Tinignan ko ang sarili ko sa salamin sa kwarto namin habang naka underwear lang ako.
Nakita ko na may mga hickies ako sa dibdib ko.
Grabe talaga tong lalaking to.
Napangiti na lang ako habang naalala mga pinag gagawa namin kapag gabi.
Pero sabi ko sa kanya ayoko na munang gawin yun, alam nyo na.. Kasi lumalaki na ang baby ko.
Obvious na obvious na ang baby bump ko since magpa 5 months na sya so dapat lang.Ilang months na lang baby, makikita ka na namin ni daddy.
Excited na ako.
Si Gail din halatang excited na sya dahil lagi nyang kinakausap ang tiyan ko na akala mo sumasagot talaga yung baby.
Sabi nya ayaw nya daw malaman kung anong gender ng baby para surprise pero pinilit ko sya,
Sabi ko gusto ko mai-ready lahat ng gamit ni baby ng naaayon sa gender nya.
Tsaka excited na akong malaman kaya wag syang KJ.Pumayag naman sya,
At pinangakong sa sunday pag nag day off sya ay sasamahan nya ako sa doctor para magpa ultrasound.Naalala ko nung one time na sinamahan nya akong magpa check up,
Pinarinig nya samin ang heartbeat ng bata.
Naiyak talaga ako nun, ikaw ba naman for the first time, narinig mo heartbeat ng anak mo.
Nang mapatingin ako kay Gail, lumuluha na din pala sya.
Lalo akong na touch at umiyak.
Tuwang tuwa samin si doktora noon kasi naman ang gwapo't ang ganda daw naming mag asawa,
Sigurado daw na ganon din ang anak namin.
Cute na cute din sya ng makita nya kaming parehong umiiyak.Friday ngayon,
At as usual.
Wala na naman akong magawa.
Natapos ko naman na yung JTV.Lunch, nagluto ako para saming tatlo nila Moy at Nick.
Adobo ang niluto ko na naubos din naming tatlo.
Grabe halos katulad ko na sila sa pagkain, ang sisiba namin.Pagkatapos ay umidlip ako saglit.
Hapon din ng araw na yun nang napag pasyahan kong bumili ng mga bagong bra at damit dahil medyo nahihirapan na din ako.
Kaya pumunta ako sa mall.
Dumaan din ako sa grocery para bumili ng mga stocks para sa bahay.Tapos may nakita akong fluffy slippers na may kulay blue at pink, binili ko agad pareho, para kay husby yung blue.
Sweet ko di ba.Iniwan ko saglit sa baggage counter ang mga pinamili ko at nagmeryenda saglit.
Nang papunta na ako sa kotse ko sa parking, tulak tulak ang cart ko..
May nakita akong mag boyfriend na naglalakad papunta sa space ng parkingan ng mga motor.Then I suddenly felt the pain in my chest.
Kasi familiar yung lalaki.
Feeling ko pati yung baby ko umiiyak na.Nagtatawanan pa sila habang naglalakad.
Yung babae kinukurot kurot pa nya yung lalaki sa tagiliran.
And many more sweet gestures.Di ko na tinignan pa.
Nag madali akong ilipat ang mga pinamili ko sa kotse ko so the couple won't see me.
Nasa daanan kasi papuntang cashier ng parking lot banda yung pinagparkingan ko kaya alam kong madadaanan nila ako.
Sakto namang nakaupo na ako sa loob ng dumaan sila.
Tinignan ko sila mula sa rearview mirror ng kotse.
At nakita ko kung paano nakayap ng mahigpit yung babae sa lalaki.Ang sakit sakit.
Napayuko na lang ako sa manibela ko.
Umiyak ako na parang tanga.Tanga naman talaga ako.
All this time.
All this time, naniwala ako na merong kami.Pero Gail, umasa lang pala ako.
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...