Mag ja-January na,
At makikita ko na din ang Andy namin.
Super excited na ako.Sila Mamang at Papang sabi mag i-stay muna dito sa Manila hanggang manganak ako.
Doon sa dating sari sari store sila natutulog, dun din kasi namin nilagay yung mga gamit nila at kama.
Para lang silang nag babahay bahayan, hehehe.December 28 nang napag desisyonan kong magpa check up para ma-sure kong maayos ang lahat hanggang makaanak ako.
Sinamahan ako ni Mamang.Habang hinihintay kong tawagin ako.
"Mang, makaisbo nak. CR lang ako."
"Kaya mo ba? Meykan, samahan kita."
"Haanen, wait ka na lang dyan, kaya ko. Para pag tawagin ako sabihin mo napan umisbo pay lang."
"Sure ka ha?"
"Wen! Sige na at naiihi na ako."
Hay salamat at nakaabot ako sa CR.
Paglabas ko ng cubicle at meron ding buntis na babae na naghuhugas ng kamay.
Naghugas din ako ng kamay.Na feel ko na parang nakatingin sakin yung babae pero binaliwala ko lang.
Pumunta ako sa blower para patuyuin ang kamay ko."Jef ?"
Wait. Yung babae ba yun?
Pagtingin ko sa babae ay laking gulat ko.
Shit! Si Ari!
Schoolmate namin sya ni Gail nung college, HRM sya.
Inaasar asar ko sya nun na liligawan ko sya, naghaharutan pa kami sa text.
Tapos nawalan na ako ng balita pagkatapos ng college kasi tinamad na din ako dahil nga goal oriented daw ako sabi nga ni Gail.
Nyay! Tapos the next thing is, pareho na kaming buntis."Ahh.. Ari? Hi! Kamusta? Buntis ka!"
"And so are you! My God! Kaya pala di ka na nagparamdam pagka graduate natin!"
"Aah.. Oo nga eh, manganganak na ako ngayong January."
"Its obvious! It's big, like anytime it would pop! Ako sa March na din eh. Ikaw ha! Ang daya mo kaya pala tinigilan mo na ako nun kasi nag iba ka na pala ng paniniwala, Dyos Ko! Halos maloka loka din ako kakaisip sayo ha.."
"Utot mo. Sabi ko liligawan kita di ba? Pabebe ka naman lagi."
Galing no.
Dalawang buntis nag uusap tungkol sa ligawan at harutan nila dati."Nagpapa suyo lang naman ako, yun pala nagpapa suyo ka na din pala sa iba.."
"Baliw. Anong akala mo? Ganon na katagal pagbubuntis ko? Tangeks this year lang ako naging babae nung nalaman kong buntis pala ako."
"Haha! Sorry naman! Anyways, past na yun and I'm happy for you. Sayang ka kaya! Buti at na realize mo yun. So who's the daddy?"
BINABASA MO ANG
Jef the Mother
General FictionSi Jef ay isang babae na ipinipilit na lesbian nga sya. Kaya wag na lang kayo kumontra. Si Gail, ang bestfriend ni Jef na suportado sya kahit anong desisyon nya sa buhay. Chickboy daw sya. Wag na lang din kayo kumontra. Isang gabi, sa di inaasahang...