2 months na ang lumipas simula ng umalis si Gail.
Pero feeling ko araw araw sobrang bagal ng oras.
Miss na miss ko na sya.
Kaninang umaga lang nagchat sya at nagsabing kakauwi nya lang galing trabaho. Bago daw yung magiging trainor nya bukas at hindi pa nya nakikita.
Pero think positive pa din ako, para din to kay Gail. Sa career nya. Para na din kay Andy.
Ako naman nakakita na ako ng isa pang pwesto para pagbuksan ng isa pang branch ng Talyer ni Manang Jef.
Nakakatuwa nga kasi nag contribute si Moy sa pagpapatayo, si Nick naman umalis na pero once daw na makaipon ito ay babalik daw ito at makikihati din. Naiintindihan ko naman sya. Nakakatuwa nga kasi naghanap agad sya ng makakapalit nya para daw di kami mahirapan tapos dumadalaw ito pag day off nito at tumutulong.
Si Moy, grabe ang inimprove.
Sobrang mature na, tapos seryoso na sya talaga sa trabaho.
Dahil yan kay Grace eh, sinagot na kasi sya kaya ayan..
Susunod daw nyang target, bahay. Nangungupahan lang kasi sila.
Yung Papa nya binilhan nya ng sariling tricycle at prangkisa, oh di ba.
Sabi ko, kung gusto nya buhayin nya ulit yung tindahan namin, kay Mama nya na lang ipabantay.Maayos na ng sobra ang lahat.
Kulang na lang talaga si Gail.Nag chat ako sa kanya,
Huy umuwi ka na.
Miss na miss na kita. Hehehe.
I love you Gail. 😙😙😘1 week pa ulit ang lumipas.
Inumpisahan ng irenovate yung pagpepwestuhan ng pangalawang branch.Si Moy nag umpisa na ding kumuha ng mga empleyado.
Sya na daw bahala sa lahat.
Mag relax na lang daw ako.Napaiyak pa ako one time nung nag dramahan kaming dalawa.
Lagi ko binabalitaan si Gail at tuwang tuwa din sya sa mga balita ko.Si Niña naman, yung tagapag alaga ni Andy, inalok ko na baka gusto nyang bumalik sa pag aaral. Dito kasi samin, may college na libre lahat.
Mga projects at activities at baon at kung anu ano pa ang babayaran pero tuition, as in wala.Pag iisipan daw nya.
Natatawa nga si Moy kasi baka daw next time mag karoon na daw ako ng foundation ng mga gustong magpatuloy pa ng college.
Sabi ko na lang, "bakit hindi di ba."Tanghaling tapat,
habang natutulog si Andy sa tabi ko.
Nag fe-facebook ako kasi di ako makaidlip man lang. Di pa nag chachat si Gail.Biglang nag appear sa newsfeed ko na may nag tag ng picture kay Gail, pinindot ko ito para mas makita.
Nakita ko ang isang blond at blue eyed na babae. Halos ka age lang din namin ni Gail kung pagbabasehan ang mukha nya, nakatayo ito sa gilid ni Gail at nakahawak sa balikat nito habang sya ay nakaupo sa swivel chair. Pareho silang nakangiti ng malapad.Ewan ko pero bigla akong nabwisit.
Sino ba tong babaeng to.Sinave ko yung picture tapos sinend ko sa messenger ni Gail.
Hal, sino to?
Di talaga ako mapakali.
Lalo na't blond na naman.
Ugh! Nagka phobia na ata ako sa mga blond na babae at umaaligid kay Gail.
Pero baka naman officemate lang nya ito.
Muka namang kagalang galang yung babae base sa suot nitong pang office at naka eyeglasses ito.
Pero hindi eh, America yun.
Napaka liberated pa naman ng mga tao doon.To: Ninang Cath
Cath!! I nid to show u sumthing
Asn ka?From: Ninang Cath
5 pa out ko, sge dyan ako didiretso.
Alam nyo naman na si Cath lagi ang nilalapitan ko kapag mga gantong panahon.
Tinitigan ko na lang si Andy na payapang natutulog sa tabi ko.
"Anak ko.. Si Daddy oh, may kasamang babae. Sad tuloy si Mommy pero malaki ang tiwala natin sa kanya di ba? Kaya stay strong tayo no Little Angel? I love you.."
Akala mo naman sasagot talaga si Andy.
Niyakap ko na lang ito at hinagkan sa pisngi, pinilit kong matulog.Tama. Tiwala lang. 😇👪
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...