XXII

110 3 0
                                    

Bisperas na.
Ako ito, tulog lang ng tulog.
Ang sarap matulog lalo't naka aircon.

Si Gail busy magluto, ayaw nya ako patulungin.
Lahat sya ang umaasikaso.
Sabi ko nga bakit ang dami dami naming handa eh dalawa lang naman kami, and guess what he said?

"Unang Christmas natin to as family. I want it to be memorable and special.."

See?
Sino bang aangal pa?

Inisa isa nya ang mga handa namin.
Merong dalawang ham, keso de bola, cheesecake, sangkaterbang carbonara at dalawang roasted chicken.

Grabe tong taong to.
Buong barangay ata ang papakainin.
Buti sana kung andito yung dalawa, si Moy umuwi ng Laguna kasama ang pamilya.
Si Nick syempre sakanila mag cecelebrate yun.

Pumunta ako kina Mama ni Gail kanina para imbitahan na saamin na lang mag Christmas.
Sabi ba naman gusto daw nila kami magsolo ngayong pasko, ang labo di ba.

Kaya ito ako.
Hilata buong araw.

Naalimpungatan ako, madilim na sa buong kwarto.
Biglang bumukas ang ilaw at nakita ko si Gail na nakatayo sa tabi ng pintuan dahil andun ang switch ng ilaw banda.

"Kanina pa kita ginigising wifey.. Mag aalasdose na, magbihis ka na dyan ha? Tapos labas ka na."

Yun lang at lumabas na sya.
Kaya nagbihis na ako.

Nagsuot ako ng maternity dress at nagsuot ng cardigan.
Yung fluffy slippers lang namin ang sinuot ko sa paa, haha.
Nag ayos ako ng mukha at buhok, baka kasi mag picture picture kami eh. Lol.

Paglabas ko ng kwarto, ang dilim dilim.
Siraulo yun ah, pinatayan ba naman ako ng ilaw.

"Gail! Wala akong makita.. Siraulo ka."

Nagbukas bigla ang ilaw sa bandang kusina kaya pumunta ako doon.

"MERRY CHRISTMAS!!!"

Sobrang shock ko.
Andoon silang lahat.

Si Mamang at Papang, na miss na miss ko.
Si Tita, si Tito na kakarating lang daw kaninang hapon.
Si Grace.
At si Gail.

Nahaplos ko ang tiyan ko sa tuwa.

"Nakakainis naman kayo ehhh!"

Naluha ako.
Lumapit si Mamang at Papang,
Niyakap ko sila ng sobrang higpit.

"Miss na miss ko kayo Mang.. Pang.. Daya nyo! Sabi nyo ayaw nyo bumyahe!"

"Syempre surprise nga. Tong batang to oh.. Kitam met, agsang sangit ni tomboy ney.."

Nagtawanan ang lahat sa pang aasar ni Mamang.
Nang asar pa.
Eh nakakaiyak naman talaga kaya!

Buong gabi nag kwentuhan lahat.
Kinain ang handa namin at mga dala nila Tita, nagkaraoke.
Nag kwentuhan.
Nag inuman sila Gail, Tito at Papang.
Binigay ni Tito ang mga pasalubong nya, nag exchange gifts kami.
Bumili kasi kami ng regalo para sakanila kahit ang alam ko di namin sila makakasama ngayong Christmas.

Hay buong gabi ay sobrang saya.

Nakita ko si Gail na pumunta sa kusina, nasa sala kasi kami.
Sinundan ko sya.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon