Kinagabihan nagkayayaan ng inuman, sa cottage kami na malapit sa dagat nag inuman.
Bukod saming tatlo nila Cath at Gail,
Kasama din namin sila Dexter at Sharina na kababata din namin na ngayon ay nagkatuluyan.Katabi ko si Cath, at sa gilid naman nya si Gail.
Kaharap namin sila Dexter at Sharina.At yung totoo,
Na o-op na ako. My god.Bwisit tong Gail na to!
Di man lang ako maalala.
Oo nga at di sila nagkita ni Cath ng medyo matagal pero kami din naman ah!
Matagal kaming di nakapag usap!
Tapos uunahin pa nya yung ibang tao."Aheeem.. Sino na sa-shot Dex?"
"Ay oo nga pala di ko pa naiinum, sorry ako pala." tinongga naman nya isang shot glass ng Empi Lights.
"Ahh... Edi si Gail na."
Tae.
Wala man lang pumansin sakin.
Pinasa ni Dex ang shot kay Gail, ininum lang agad ni Gail at nakipag kwentuhan uli kay Cath.
Letse tong mga to,
Bakit pa nila ako sinama."Aheemm..."
"Bro, makati ba lalamunan mo?"
Wow napansin mo pa yun Gail?"Ah hindi naman, uy oo nga pala Cath, bakit di mo papuntahin dito boyfriend mo?"
"Cath my boyfriend ka na?!"
Ang O.A Gail ha."Oo, sige papapuntahin ko sya, dyan lang din sya nagtatrabaho sa Hannah's bilang bartender. Text ko para pag out nya diretso na sya dito."
FYI guys, yung Hannah's po ay yung malaki pong Resort dito sa Blue Lagoon.
"Ahh sige para makilala naman namin sya ni Gail."
"Sus! Ni kami nga hindi namin masyado kilala yung lalaking yun eh," sabat ni Sharina.
"May pinsan kasi sya na dyan din nagtatrabaho sa Hannah's kaya ipinasok sya. Nakatapos sya ng HRM, taga La Union sya."
"Nagadayo met, apay dyay kasinsin na? Taga dito ba yun?"
Tanong ni Gail."Oo taga dito yung pinsan nya, si Eric, apo ni Apo Munching."
"Ahh.. Sige, kilatisin natin yan mamaya."
Pagkatapos nun, di na nila uli ako pinansin.
Pero buti na lang dahil dumating din yung boyfriend ni Cath."Wait lang ha, puntahan ko lang sya sa kainan nyo Jef." agad tumayo si Cath.
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...