III

161 3 0
                                    

Nagtapos na kami ng college ni Gail.
Nag tatrabaho na sya sa google,
Lupit ng tropa ko no?
Weak nga lang pagdating sa pag ibig,
Paano naman pagkatapos ni Angge..

Sinundan pa ni Lyka, Shiela, Mikee, Lea, Zara, Bea, Teresa, North, Kelly, Susan, Helen, Cindy, Melissa, Yam, Gina, Jason..
Joke! Di kasama si Jason, haha.

Anyways, lahat ng babaeng yun..
INIYAKAN NYA YUN MEN!

Weak di ba?

Ako naman, lumakas ang talyer ko kaya dito na ako nag focus.
At nag focus din ako sa pagiging tagapag patahan ng kawawa kong kaibigan.
Pwe!

At eto may bago na naman syang kinalolokohan na ka workmate nya,
Jessa daw ang pangalan.

Sure ako tol,
Ang ending neto..
Umiiyak na naman syang magsusumbong sakin.

"Boss Jef! Una na ako ah, tapos ko na tong motor ni Kuya Justin.."

"Ge Moy, salamat ah. Bukas ulit!"

Sa sobrang daming nasisiraan dito samin,
and who knows why,
Kinailangan kong kunin si Moy na junior automotive sa university nung nakilala ko, senior ako noon.

Nagbebenta sya ng kakanin sa canteen,
Sa sobrang pagiging chismoso ni Gail, ininterview nya si Moy.
Nalaman namin na nagbebenta sya para makapagtapos.
Natuwa naman ako na pareho pa kami na automotive.
Kaya inalok ko sya agad na magtrabaho para sakin.

Malapit na syang grumaduate at natutuwa ako dahil isa ako sa mga nakatulong sa kanya.

Tol, sinagot na ako ni Jessa.
Ang aggressive bro.

Bakit?

Niyaya ako magmot..

Kalaswaan nyo.

Papanagutan ko naman to tanga,
Mahal ko to eh.

Lahat naman mahal mo.

Bakit ba di pa matuto tong kutong lupa na to,
Ba't kasi atat na atat.
Ba't pa sya kasi pala naghahanap kung saan saan..






Nandito naman......
Kaming ng pamilya nya.
Puro sya babae.
Lahat na lang mahal nya.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon