Ang saya naman ng season na to.
Christmas na!
Everything is green and red everywhere.Naalala ko si Mamang at Papang bigla, kung sakali ito pala ang first time na di kami magkakasama.
Ay hindi, second pala.
Yung first kasi nagtampo ako sakanila tapos nung 6pm ng December 24 hanggang 6am ng 25, na kina Gail ako."Baby, nami-miss ko na ang Lola at Lolo mo, sobra.. Magki Christmas na pala, sana makasama natin sila no? Para makilala mo na sila. Kaso kasi, ayaw ko ng bumyahe pa ng malayo eh. Sila Lola mo naman, baka ganon din. Hayaan mo, kapag medyo malaki ka na, uuwi tayo ng Ilocos ha?"
Hinimas himas ko ang tiyan ko.
Sumipa si Andy."Very good talaga ang baby ko, sumasagot kay Mommy."
Nagbihis na ako at lumabas ng kwarto.
Kakaligo ko lang kasi at nagiging hobby ko na ang pagtitig sa sarili ko na naka underwear pagkatapos kong maligo.
Ewan ko ba. Tapos kakausapin ko si Andy."Gail, mag decorate na tayo! Where are you?"
Paglabas ko ng bahay, kasama nya sila Moy at Nick.
Tumutulong tulong na din kasi sya minsan sa talyer, lalo't Sunday ngayon.
Madaming gawa."Gail.. Busy ka?"
"Di naman, kaya naman nila Moy pero wala kasi ako magawa eh."
"Tara na, mag ayos na tayo."
"Sunod na ako, tapusin ko lang to ha? Pumasok ka na at mainit dito."
Last week lang nang naisipan ipa aircon ni Gail ang kwarto at sala.
Kawawa naman daw kasi ako at si Andy.
Eh malamig naman kasi December pero ayaw nya pa ding magpaawat.Tapos once a week din, nag i-spray ng Baygon na sobrang kadami sa buong bahay sila Moy.
Para iwas mga insekto daw, lalo na sa lamok."Okay po.."
Wala pang limang minuto nang pumasok si Gail.
"Mag de-decorate na ba tayo?"
"Opo.."
Lumapit ako sa kanya at pinunasan ang pawis nya gamit ang face towel na nakasabit sa balikat nya.
"Sweet ng asawa ko oh.."
I kissed him.
"Halika na, kunin mo na yung mga decorations dali.."
Last week pa kami bumili ng mga dagdag na Christmas decorations, since may mga luma din naman kaming pang decorate dito sa bahay.
Isa isa naming kinabit yung mga garland, mga parol at Christmas lights.
Tinayo namin yung Christmas tree at sinabitan ng kung anu anong palawit.
Nakisabit din sila Moy.Nang natapos namin lahat ay gabi na.
"Wait, bago tayo kumain, picturan mo kami ng kuya mo Moy. Dito sa may Christmas tree."
Tinignan ko yung pictures pagkatapos.
Awee.. Our first Christmas together as a husband and wife, I mean yun yung turingan namin since di pa kami talaga kasal.Ang totoo di pa namin yun napag uusapan pero alam ko namang dun kami pupunta eh.
Dahil yun ang sabi nya di ba?
And I trust him.
Saka ko na lang sya tatanungin kapag lumabas na si Andy.
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...