XIV

175 4 0
                                    

Simula nang malaman ng lahat ang kalagayan ko,
Parang akong donya.
Lahat ng kailangan at gusto ko, isang sabi ko lang, parang magic andyan na agad.
Marinig lang nila akong umaray o tumili, may tatakbo agad para saklolohan ako.

One time,
Tumili ako kasi kinilig ako sa pinapanood ko.
Nag unahan pa si Moy at Nick na makapasok sa bahay, natawa na lang talaga ako sakanilang dalawa.

Meron pa,
Napasigaw ako sa CR kasi ang lamig ng tubig.
Nagulat ako nang bumukas ang pintuan, at worried na mukha ni Gail ang bumungad.
Dito, di na ako natawa kasi hello!
Nakahubad ho ako.
Kaya sya ang natawa sa part na to.

Grabe sila.

Dito na din sa bahay umuuwi si Gail para daw mabantayan ako.
Tsaka si Moy at Nick sinabihan nya na dapat isa sakanila ang nasa bahay na bago sya umalis at isa naman ang di uuwi hanggang wala pa sya.

Grabe na talaga sila.

Madaling araw, naalimpungatan ako.
Pagtingin ko sa orasan,
Alas kwatro pa lang ng madaling araw.
Pinuntahan ko si Gail sa kabilang kwarto.

"Gaillll!!!!"

Sigaw ko.
Nakatayo lang ako sa paanan ng kama.
Agad namang tumayo si Gail sa pagkakahiga at nilapitan ako,

"Oh bakit? Manganganak ka na? May masakita ba? May nangyare? Hoy ano? Magsalita ka naman!"

"Paano ho kaya ako magsasalita eh walang preno yang bibig mo?"

"Sorry.."

Napangiti ako.

"Gail.. Please? Gusto ko ng itlog na maalat."

"Ha? Sige.. Wait, hahanap lang ako."

Wala pa atang isang kisap mata,
Wala na sya sa harap ko.
At wala pang 15 minutes, dumating na sya na may hawak na plastic ng itlog na maalat.

Pagkaabot pa lang nya sakin yun ay binalatan ko agad isa isa..
Tinulungan nya ako.
Buti na lang may natira kaming kanin galing kagabi, balak ko sanang gawing sinangag to eh.
Tapos kumuha ako ng mustard at toyo.

"Masarap ba talaga yan para sayo?"

"Sobra."

"Pag nabuntis pala, nagiging weirdo din."

Sinamaan ko sya ng tingin.
Kumain na ako.

"Pwede bang matulog muna ako saglit? Day off ko ngayon kaya makakasama mo naman ako pero gusto ko sanang matulog muna kasi anong oras na ako nakauwi kagabi."

Oo nga pala sunday nga pala ngayon.
At oo nga pala, kagabi..
Pinauwi ko na lang si Moy kasi alas onse na ng gabi at wala pa sya.
Ayaw sana ni Moy pero nagagalit na ako.
Takot sya pag nagagalit na ako eh.

"Saan ka pa kasi pumunta kagabi at madaling araw ka ng nakauwi?"

"Ano.. Wala.. Ano kasi, alas onse na kami nakalabas ng office kasi may hinahabol kaming deadline tapos ano.. Ayun nga nagkayayaan na ano.. Alam mo na, wala, ayun inuman unti."

"Oh ba't nauutal ka?"

"Baka kasi--"

"Hindi naman ako magagalit, pero sana man lang magtext o tumawag ka kasi may mga nag iintay sayo dito. Si Moy alas onse na po nakauwi."

"Sorry.. Sa susunod tatawagan na kita."

"Sige na matulog ka na."

Inakbayan nya ako at hinagkan sa ulo, pagkatapos ay tumayo na sya bumalik sa kwarto na tinutulugan nya.

Para syang tanga.
Takot na takot nung nag e-explain sya.

Di na ako nakatulog uli kaya nagluto na lang ako ng umagahan at naligo.
Pagkatapos ay sakto namang dating nila Moy at Nick.
Tinawag ko sila para kumain muna.
Madaming gawa kapag linggo kaya dapat busog.

"Uyy! Naisip ko lang, ang tagal na ng shop natin pero wala pang pangalan at signage."

"Oo nga bossing eh.."
Sagot naman ni Nick habang ngumunguya.

Tinabihan ko lang sila,
Kasi alam nyo na..
Madami na akong nakain kanina.

"Ano ba maganda boss?"
Tanong naman ni Moy.

"Moymoy palaboy!"
Natatawang sagot ko.

"Yan ka na naman Ate eh, nang aasar ka na naman eh.."

You hear that right, Ate.
Bunsong kapatid na kasi talaga ang turing ko kay Moy.

"Osige.. Ano na lang, Ipaayos Mo? Trustworthy Talyer? Let's Fix It? Fix? Lets? Hahahaha.. Ang hirap naman."

Ang dami ko pang sinabi pero puro panget yun at ayaw din nila kahit medyo okay sakin, tapos..

"Ahuh! Talyer ni Manang Jef."

"Ayos yun Boss!"
Pag sang ayon ni Nick.

Nag thumbs up lang si Moy dahil punong puno ang bibig nya.

"Okay sige, tawagin nyo si Kuya Loloy, di ba magaling sya sa mga ganyan? Para mapagawan na ng signage agad agad."

"Ge Ate, ako na tatawag sa kanya mamaya.."

"Wag kami Moy."

Alam naman kasi naming lahat kung gaano sya kapatay, as in patay na patay sa anak ni Kuya Loloy.

"Ano? Nag uutos ka tapos.."

"Hahahaha oo na lang."

Dumating si Kuya Loloy at sinabi ko sa kanya kung anong itsura ng gusto kong drawing at lettering para sa signage.
Sa tuesday daw tapos na yun, tapos pwede na namin ipakabit.

Painting lang kasi ang gusto ko.
Ayaw ko ng tarpaulin o kaya nung may mga ilaw ilaw pa.

Nakakain na uli kami ng tanghalian pero si Gail, humihilik pa din.
Nakakainis talaga yun.
Imbis na day off nya at magkaroon man lang kami ng oras,
Wala.






Feeling ko tuloy napipilitan lang sya,
Para sa baby.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon