Tae naman to si Gail.
Simula nang naging sila ni Angge,
Wala na. Mag aapat na buwan na.
Magkapitbahay lang kami pero daig pa nya yung karayom na nahulog sa damuhan sa gitnan ng gabi, oha!Wala na syang time sakin.
Wow ha?
Sino ka ba.Hay nakakainis.
Nakakadurog ng puso.
Wait what? Sabagay, bestfriend mo yun kaya natural masakit sa puso.Hay.
Ayan nababaliw ka na.
Kinakausap at inaaway mo sarili mo."I think I'll have a hearttttt attttaaaacckkkk....--- aray."
Ano ba yan, sarap ng concert ko dito eh.
Onyemas naman tong tumulak sakin.Pagtanggal ko ng earphones ko,
Tinignan ko agad sino tumulak sakin na muntik na magpasubsob sakin sa makina ng kotseng kinakalikot ko.At sa laking gulat ko,
"GAIL!?"
"Namiss mo ba ako?"
Ngumiti sya. Pilit.
Nako may problema to."Tangina bro buhay ka pa pala?"
"Sensya na bro ah. Di na ako nakakapag paramdam masyado.."
Di ako nakaimik.
Ayos ah. Iniisip pa lang kita,
Ngayon andito ka na.
Lagi na nga kitang iisipin.
Lolsssss..."Huy tama na muna yang pagkakalikot mo dyan, shot tayo.. May dala ako."
Itinaas nya ang dala nyang plastic bag na may mga lamang in can red horse.
"Tanga, bumili ka pa meron naman dyan sa tindahan namin."
Bukod sa pwesto namin sa palengke,
Naisipan din ni mama mag sari sari store.
At dahil namana ko ang pagiging business persons ng mga parents ko,
Eto may sarili na akong talyer kahit di pa ako tapos sa college.
Na asa garahe lang din namin.Halos kasing tagal na din to ng relasyon nila Gail at Angge,
Paano, ito naisip ko gawin simula nang di na kami nagkakasama ni Gail."Ay oo nga pala. Yaan mo na, pag nagkulang na lang saka tayo bumili."
"Bro hulaan ko lang, nag away na naman kayo no?"
O.A naman netong kaibigan ko.
Palibhasa patay na patay kay Angge.
Pwe!"Malala pa dun bro, break na kami.."
At napaiyak bigla ang gago.
O.A na talaga.Ayun nag inuman kami.
Kwinento nya sakin ang lahat.
Kung anu ano daw ginawang kwento ni Angge para magmukang sya ang may kasalanan,
Pero sa huli nalaman nya ding may iba na pala si Angge.
Ang malala pa dun..
Buntis ang malandi."Bro, nirespeto ko sya eh. Hayop kung alam ko lang sana ako na lang bumuntis sa kanya."
Siraulo talaga.
"Mas pinili nya yun? Kasi ano? Napapaligaya sya? Well sabihin mo to sa kanya, mas mapapaligaya ko sya."
Kung anu ano na pinagsasabi ng tangang to.
Kung ako na lang kasi pinaligaya mo di ba.
I mean, dapat di na lang sya kasi nag girlfriend, ganon."Bibigyan ko agad sya ng twins! Tapos 12 anak namin o higit pa! Tignan natin kung iiwan nya pa ako! Sobrang ligaya nya na nun!!!!"
Baliw.
Hindi na lang ako umiimik."Bro, ikaw na lang kaya paligayahin ko?"
Nabuga ko yung iniinum kong beer,
Ano daw!?"Ahh..ha?? Ano? T-t-tarantadong to, ---dinamay mo pa ak, ako..."
Luh nabulol pa. Affected?
Baliw, lasing ka lang."Gago! Joke lang!"
Umasa ka naman.
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...