XXVI

146 4 0
                                    

Nang magising ako ay umaga na.
Andoon na din ang lahat at iniintay akong magising.

Lumapit din agad si Gail.

"Good morning.." Bati nito. "Are you hungry?"

"No.. I wanna see my angel."

"Okay sige, mamaya pero for now please eat muna ha? Di ka nakapag dinner kagabi tapos pagod na pagod ka pa."

"Okay." Di ko napigilang mapangiti ng malapad, ang swerte ko talaga.

"Tumawag pala sila Cath kanina, nagco congrats tapos pinasend sa FB yung picture ni Andy.. Ang ganda ganda daw ng inaanak nya."

"Syempre, mana sa Mommy no.."

"Ang selfish nito.." Nakanguso pang sagot nito, parang bata lang na nagpapalambing.

"Joke lang! Kuhaan mo na ako pagkain."

Tumayo naman agad si Gail at kinuha ang pagkain ko.

Saka ko lang napansin sila Mamang, Tita at Papang na nag uusap sa sofa na nasa tabi lang halos ng kama ko.

Pinag uusapan nila kung sino kamuka ng bata, kung kanino nakuha ang mata, ang ilong..
Halatang excited ang mga ito sa apo nila.
Ni hindi man lang nga nila ako napansing gising na eh.

Nang nakakain na ako at makapaglinis ng sarili, maya maya ay pumasok ang nurse.

"Feeding time na po ni Baby, kung okay lang po ay iwanan po muna natin sila."

Agad namang tumayo ang lahat.

"I want to stay.. Can I?"
Tanong ni Gail na nakatingin sakin.

"Pwede ba?" Tanong ko naman sa nurse.

"Oo naman po.. Sige po, labas na din po muna ako, tawag na lang po kayo kapag may kailangan kayo."

Nang lumabas ang nurse ay tinitigan ko agad ang anak ko.

"Gail nahihiya ako.."

"Ilang beses ko na nakita yan, ano ka ba.. Gutom na si Andy oh.."

Unti unti kong nilabas ang kanan kong dibdib.
Itinapat ko ito sa bibig ni Andy, sinubo naman agad nya yun.

Medyo masakit.
Pero nakakatuwa, grabe.
Naluluha na naman ako.

A first again.

"You're a natural Mommy, Wife.."

"Talaga? My God Gail, I'm so happy, look at her.. Di pa din ako makapaniwala na nailabas ko sya ng maayos, and then now Im feeding her.. Aww.."

Nakangiti lang si Gail habang nakatitig sakin.
He tucked some hairstrands on my ears.

"Thank you Jef.. For giving me this family, for all the sacrifices."

"Thank you din Husby ko, kasi hindi mo kami iniwan ni Andy, lalo mo pa kaming minahal at inalagaan." Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Husby.. It's all worth it."

Unti unti kong tinawid ang space sa pagitan namin.
Hinalikan ko sya, it was a quick one kasi baka maipit si Andy.

Sabi ni doktora,
Bukas daw ay pwede na kaming lumabas ni Andy.

Sobrang healthy daw ni Andy.
Everything is good and normal.

Oo nga pala,
6.5 pounds si Baby Andy.

She's a big baby.
Pero wala pa din tatalo sakin, 9 pounds ako nung ipinanganak ako ni Mamang eh. Haha!

Sobrang happy ko.

Lord, sobrang salamat sa lahat ng blessings na to.

Kinabukasan ay lumabas na kami ng ospital.
Nakakapanibago pero ang saya saya pa din ng feeling ko.

Parang gusto ko na lang titigan si Andy at buhatin.
Sabi nga ni Gail, baka daw malamog na yung bata.

Paminsan minsan ay si Gail ang bumubuhat dito, pinipicturan ko sila.
O di kaya'y ilalapag namin sa crib, tapos pipicturan ulit. Hehe.

Nakuha sakin ni Andy ang mga malalaking mata nya, tapos ang hahaba pa ng pilikmata,
nakuha nya kay Gail ang matangos na ilong at manipis na labi.
Sobrang cute nya, hindi mali, sobrang ganda nya.
Para syang manika.

Ang puti puti pa.

Alastres ng hapon, nakatulog uli si Andy.
Humiga din kami ni Gail.

Umunan ako sa mga balikat nya, hinawakan ni Gail ang isa kong kamay.
Nag holding hands kami.
Itinaas nya ito at tinitigan, napangiti na lang ako.
Maya maya ay unti unting netong binaba ang mga kamay namin at hinalikan ang likod ng palad ko.

"I never thought that this day will come.. Hayy Jef.. This is perfection."

Nakangiti lang akong tinititigan sya.

"The life I always wanted.. To be with you.."

Tapos unti unti na itong pumikit.
The life he always wanted? To be with me?
Does it mean na..

Ughh, kinilig na naman ako.







Oh Gail, this is also what I imagined my future before.
Dati pangarap lang, ngayon.. Ito tayo.

I kissed his lips, tapos natulog na din ako.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon