XV

161 3 0
                                    

Nag tuloy tuloy si Gail sa ganoon.
Lagi na syang ginagabi,
Or should I say inuumaga.
Tapos maaga din syang papasok.
Di ko nga alam kung paano nya yun nagagawa eh.

Sabi nya madami lang daw talagang trabaho,
Pero feeling ko iniiwasan nya lang talaga ako.
Natatakot din ako kasi noong nakaraan na sinabi nyang busy sya sa trabaho, di pala trabaho inaatupag nya.

Pero kasi di ba.
May karapatan din naman ako?
Magkaka anak na kami.
Pero wala naman kasi talaga kaming usapan.
So tama, ginagawa nya lang ito para sa bata.

Di ko namalayan na lumuluha na pala ako.
Nasasaktan ako,
Bakit?
Umiyak na lang ako ng umiyak.

Tinawagan ko si Cath.

"Cath.."

"Uyyy ano? Okay ka lang? Umiiyak ka ba?"

"Cath, feeling ko di na talaga tamang magsama pa kami ni Gail eh."

Kwinento ko sa kanya ang lahat.

"Alam mo, baka nagiging emosyonal ka lang.. Ganyan talaga pag buntis, kung anu anong naiisip.. Malay mo, talagang nag wo-work hard lang si Gail kasi magkaka anak na kayo di ba?"

May point sya.

"Sabagay.. Tama ka din, pero kasi di ko maiwasang masaktan eh. Lalo pa't wala naman talaga kaming usapan di ba?"

"Edi kausapin mo sya! Linawin mo kung ano ba talagang meron sa inyo.. Para di ka nagkaka ganyan, kawawa naman inaanak ko."

"Okay okay sige. Kakausapin ko sya."

"Kaya tumahan ka na dyan, don't overthink on things too much."

"Tama ini-stress ko lang talaga ang sarili ko."

"Good."

Pagakatapos naming mag usap ay pinakalma ko ang sarili ko.
Nag ayos ng sarili at lumabas ng kwarto.
Sinilip ko sila Moy at Nick na wala na ding ginagawa.

"Pwede na kayo umuwi.."

"Sure ka ba Ate? Baka may kailangan ka?"

"Wala! Sige na! Nang magka social life naman kayo no."

Nagpaalam na sila at umuwi.
Natutuwa talaga ako sa dalawang yun, sobrang sisipag.
Sabi ko sakanila, anytime na kapag sawa na sila dito sakin pwede naman silang umalis.
Isa pa, sayang ang pinag aralan nila.

Nagluto ako ng dinner namin.
Sana lang maaga syang umuwi.

Tinola ang niluto ko.

Tinext ko sya.

Gail, nagluto ako. Sana makauwi ka ng maaga.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon