Dumating na si Moy.
Buti naman dahil medyo hirap na akong mag kumpuni, medyo sumasakit ang likod ko.Sinabihan ko sila na kapag di nila kayang dalawa, wag na munang tumanggap kasi baka di na ako makatulong sakanila.
Di na lang sila nagtanong kung bakit at ipinagpapasalamat ko yun.Nagpasya sila Mamang at Papang na umuwi na ng Ilocos.
Gusto nilang doon na sila tumira dahil okay naman na daw ako dito.
At para maayos naman daw yung bahay doon.Siguro kung sinabi ko na sa kanila na magkaka baby na ako,
Di na aalis tong mga to.
Pero okay na din siguro.Kumuha ako ng kotse, Vios.
Para na din di ako mahirapan sa pag co-commute.Pag pumupunta si Gail dito sa bahay,
Naiilang ako.
Feeling ko kasi may kasalanan ako sa kanya.
Pero natatakot lang naman kasi ako na baka pag nalaman nya, iwasan nya na ako.Pero Jef..
Sooner or later,
Magiging pakwan na tong tiyan mo at malalaman na din nya.
Bakit pinapatagal mo pa.Hayy..
Basta, sasabihin ko din.
Chillax lang.Nagbabasa ako sa wattpad ko sa phone ko,
Binabasa ko ang Book Of Exes ni Chabelita95.
Shinare nya dito lahat ng broken hearted stories nya from her ex boyfriends.Naisip ko tuloy.
Di man lang ako dumaan sa ganyang stage.
Di man lang ako nagka boyfriend.
Di ko man lang na enjoy ang big change ko bago ako magka baby.Pero anyways,
Hayaan mo baby.
Kung sakaling di ka tanggapin ng Daddy mo..
Hahanap si Mommy ng magmamahal at tatayong Daddy mo.
I love you baby..Di pa kita nakikita pero,
Napapamahal na ako sayo.
Excited na akong makita ka.Bilhan ka ng mga gamit,
Bihisan ka.
Laruin ka.
Alagaan ka.
Pero syempre, bibigyan muna kita ng pangalan.
Ano kaya maganda?"Bossing una na ako."
Nagulat ako bigla nang sumulpot si Moy mula sa pintuan.
"Sabay mo na si Nick."
"May inaayos pa po kasi syang isang motor pero patapos na din po yun, uuna lang po ako kasi may pinapagawa si Mama."
"Ganon ba, sige. Ingat ka ha. Sabihan mo na lang si Nick."
"Ge bossing! Salamat! Bukas uli!"
Tumango lang ako.
Napaka masayahin talaga ng batang yun.
Kumbaga para syang si Annie,
Laging positive.
Napakanta tuloy ako ng Tomorrow tomorrow i love you, tomorrow..Oh baby,
Kailangan nating gayahin si Annie at Tito Moy mo ha?
Always positive okay?
I love you baby.Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa sala.
Nakapatay na ang TV pero bukas pa ang ilaw.
Siguro si Nick ang may gawa non,
Buti na lang at andyan sila.Napatingin ako sa suot kong relo,
Alasdos na ng madaling araw.
Ano ba to, bakit pa ako ng nagising ng madaling araw.Maya maya bigla kong naisip kung bakit ako nagising.
Natatakam ako sa Ensaladang Talong pero di ako marunong magluto nun.
Kainis naman, anong gagawin ko?
Naiiyak na ako.
Feeling ko mamamatay na ako kapag di ko nakain yun.Biglang nag vibrate ang phone ko,
Bro, gising ka pa ba?
Oh my! Thank You Lord.
Magaling nga pa lang magluto to ng Ensaladang Talong!Oo bro, punta ka dito. Now na.
Sabi na eh, kasi nakabukas pa ilaw nyo. Sige, punta ako.
"Pagluto moko."
Bungad ko agad sa kanya nang pagbuksan ko si Gail ng gate.
"Kaya mo pala ako pinapunta."
"Sige na please?"
"Madaling araw na hoy, saka ka pa magpapaluto? Bukas na."
Naiiyak na ako.
Shit."Please? Nakatulog kasi ako kaninang hapon kaya di ako nakakain tapos nagising ako ngayon. Kaya sige na, lutuan mo na ako."
Pagdadahilan ko.
"Nako, makokotongan kita eh! Halika na nga, ano ba gusto mo kasi?"
"Ensaladang Talong."
Pagkatapos ay kumain na ako ng matiwasay with my favorite dipping.
Mustard with drops of toyo. Yum!
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...