XXV

177 3 0
                                    

Lumipas na ang bagong taon.
Limang araw pagkatapos, bumalik na din si Tito sa Canada.

Sabi nya ay next month,
Kukunin na daw nya si Tita doon.

Si Grace din daw sana.
Kaso nagwawala daw.
At parang alam ko na kung bakit.
Pumayag na lang din sila dahil tapos na din namang mag aral si Grace, sabay sila ni Moy grumaduate.
Nag tatrabaho na din si Grace ngayon bilang isang Management Trainee sa McDonald's.
Sosyal di ba, manager agad.

Kaya sabi ko kay Moy maghanap na ng ibang trabaho eh,
Sayang naman kasi.
Pero sabi nya, masaya sya dito.
Balak nya daw na magtayo pa ng ibang branch neto kapag nakaipon na din daw sya.
Hanga talaga ako sa batang yun.

January 11,

"Gail!! Kanina pa natunog yang alarm mo!! Nagising na ako't lahat eh."

Nagulat naman sya.
At agad na pinatay ang alarm.

"Tinatamad akong pumasok wife.. Magdadahilan na lang ako mamaya, sleep na lang uli tayo."

"Sure ka?"

"Oo.."

"Pasyal na lang tayo mamaya, nagke crave ako sa cheesecake eh."

"Sige.. Basta sleep na muna tayo."

Sumiksik sya sa kili kili ko banda at pumikit na uli.
Nakatulog din ako.

Hapon din noon,
Nang sinipag kaming lumabas na para sa cheesecake.

Sa Starbucks na malapit samin kami pumunta.

Habang kumakain kami,

"Ay shit! Gail.. Shit shit.."

Bulong ko sa kanya,
Pero as in nagpapanic na ako.
Gusto ko na ngang sumigaw eh.

"Oh bakit? Manganganak ka na?"

"Hindi tanga! Napaihi ako.. Shit shit.. Help! Di ko alam eh, di naman ako naiihi.. Bigla na lang.."

"Kala ko naman ano na, kala ko pumutok na panubigan..--"

Napatigil sya sa pagsasalita at nagkatitigan kami.
Wait.. Pumuntok nga ba ang panubigan ko?
Tapos bigla ng sumakit ang tiyan ko.

"Ahhh! Manganganak na nga ata ako!! Ahh!!"
And then I shouted.

Napapikit na lang ako sa sobrang sakit.
"Shittt Gail!!"

Naramdaman ko na lang na may umakay na sakin na dalawang tao.
Tapos nakasakay kami ng taxi.

"Here! Kunin nyo na lang muna credit card ko para sa bayad! Babalikan ko na lang!"
Sigaw ni Gail.
Tila nagpapanic na din.

"It's okay sir! Gift na namin yan sainyo! Balik na ho uli kayo nakasama nyo na yung baby, manong paandarin nyo na ho!"
Sagot naman ng boses.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon