XIII

227 4 0
                                    

Netong mga nakaraang araw,
Kung ano maisip kong kainin..
Kinakain ko.
Sabi nga nila Moy at Nick, ang takaw takaw ko na daw kaya lumalaki daw tyan ko.
Natawa na lang ako sa sinabi nila.

Nagpa check up ako at sabi ni doktora, kung ayaw ko masyadong mahirapan sa panganganak dapat daw mag diet.
Tsaka bawal na sakin ang chocolates, oily foods at caffeine.

Sinusunod ko naman lahat yun.
Tsaka basta may mustard with toyo naman kasi, masaya na ako.

Naalala ko one time, pinatikim ko si Nick at Moy nung favorite kong dipping at kulang na lang mapunit ang mukha nila sa reaction nila.
Di ko alam kung matatawa ako sa itsura nila that time o maiinis dahil di sila nasarapan eh.

Araw araw pa din kaming nag uusap nila Mamang at Papang sa phone.
Kumuha daw sila ng pwesto nila sa palengke doon.
Medyo mahina daw ang benta pero ayos lang naman dahil pang libangan na lang naman nila yun.
Sabi ko nga dapat sari sari store na lang pero boring daw yun.

Si Gail naman,
Minsanan lang kaming magkita.
Busy daw kasi talaga sya ngayon sa work.
At hindi sa babae, this time.
Maniwala naman ako sayo Gail.

Naiisip ko pa lang na may kinalolokohan na namang ibang babae si Gail,
Para akong sinasaksak sa puso at hinahalukay ang tiyan ko.

Paano nga ba kung meron na naman.
Tapos this time di na sya mabroken hearted.
This time, okay na pala.
Paano na ako? Paano na si baby?
Dapat ko na nga ba talagang sabihin?

Shit naman oh.

Kinagabihan,
Nagyaya si Gail mag inum.
Pero sabi ko ayaw ko kaya nag movie marathon na lang kami.
Pero uminum pa din sya.
Halos maubos nya na nga yung tirang paninda ni Mamang na mga alak eh.
Sinara na din namin yung sari sari store namin nang lumuwas na sila ng Ilocos.

"Bes sorry nagsinungaling ako sayo.."

"Ha? Ano yun?"
Takang tanong ko sa kanya.

"Netong nakaraan kasi, di talaga ako busy sa trabaho eh.."

Sabi na eh.
Pokangina talaga.

"Gusto ko makipag balikan kay Jessa eh. Lagi ko kasi syang nakikita pa din, di ako makaalis sa kanya. Maka move on. Kaya nagmakaawa ako pero.. Pero.. Wala eh."

"Nagmakaawa ka? Ang lala mo na."

"Ano ba naman kasing talagang gagawin ko eh.."

Di ko na maintindihan pa ang iba pa nyang sinabi.
Naririndi na kasi ako.
Gusto ko syang sabunutan.
Ang tanga tanga!

"Buntis ako!"

Sigaw ko,
Na nakapag patigil ng pagdadrama nya.
Nakakabinging katahimikan ang sumunod.
Pero maya maya ay humalakhak sya.
Di ko napigilan at nasampal ko sya.

"Wag mo akong tatawanan Gail dahil sinasabi ko sayo ha! At wag na wag ka ng pupunta dito sa bahay kung puro pagdadrama lang tungkol sa mga babae mo yang sasabihin mo! Buntis ako Gail! Buntis ako!"

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon