XXVII

109 2 0
                                    

Mabilis tumakbo ang oras sa pamilya namin.

Mabilis din namin nakikita ang unti unting paglaki ni Andy.
Napanatag lang ang loob nila Mamang at Papang noong mag limang buwan si Andy, at bumalik na sila ng Ilocos.

Nakakatuwa dahil mabilis natuto si Andy dumapa, kung anu ano na ding binibigkas nya.

Walong buwan sya ng nakaupo syang mag isa.
Ang saya saya ko noon!

10 months sya, medyo nakakalakad na sya mag isa pero bumabagsak pa din kung minsan.
10 months din sya nang nabigkas nya ang una nyang salita, "Mame".

Inggit much si Gail.

Kami naman ni Gail, super okay.
Kahit nanganak na ako wala pa ding nagbago sa pag aalaga nya sakin.
Binenta nya na din yung motor nya at kotse ko, tapos bumili kami ng medyo mas malaking kotse kesa sa Vios.

Sa sobrang bilis ng oras, dalawang linggo na lang at mag iisang taon na si Andy, isasabay na din namin doon ang binyag nya.

Nakakalakad na talaga sya ng mag isa, at medyo nabibigkas nya na kung anong gusto nyang sabihin.

"Wife, saan natin papa birthdayan si Andy?"

"Haa.. Di ko pa din sure kasi eh, ayaw ko naman sobrang bongga eh. As long as magkakasama tayo, macelebrate natin ang birthday nya at syempre mapabinyagan sya."

"Edi dito na lang sa bahay?"

"Pwede.."

"Oh gusto mo sa Ilocos na lang?"

"Eh halos lahat ng Ninang at Ninong nya, taga dito eh. Sila Cath lang ang taga doon."

"Edi dito na nga lang, invite na lang natin sila Cath."

"Okay sige."

Sa linggong yun, nabilhan ko na si Andy ng susuotin nya.
Mga party needs at kung anu ano pa na para din sa games.

Sinabihan kami nila Mamang at Papang na maghahati hati daw sila nila Tito at Tita para sa handa.
Sila na daw bahala at wag na wag daw kaming gagastos ni isang butil ng asin.
Grabe di ba.

Uuwi din sila Mamang at Papang bago daw ang araw ng birthday ni Andy.
Si Tito daw ay di muna daw kasi umuwi din sya netong pasko at bagong taon.

Dalawang araw bago ang birthday ni Andy nang dumating sila Mamang at Papang.
Nagulat ako dahil kasama nila si Cath, si Dex daw at Sha ay di nakapag file ng leave kaya di nakasama pero nagpadala daw ng regalo.

I hugged her.
I super miss her!

"Told ya', communicating is always the best way." Bulong nya sakin.

Napangiti na lang ako.

Doon daw sya tutuloy kina Gail, para may kasama din si Grace.
Dito na daw kasi sya mag tatrabaho sa Manila.

"Eh pano yung boyfriend mo?"

"Well.. Siguro nga communication doesn't work sa lahat ng couple." Sabay sad face nyang sagot.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon