XXXIII

51 1 0
                                    

Author's Note:
Sobrang sorry po sa sobrang tagal na update, nawala lang sa katinuan but I'm back 🙂🙂 thank you po sa mga nag intay!

--

Jef's POV

"Niña, pakikuha naman muna si Andeng ko.. Nakatulog na dito sa sofa, may inaasikaso lang ako." tawag ko kay Niña habang busy ako na nag ta-type sa laptop.

Ka-chat ko kasi yung bagong partner namin na gustong magtayo ng coffee shop sa tabi din ng talyer namin na bago.

Astig na idea yun di ba? Habang nag iintay yung nagpapa ayos, kape kape muna.

"Te.."

"Oh andyan ka na pala Moy, kumain ka na.. Madaming tao?"

"Punuan.. Pero puro carwash lang halos."

Yung bago kasi naming branch, kinumpleto na namin na may carwash na din. Yung nasa garahe namin, tinanggal na namin kahit medyo sentimental sakin dahil dito nag umpisa ang lahat pero pinatanggal ko na para na din kay Andeng.

Yung sari-sari store na lang ang natira na pwinestuhan ng mama ni Moy. Tapos nag garden din sya kaya ang ganda na ulit ng garahe namin.

Biruin mo yun, saglit pa lang naman na wala si Gail pero dami na nangyare dito. Sana bumalik na sya, dami na nyang nami-miss out dito sa Pinas.

"Okay lang yan tange, kesa naman wala. Kumain ka na, nagluto si Niña nung masarap nyang fried chicken."

"Yung maanghang?"

"Oo."

Pumasok na si Moy ng tuluyan sa kusina para kumain.

Naging busy ulit ako sa laptop, tumitingin ng mga concept ng design para sa coffee shop.

Nilipat ko sa tab ng FB ko, bakit kaya walang paramdam si Gail. Kahapon pa. Masyado sigurong busy sa trabaho.. Sabi nya kasi nung last chat namin, may final exam pa daw sya. Tapos uuwi na daw talaga sya kapag nakapasa. Sana makapasa sya Lord.

Maya-maya biglang tumakbo si Moy galing sa kusina na parang nakakita ng multo.

"Te!!! May nangyayari daw sa talyer, nag text si Kuya Rolan! May nagwawala daw na customer."

"Ha?? Bakit daw?? Ano ba naman yan, sasama ako! Niña! Aalis kami pa lock ng pinto!"

Tumakbo na agad kami pasakay sa kotse ko, tapos nag drive na agad ako ng mabilis pa talyer. Nasa labas lang naman ng subdivision yung talyer kaya mabilis lang kaming nakarating.

Pagka-park ko, tumakbo agad ako palabas. Sinalubong kami ni Kuya Rolan, isa sa mga staff.

"Anong nangyari??"

"Eh Maam, aksidente kasing na anuhan ng tubig yung loob ng kotse nya, basang basa lalo na sa dashboard."

"Sinong nakabasa? Paano nangyari? Nasan yung customer at kotse!?"

Nagpapanic na ako. Malas naman oh.

"Eh bigla po kasing lumakas yung labas ng tubig dun sa tubo, eh nagpanic po si Edgar kaya di agad napatay yung gripo tapos sa loob ng kotse nakatutok. Nandoon po sa loob ng office yung customer Maam.. Hinihintay daw po yung may ari."

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon