XXXVII

39 1 0
                                    

JEF'S POV

Dalawang linggo na din ang lumipas simula ng away namin ni Gail.
Hindi ko sya kinausap at nag desisyon din muna akong umuwi ng probinsya namin dito sa Pagudpod kasama si Andy.

Pumayag naman sya.

Di ko na alam lalo ano nararamdaman ko. Hinayaan lang kami ni Gail na umalis.

Hindi na din sya nag effort na kausapin ako o mag explain. Nagtetext sya sakin o tunatawag para lang kamustahin si Andy.

Pero yung tungkol samin, wala.

Siguro nga start na para mag move on. Ang mahalaga naman eh yung anak ko di ba?

Pero ba't naiiyak ako? Bakit ang sakit sakit?
Ano nangyare Gail? Bakit ang bilis?
Bakit ganon? Kung pwede lang ibalik lahat.

Pero siguro kahit di ka pumunta sa ibang bansa eh ito na ang naka talagang mangyare.

Hindi siguro talaga tayo.

Aksidente nga lang pala ang lahat.

Bakit ba kasi kinulong kita sa gantong buhay? Nawalan ka ng choice. Bestfriend mong tomboy naging asawa mo. Nakakatawa na nakakasuka nga talaga siguro.

Nagpapasalamat pa din ako kasi tiniis mo lahat para kay Andy. Siguro nga kailangan mong sumaya na din.

Kinuha muna nila Mama si Andeng. Bigyan ko muna daw ng oras ang sarili ko.

Most of the time, nasa dagat ako. Negra na nga ako eh.

Lalangoy, nagbabasa ng libro, tutulala, mag iisip.. iiyak..

Di ko na din halos matandaan ilang araw akong ganto. Siguro soon, matatapos din to.



"Jef, nakaka boring! Make up make up tayo. Dress up dress up dali!"

Ang aga na naman akong kinukulit ni Cath.
Nabuburyo na din sa buhay dahil nag vacation leave sya sa trabaho nya.

"Ang dami mo namang dalang damit. Ano gagawin mo dyan?"

May mga dala syang make up at mga dress.

"Nag online shopping kasi ako, ewan ko ba." Tatawa tawa na sagot nya, siguro pati sya natawa na lang sa kabaliwan nya. "Pili ka ng dress mo tapos ayusan kita, darsem!"

"Bat ba nagmamadali ka? Kahit buong araw pa natin gawin to eh."

Walang katao tao sa bahay. Umalis lahat kaya lalong nakaka boring, sana pala di ko na lang pinasama si Andeng.

"Eh para may pang post na ako sa facebook ko! Tas photoshoot tayo sa beach. Bilis habang maaraw pa!"

Bat ba ako nagkapinsan ng ganto?

Pagtapos nya ako ayusan, napatingin ako sa salamin. Muka akong ikakasal sa puting dress na pinasuot ni Cath. Pati sa mga pinasuot nyang alahas at pag ayos ng buhok ko. Para akong aattend ng beach wedding.

"Ang kapal ng make up natin! Para lang sa facebook mo! Jusko Cath."

"Hala! Naka ar arte ka met! Ang ganda ganda mo na nga eh. Tara na sa beach."

Paglabas namin sa tapat, may event pala.
Parang kasalan ata kasi nakaayos yung mga upuan tapos may arko na puro bulaklak sa harap.
May mga tao na din at may pari sa harap.

Napahawak ako sa kwintas ko, yung half ng Yin Yang na binigay ko kay Gail nung Christmas.
Yung Christmas na nag propose sya sakin.
Akala ko dadating din kami sa ganyan.

Naiiyak na naman tuloy ako.

"Cath san tayo mag pipicture nyan eh ang daming tao?"

"Edi perfect! Tamang tama sa damit natin!! Daliii!"

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon