XXXVI

33 0 0
                                    

GAIL'S POV

Di naman na nagparamdam si Lauren.
Buti na lang dahil ayoko ng mga ganong gulo, lalo na't di naman ako guilty.

**Message from: Ms. Lauren**
"I know ur thinking im gone."

Well, speaking of the devil.

Di na lang ako nagreply.

**Message from: Wifeylicious🤤🤤**
"Uwi ka agad. We need to talk."

What theeee.... ano to?
Tumingin ako sa oras sa desktop at 3pm pa lang, 6 pa ang out ko.

**Message to: Wifeylicious🤤🤤**
"What to talk? Miss mo lang ako agad eh."

Okay. Act normal!
Di naman siguro to related kay Lauren.

**Message from: Wifeylicious🤤🤤**
"Later"

Ay Lord, ano ba to.

Saktong 6pm, nag out na agad ako.
Kung pwede lang ako mag ala Flash ginawa ko na, well.. ginawa ko naman talaga.

Pero bat ba ako kinakabahan, wala naman sigurong nangyare.

Pagdating ko ng bahay ay naririnig ko si Andy at Jeff na naglalaro sa sala.

"Babe, dito na me. Hi babbbyyyy cutie cutie."

Tumingin lang sakin si Jeff.

"Niña!" Tinawag ni Jeff si Niña. "Pakikuha naman si Andy saglit, maglaro na muna kayo sa taas."

Agad naman sumunod si Niña.

"Babe, what's wrong?"

"You tell me."

Nalito naman ako bigla. Ano naman sasabihin ko? May nagawa ba akong mali?

"Sobrang saya mo siguro nung nakalaya ka samin ni Andy no? Kaya sinulit sulit mo na."

Again, I'm confused.

"Babe, ano ba talagang nangyare? I'm all confused here." Umupo ako sa tabi nya.

"Confused ka? Sa sobrang lito mo nung asa ibang bansa ka, nakuha mo ding pumatol sa iba. Natigang ka ba dahil sa lamig?"

"Pumatol!?"

"Sinabi na sakin ni Lauren lahat. Ginawa mo pa akong tanga. Ang saya saya mo dun samantalang kami dito, nag iintay na bumalik ka na. Nagdadasal na sana maging okay ka lang lagi. Na sana bumilis na oras para makauwi ka na dito pero ikaw.." umiiyak na sya.

Gusto ko syang yakapin pero alam kong lalayo lang sya.

"Pero ikaw nagpapakasaya dun, sinusulit bawat araw. Siguro kaya ka din nagpa extend eh! Kasi tuwang tuwa ka. Ngayon, di pa kayo nakuntento? Talagang pinapunta mo pa dito yang babae mo para matuloy nyo yung love story nyo?! Ang kakapal ng mukha nyo!"

"Babe.."

"Wag mo akong matawag tawag ng babe, Gail! Siraulo ka!"

Tumayo na sya at lumayo sakin.

"Babe di ko kasi maintindihan eh, pinakinggan mo si Lauren ng di mo ako pinapakinggan. Ang unfair naman non? Mas tiwala ka pa sa ibang tao kesa sa asawa mo?"

"Pano ako magtitiwala sa taong katulad mo?"

"Wala naman akong ginawa eh! Ano ba sinabi sayo non!?"

Napapasigaw na din ako.

Ano ba naman kasi yung pakinggan man lang ako.

Wala naman akong ginawa.

"Sinabi nya lahat!"

"Lahat? Anong lahat? Na may relasyon kami? Na may nangyare na samin? Ano!?"

"Lahat lahat!"

"Pwes para sabihin ko sayo, hindi totoo lahat yan! Mas maniniwala ka ba dun sa siraulong yun!?"

"May pinakita syang mga proof, gago ka!"

"Proof?"

"May mga picture kayo, sa mga bar. Pumapasyal kayo kung saan saan. Mga text mo sa kanya na sobrang caring! May mga picture sya na ang tanging suot eh mga tshirt mo! Siraulo ka!"

What the....

"Siraulo ka Gail! Alam ko namang disgrasya lang lahat ng to eh pero sana man lang wag mo akong gawing tanga! Makipag hiwalay ka kung gusto mo, di yung ganito!"

"Pero.."

Tumakbo ng paakyat si Jeff.

Ayoko na muna syang sundan, mas mabuting mag usap kami ng kalmado.
Ayaw ko talagang nakikipag sigawan.

Tsaka hindi naman totoo lahat ng yun.

**Message from: Ms. Lauren**
"How are you? Do you need comfort? Beers? 🤫🤫"

JEFF'S POV

Sinilip ko saglit si Niña at Andy,
"Niña, ikaw muna bahala kay Andy ha? Medyo masama pakiramdam ko eh."

"Sige lang Ate, pahinga ka na muna. Ako na bahala dito sa makulit na to."

"Ma!!" Sigaw ni Andy habang nakangiti.

Makita ko lang anak ko eh parang gumaan na pakiramram ko pero di naman ganon kadali.

Pagpasok ko ng kwarto ay agad tumulo ang luha ko.

Di man lang nakuhang sumagot ni Gail sakin, parang relax na relax pa sya. Totoo ba talaga lahat yun Gail?

Tae naman. Kung kailan mahal na mahal na kita.
Di ba talaga ako worth it Gail?

Naalala ko mga sinend saking pictures ni Lauren, sobrang close nila sa mga pictures.
Lalo na kapag asa bar sila. Namamasyal sila kung saan saan! Gawain ba yun ng magkatrabaho?

Tapos yung mga picture na suot ni Lauren yung mga tshirt nya. Shit!
Kulang na lang isend nya din sakin pati mga scandal nila. Pati pictures nila na magkatabi sa kama!

Kaya pala nagpa extend sya don.

Kaya pala minsan hindi ko sya mahagilap.

Ano ba naman Gail! Di pa din ba babae ang tingin mo sakin?

**Message from: Hubbylicious**
"Usap tayo pag kalmado ka na, please."

Bobo ata tong taong to. Andito lang ako sa taas, may patext text pa.

Halatang guilty. Ngayon wala syang maiharap saking mukha dahil sa katangahan nya.

Jef the MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon