"Alam mo tol, sabi ko naman kasi sayo tama na muna yang pagiging chickboy kuno mo eh.. Mag focus ka na lang muna sa career mo!"
Alam nyo na siguro bakit ganyan ang line ko?
"Tsaka tol, pa chickboy chickboy ka pang nalalaman, ikaw naman tong umiiyak lagi sa huli!"
Aba't himala ata at hindi umiimik ngayon tong ugok na to.
"Dyan ka lang, kukuha pa ako beer.."
Pagtayo ko ay muntik akong madapa,
Buti na lang nahawakan ako ni Gail."Mag ingat ka kasi."
Kaninang umaga pa ako laging na aaksidente,
Ano ba to.Andito kami ngayon sa garahe namin, slash talyer, pero close muna.
Nakagraduate na kasi si Moy.
At naisipan namin nila Mamang na ipaghanda sya.
Kasama din ang pamilya nya.Pagkuha ko ng red horse,
Nabangga naman ako ni Moy na dahilan para mabuhos sakin yung dala kong beer.
Malas ko talaga ngayon."Boss sorry, sorry talaga,"
"Baliw, ayos lang, oh dalhin mo muna to kay Gail, magbibihis lang ako sa taas."
Inabot ko sa kanya yung dalawang bote at umakyat.
Shit naman.
Ang accident prone ko ngayong araw.Pagkatapos ng party,
Nagyaya si Gail sakanila.Pagkatapos kasi ng party,
Umalis family nya para umuwi ng Ilocos dahil namatay ang Lola nya.Kaya nagyaya sya na dun ituloy sakanila ang inuman session.
"Tol di ko na malaman ano ba talaga gusto ng mga babaeng to eh, tangina talaga.. Pa ulit ulit na lang."
"Tanga mo kasi.."
Pareho na kaming nahihilo hilo.
Unti na lang, masusuka na ako.Pero parang mas gusto ko na matulog.
"Alalayan mo nga ako, nasusuka ako.."
"Ako nga din eh, tara.. Duet tayo."
Pagdating sa banyo,
Dumiretso ako sa lababo,
Sya naman napayakap sa bowl.Pagkatapos kong tumawag ng uwak,
Tinabian ko sya sa sahig.Inakbayan nya ako.
Dahil wala na akong lakas,
Napasubsob ako sa dibdib nya."Buti na lang ikaw.. Di mo ako iniiwan.."
Nawala ata pagkalasing ko,
Rinig na rinig ko yung pagtibok ng puso nya.
Parang nag i-slowmotion lahat.
Ay teka, dala siguro to ng pagkalasing.Hinawakan ni Gail ang baba ko,
iniangat nya ang mukha ko at nagkatitigan kami.
Shit, ano to."--Kasi Jef..... Mas masakit yun."
Unti unting lumapit ang mukha nya sakin,
The next thing I know..
Magkalapat na ang mga labi namin.No, di pwede to.
Gago tibo ka di ba?
At chickboy sya.Pero paano ko pipigilan?
Kung nag eenjoy na ang mga labi ko,
Traydor na mga labi!
Hanggang sa pati ako nag enjoy na.Napapikit na lang ako.
Kinabukasan,
Pagdilat ng mga mata ko.
Ang sakit sakit ng ulo ko.Naalala ko bigla yung nangyari sa banyo kagabi.
Dyos ko, nakakahiya.
Pano ko haharapin si Gail!?Umayos ako ng higa
At tumagilid.Pero anak ng pokangina,
"GAIL!?????"
Sa sobrang gulat ko,
Napaatras ako at nahulog sa kama.Napabangon si Gail.
Na halatang nagulat din."Jef... Ba't nakahubad ka?"
Pagtingin ko sa katawan ko,
"Aahhhhh!!!!!"
Hinila ko yung kumot na nasa kama,
At kinover ko sa katawan ko.
Pero wrong move again,
Dahil paghila ko si Gail naman ang hubad.
At may nakatayo."Aaahhhhhhh!!!"
Napatakbo na lang ako sa banyo ng kwarto nya.
Oh Dyos ko, ano ho itong nagawa namin?Tangina.
Ang accident prone ko talaga.
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...