Pagmulat ng mata ko,
Hinanap ko agad si Gail.
Pero wala na sya sa tabi ko, tinignan ko ang orasan sa lamesa sa tabi ko..
Magna 9 na pala, 7 yun umaalis ng bahay.
Napansin ko din ang note na nasa tabi ng orasan.Umupo ako sa kama.
Dear Wife,
Probably wondering where am I? Of course asa trabaho na ako now.
Please do take care okay?
Eat well. Naghanda ako ng breakfast for the both of you.
❤HusbyAwwwee..
How sweet.
Cute naman, wife and husby.
Feeling ko ngayon pa lang ako nagdadalaga. Haha.Kinain ko ang prinepare nyang breakfast for me.
Pagkatapos ay naligo ako.
Napatingin ako sa kalendaryo at.. Mama Mia! Halos 1 month na akong di nakakapag pacheck up ulit.After lunch nang nakaalis ako ng bahay papunta sa OB ko.
Pinagalitan nya ako.
Nalaman ko din na almost 3months na ang baby namin.
Nagtaka naman ako bakit maliit pa din sya pero inassure naman ako ni doktora na wala namang problema ang baby.Pagdating ko sa bahay,
Back to the normal life.
Oh my God, I feel like I am doing this for like forever.Nakita ko yung patalastas ng Jane the Virgin, at parang interesting ang story nya.
Gusto ko subaybayan kaso nalungkot ako nang malaman ko ang timeslot nya.
Sobra ng late.
Pinagbawalan na din kasi ako ni doc na magpuyat.Lumabas ako sa garahe.
"Guys, alam nyo yung bagong palabas na Jane the Virgin?"
"Oo boss, pinapanuod ko lagi yun eh.. Nakakatawa eh."
"Ako din Ate, sinusubaybayan ko yun."
"Hala ang daya.. Gusto ko din mapanood yun.. Kaso bawal na ako magpuyat."
"Boss, si Long Hair, yung nagbebenta ng pirated dyan sa may sakayan ng jeep banda.. Baka may copy na sya nyan, tignan ko mamaya."
"Talaga? Hala sana meron na!"
"Sure yun.." Sagot naman ni Moy.
Sana meron na.
At least man lang mawala ang pagkabagot ko dito sa bahay no."Moy, dito ba kayo kakain?"
"Uwi na din ako Ate eh, di na siguro."
Lumipat naman ang tingin ko kay Nick na abala sa pag aayos ng toolbox nya.
"Ay ano, di na siguro boss, nagyayaya kumain sa labas girlfriend ko eh."
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...