tumango lang ako.
"Okay, good luck."
Ewan ko kung imagination ko lang yun pero alam ko talaga eh na pagkasabi nya ng good luck, kumagat labi sya.Nevermind. Kailangan kong mag focus sa test.
Dumaan ang mga araw, unti unti na din kaming nagiging close ni Lauren.
Nag kekwentuhan tungkol sa personal lives namin.
Natutuwa din kasi daw talaga sya sakin kasi ang bilis ko daw maka pick up ng lessons at laging perfect ang tests ko.
Di daw nagkamali ang company na piliin ako.Halos gabi gabi na din kaming umiinum pagkatapos ng trabaho.
Kwentuhan saglit.
Alam naman ni Jef yun dahil lagi ako nagpapa alam sa kanya.Boyish din talaga sya kahit sobrang babae manamit.
Kaka divorce lang din pala nya, pasalamat daw sya dahil di sya nagpa anak.
Nalaman nya kasing bakla pala yung lalaki.Grabe no.
Ako nag asawa ng tibo, alam at tanggap ko yun.
Sya naman, saka nya nalamang bakla yung lalaki nung nakasal na sila.Kwinento ko sakanya yun kaya amaze na amaze sya.
Sobrang bait at down to earth na babae si Lauren.
Swerte nung lalaki kasi napa sakanya si Lauren, kaso di pala babae talaga ang tipo nya.Naaala ko tuloy si Jef.
Halos pareho sila ng ugali ni Lauren.
Ibig sabihin swerte din ako! At hindi ako tanga tulad ng ex-husband ni Lauren na papakawalan ko din tong swerte na to.Lalo pa't may Andeng na kami.
Lalo ko tuloy silang na-miss.
Jef.. Andeng..
Intay nyo lang si Daddy ha!
Malapit na. Unting tiis na lang.✈
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...