X

190 3 0
                                    

Jef's POV

Dumating yung time na kailangan na naming umuwi sa Manila.
Nag leave pala kasi si Gail at matatapos na ang leave nya, gusto nya muna daw makapag pahinga galing sa byahe bago pumasok uli.
Ako naman, kailangan ko na din bumalik sa talyer.. Baka hirap na yun si Moy.

"Bye Cath, salamat sa lahat. Promise babalik din kami agad dito ha."

"Wen wen.. Anytime! Buti nga't pumunta kayo kahit saglit lang ngayong summer eh. Punta kayo sa graduation ko next year ah!"

"Oo naman.." Sabay naming sagot ni Gail.

"Sige Cath, dito na kami ha? Nagtatawag na yung konduktor eh. Ingat ka palagi ah, FB or text and call na lang."

"Mag aaral kang mabuti ha. Tsaka wag kang papa under sa jowa mo."

"Sus ako pa ba?"

Nag hug uli kaming tatlo.
Pagkatapos ay umakyat na kami ni Gail sa bus.
Kumakaway pa kami kay Cath habang paalis ang bus.
Si Dex at Sha, di na nakapunta kasi may trabaho yung mga yun.
Nag text na lang sila.

Hayy.
Nakaka refresh talaga umuwi ng probinsya.
Na nognog nga lang kami ni Gail.

"Baka hirap na hirap na yun si Moy doon, kahit nga dalawa kami hirap na kami. Paano pa kaya na mag isa lang sya?"

"Hayaan mo na, at least nakapag bakasyon ka din. Ikaw kasi, pagka graduate natin nag trabaho ka na agad agad."

"Ikaw din naman ah.."

"At least di ba ako nakakapag unwind pa din, eh ikaw walang day off day off."

"Mag de day off pa ba ako? Eh saking business yun. Baliw."

"Haha sabi ko nga.."

"Si Moy naman bibigyan ko ng leave, kawawa naman, he deserves it."

"Ang bait mo kay Moy no? Minsan naiisip ko baka si Moy talaga ang crush mo."
At nakapout pa ang loko,
Parang gusto ko tuloy kagatin.

"Hoy! Bunso ko yun no!"

"Buti naman.. Akala ko sa kanya ka nababakla eh."

"Nakuha mo na nga't lahat pati vcard ko, yun pa iniisip mo."
Natakpan ko bigla bibig ko.
Ano ba yun nasabi ko?
Waaahhh! Replay!!! Kakahiya!!

Natawa lang si Gail.

"Bakit sino ba gusto mong kumuha nun?"

Inirapan ko na lang sya at humarap sa bintana sa tabi ko.
Bwisit na to, nang asar pa.

Pagdating namin sa Manila.
Naging normal naman ang lahat.

Pwera na lang sa nagulat ang lahat dahil di na ako nag susuot ng maluluwag na damit.
Yung tama lang na tshirt at tokong, pero halata na ang figure ng katawan ko at dibdib ko sa mga sinusuot ko.

Wala namang nagtangkang magtanong pero lagi ko pa ding nakikita ang pagkagulat sa mga mukha nila araw araw.

"Moy, ngayong medyo gamay na ni Nick dito.. I'll give you a week to have your leave."

"Po? Pinapaalis nyo na po ba ako?"

"Tange, hindi. Magpahinga ka muna, alam ko kung gaano na naging hard working netong mga nakaraan, nag tatrabaho at nag aaral at the same time. Kaya bakasyon ka muna okay?"

Tapos inaabot ko sa kanya ang isang sobre.
Laman nun ay ang kaunting bonus lang naman at GC ng isang sikat na resort sa Batangas.

"Para saan po ito?"

"Wag ka na ngang umangal dyan, sige na umuwi ka na.. At Moy! 1 week lang ha!"

Napangiti na lang si Moy.
At umuwi dahil wala din naman syang magawa dahil todo ang pagtaboy ko sa kanya, hahaha.

Oo nga pala,
Si Nick ay bestfriend ni Moy na kasabay din nyang grumaduate.
Hinire ko din sya dahil medyo di na nga talaga namin kaya ni Moy ang mga trabaho dito na kami lang tsaka para makapag pahinga na din muna si Moy.

Asa sala ako at nanonood ng palabas sa TV, napatingin ako sa bintana, medyo madilim na pala. Sakto namang nakita ko sila Mamang at Papang na kakapasok lang sa gate.
Nag mano ako pagkapasok nila sa bahay.
Inabot naman sakin ni Mamang ang isang box ng cheeseroll.

Simula nang nagbago ako ng pananamit, lagi na akong may pasalubong sakanila.
Ewan ko bakit.

"Ngayon ko lang nabili yang paborito mo kasi naman, tagal nag sara nong bakery na gumagawa nyan.. Eh doon lang naman ang gusto mong bilhan nyan."

Napangiti ako.
Niyakap ko si Mamang.

"Ang sweet naman ni Mamang. Thank you!  Selfie tayo dali."

Nag selfie kami,
Natawa pa ako pagtingin ko sa picture kasi sa background andun si Papang na nakapeace sign.
Tawa ako ng tawa.
Photo bomber eh.

Nang mag isa na ako sa sala,
Binuksan ko ang box at nagbalat ng isa,
Pero shit..
Ambaho.
Napatakbo ako papunta sa banyo at nasuka.
Sira ata yung cheeseroll, nakakainis naman.
Takam na takam pa naman ako.

Pumunta ako kay Mamang.

"Mang, bakit ganto to? Nag bangsit, sira na ata."

"Huh? Akin nga..

Inamoy nya yung binuksan ko.
Buti na lang at medyo malayo sakin yun kaya di na ganon kalakas ang amoy.

"Di naman sira ah?" Kinagatan pa nya, "ang sarap oh."

Inalok nya pa ako.
Ilalapit sana nya yung tinapay.
Tinakpan ko ang ilong ko at winagayway ang kamay ko, sign na ayaw ko.

Mukang nagtaka naman si Mamang.
Pero umalis na agad ako dahil di ko na matiis yung amoy nung cheeseroll.

Pero sumilip uli ako sa kusina.

"Mang! Pwede bang fried chicken ang ulam?"

"Huh? Osige."

Naglalaway talaga ako sa fried chicken.







Kinagabihan, fried chicken nga ang ulam.
Gumawa ako ng sawsawan ko.
Mustard na may toyo, at grabe! Ang perfect talaga ng lasa. Yum!

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon