XI

162 2 0
                                    

Magpo 4 weeks na mula nang umuwi kami sa Ilocos.
At parang gusto na namang bumalik.

Tuesday ngayon,
Pag tuesday kami nag sasara ng talyer kasi wala masyadong gawa pag gantong araw.

Napag pasyahan kong gumala sa mall.
Parang gusto kong ipamper ang sarili ko.

Nagpa footspa with mani and pedi ako.
Tapos bumili ako ng books sa Fullybooked, tumambay na din ako sa coffee shop na nasa loob din ng Fullybooked at binasa ng pahapyaw ang isa sa mga binili ko.
Mag a-alasais na nang umalis ako doon.

Dadaan ako saglit sa department store para tumingin ng doll shoes.
Eh bakit ba, time for a change.

Nasa part na ako ng mga shoes nang bigla akong nahilo.
Nandidilim na ang paningin.
Maya maya ay naramdaman ko na lang na nawawalan na ako ng panimbang at tuluyang bumagsak.

Pagmulat ko ng mata,
Tinignan ko ang paligid.
Para akong nasa clinic.
Tapos may mga illustration sa pader ng buntis na babae at ano itsura ng baby sa loob ng tyan nya,
Merong ding itsura ng baby mula 1st month hanggang 9th month nya.
May mga cute baby pictures at kung anu ano pa.

"Miss, gising ka na pala."

Paglingon ko ay nakita ko ang isang medyo maliit na babae, naka cardigan sya ng pang doctor, may stethoscope ding nakasabit sa leeg nya.
Naka apple cut sya with full bangs at naka eyeglasses.
Bata pa ang itsura nya.

"Uhmm.. Pasensya na pero nasaan po ako?"

"Dinala ka dito ng medical team ng mall kanina para macheck ka. Nahimatay ka kasi sa department store."

"Ay ganoon po ba. Salamat po. Pwede na ho ba akong umalis?"

"Ayaw mo ba munang malaman kung bakit ka nahimatay? O baka alam mo na?"

Seriously, wala akong idea.
Healthy ako no.
At first time nangyari yun.

"Bakit nga ho ba?"

"Basically, you're pregnant."

Walang prenong sagot ni doktora.
Kinabahan naman ako,
Buntis lang pala ako.
Wait, what!?

"Ano ho!?"
Gulat na gulat, O.A na O.A kong reaction.

"Mag po 4weeks na sa thursday. Di mo ba alam?"

Bastos to ah.
Magiging ganon ba ang reaction ko kung alam ko.
Niresetahan nya ako ng mga vitamins at gatas.
Sinabihan din ako na dapat di ako papalya sa pagpapa check up para na din sa baby.

Nagtaxi na ako pauwi.
Magkaka baby na ako.
Pokangina di pa din ako makapaniwala.
Hinimas himas ko ang tyan ko.
Di talaga ako makapaniwala na..
Sa tyan ko meron ng nabubuong fetus.
Oh my God. Blessing to.

Pero wait..
Naisip ko bigla si Gail.
Paano kaya kapag nalaman nya to.
Ano kaya magiging reaction nya?
Baka hindi nya akuin ang responsibilidad, chick boy yun eh.
Natakot ako bigla.

Kanina parang excited akong i-announce sa lahat na, HEY GUYS! BUNTIS NA AKO!
Ngayon, parang gusto kong lumayo.






I need to decide.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon