Kinabukasan,
Pag gising ko ay wala na si Gail.
Asan kaya yun?
Pero ang laki pa din ng ngiti ko.Pagkaligo ko, bumaba na ako.
Nakita ko si Gail na nasa dining area at naghahanda ng pagkain."Uhmm.. Good morning."
Napalingon sakin si Gail.
Tinitigan nya ako."Gising ka na pala, halos kagigising ko lang din eh. Alasdose na, kain na tayo ha? Nagluto ako. Gigisingin na sana kita eh."
Inalalayan nya ako sa lamesa.
"Nasan si Tito?"
"Pumuntang Laoag, may aasikasuhin daw."
"Ah.. Sige kain na tayo.."
Hay!
Ang sarap talaga ng pinakbet na may bagnet tsaka longganisang ilokano.
Nag imas!!"Gutom na gutom ah.."
Di ko namalayan, nakatingin na pala sakin si Gail.
And he seems amused."Che! Kumain ka na nga."
Kinuha ko ang baso ng juice at uminum,
Lumingon ako sa kabilang gawi.
Feeling ko kasi todo yung kapulahan ng pisngi ko.Hapon,
Pumunta si Cath samin.
Nagyayang mag movie marathon."Ito muna unahin natin,"
Itinaas ko ang napili ko sa mga dala nyang CD."Always be my maybe? Sige dali, yan na lang."
Di na umangal si Gail.
Maya maya ay nanonood na kami habang ngumangata ng cornik."Jef.. Pustahan tayo kung paano magiging sila! Tapos si Gail ang mag iisip ng choices."
Panghahamon ni Cath.
Tinutukoy nya si Arci Muñoz at Gerald Anderson."Ano naman ang parusa sa matatalo?"
"Gail, ikaw na din mag isip."
"Ha? Sige. Pause muna natin habang nag iisip ako.."
Pareho kaming nakatingin sa kanya.
Habang sya nakatingin sa kisame habang nag iisip."Game! Ang choices muna,"
Nagulat pa kami ni Cath nang bigla syang sumigaw.
"Kung magse sex ba sila bago o pagkatapos maging sila?"
Sakin lang syang nakatingin.
Parang nang aakit pa sya nang sinabi nya ang salitang.. Sex."Sige game!!"
Game na game na sagot ni Cath."Okay ang parusa, pag si Cath ang natalo.. Tatalon ka na doon sa malaking bato sa dagat."
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...