Days had passed simula nung araw na yun, at simula nun..
Mag iisang linggo na.
Di ko pa din kinakausap si Gail.Lagi nya akong pinupuntahan, tinatawagan, tinetext at kung anu ano pa pero ako naman si iwas dito at iwas doon.
Ayoko.
Nakakahiya.
Ano pag uusapan namin?Kaya napag pasyahan kong umuwi muna sa probinsya, sa Ilocos.
Nag stay ako sa Tito ko na may sariling maliit na kainan sa Pagudpud Beach.Nagiging nognog na nga ako dito eh,
Paano kahit di ako maligo sa beach..
Ang sarap namang tumambay sa buhanginan.Tumunog bigla ang phone ko,
Bro, san ka na ba?
Sabi ni Tita nagbakasyon ka dw..Hindi ko nireplyan pero tuloy tuloy pa din sa pag text si Gail.
Isa doon ay..Di ba sinabi ko naman sayo, mas masakit kung ikaw yung mang iiwan.
Naalala ko tuloy..
Nung gabing yun,Napapikit na lang ako..
Napakapit ako sa leeg nya."Jef.."
Nagulat ako ng bigla na nya akong binuhat,
Nakakapit pa din ako sa leeg nya at magkalapat pa din ang mga labi namin.Maya maya ay inihiga nya na ako sa kama nya..--
Waaiiiittt!
Unti unti ko ng naalala.
Shit. Ayaw ko na muna alalahanin.
Dahil pati sa sarili ko, nahihiya ako."Jef!"
"Oy Cath.."
Umupo sya sa tabi ko.
"Ikaw hilig hilig mong tumambay dito, tanghaling tapat."
"Wala naman kasing magawa.."
"Edi maligo ka dyan sa baybay! Ay oo nga pala, di ba marunong kang mag ayos ng sasakyan?"
"Oo bakit?"
"Si Manong kasi, nasira yung auto nya eh.. Tara para may magawa ka."
Si Cath nga pala ang parang kababata ko na din dito sa Ilocos.
Kasi sa tuwing uuwi kami nila Mamang at Papang dito, sya ang kaibigan ko.
In fairness babae sya.At kahit sobrang sexy at maganda sya,
Di ko sya nagustuhan.
Ewan ko ba. Siguro talagang kapatid ang tingin ko sa kanya.
Tsaka patay na patay to kay Gail.Habang naglalakad kami..
"Kamusta na si Gail?"
"Chickboy pa din.."
Minsan na din kasi kaming nagbakasyon na kasama ang pamilya ni Gail.
Simula noon,
Naging crush nya na si Gail."Talaga? Minsan nagkaka chat kami eh, pero puro pangaral lang ang nakukuha ko.. Tingin nya pa din sakin bunsong kapatid."
"Ganon ba.."
"Nag i-status sya ngayon sa facebook na parang broken hearted ang datingan. Bakit kaya?"
Broken hearted?
Di kaya dahil iniiwasan ko sya.
Ngayon lang yun, kasi ayaw nyang nag popost ng mga drama nya sa buhay sa fb eh.Ay hindi,
Baka dahil kay Jessa.
Baka tinamaan na talaga sya sa babaeng yun."Di ko alam eh. Lagi naman broken hearted yun.." tumawa pa ako na halata namang peke.
"Hahaha chickboy pero broken hearted?"
"Eh kasi di sya mapakali eh, iba iba laging babae.. ang ending, sya naman ang luhaan.."
"Baliw talaga yun.."
Oo baliw talaga yun.
Tanga pa..Di nya makita kung sino talaga mga nagmamahal sa kanya,
Kaya ayan!
Luhaan sya lagi.Nakakainis.
Ang tanga tanga.Gusto ko syang puntahan ngayon,
Tapos..Tapos..
Sasabihin kong..
"Broooo!!!"
"Bro? Ba't naman yun ang sasabihin ko."
"Uy Jef! Si Gail!"
"Si Gail????"
Paglingon ko, andun nga sya at tumatakbo papunta samin.
Paglapit nya,
Niyakap nya agad ako.Niyakap nya ako. 😱
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...