Ang aga kong nagising. Six palang ng umaga bumangon na ko. Mag-iimpake pa kasi ako para sa paghahanap diretso lipat ko sa condo.
Pagbangon ko dumiretso ako sa kusina para tignan kung nandoon si Mama. Pagdating ko sa kusina naabutan ko dun si Mama na nagluluto at si Lloyd na nakaupo sa harap ng mesa at naka-pajama pa.
Good Morning! Bati sakin ni Lloyd. Pati nadin si Mama.
Anak, tawagin mo na yung mga kapatid mo pati narin ang Papa mo ng makakakain na tayo at magsisimba pa tayo mamayang seven.
Ai Ma, speaking of seven. Sorry God pero di muna po ako makakapagsimba. Di ko pa nga pala nasabi na di na muna ako uuwi dito tuwing may pasok ako. Lilipat na kasi ako ng Condo na malapit sa work ko sa Pampanga. Yun kasi ang gusto ng boss ko. Every weekend nalang ako makakauwi. Sana maintindihan niyo ko. Lalo na si Jessie. Mag-iimpake na ko after natong kumain.
Kasi naman anak, bakit gusto mo pa kasing lumayo ng work eh nandito na nga yung sarili nating business. Ikaw nalang naman ang iniintay naming magsabi na ready kana para sanayin ka na ng papa mo na hawakan ang sarili nating business.
Yun nga din po ang sinasabi ko sa kanya tita eh. Kung ayaw niya sa inyo eh pwede namang sa amin. Eh di sana walang hirap. Kinampihan pa ni Lloyd si Mama.
Ma, pansamantala lang naman yun eh. Habang hindi pa ako handa na hawakan ang sarili nating business. Gusto ko namang makaexperience ng work na walang special treatment at outside the Aurora. Makalanghap ng ibang hangin. Pag di ko na kaya ako din naman yung susuko. Malay niyo after 1year o baka nga buwan lang ako na mismo yung umayaw eh. At maging ready na ko. Mama, just wait. Konti hintay lang naman eh. Mahabang paliwanag ko.
Okay, kung yan ang gusto mo. Basta pag nahirapan ka or inaway ka sa work mo, wag ka ng magdalawang isip.
Siyempre naman.
Sakto namang dumating si papa at umupo na sa dining table.
Oh ano naman yang pinag-uusapan niyo diyan? Bakit parang dibdiban?
Eto kasing anak mo pa. Aalis na daw. Magkocondo na daw siya dun sa malapit sa kumpanya na pinagtatrabahuan niya. Iiwan na tayo ng panganay natin. Sagot ni mama. Napaka pabebeng ewan talaga ni mama.
Mama, para namang mawawala ako sa mundo kung makasabi ka diyan ng iiwan. Lilipat lang ako saglit sa Pampanga para di na daw ako at yun ang gusto ng boss ko. Ayos na din naman yun. Atleast di nako magdadrive ng 2hours everyday at di ko na kailangan magising pa ng maaga.
Ayos lang naman anak pero ang sasabihin ko lang sayo, sa ngayon pinapayagan na pa kitang maggagaganyan pero sa susunod eh kailangang negosyo naman na natin ang hawakan mo.
Yes Pa. Sabay hug pa. Supportive talaga tong si Papa eh.
Sige na, tawagin mo na ang mga kapatid mo para makakain na at makapagimpake ka na din.
Sabay-sabay na kaming kumain. After kumain nagpaalam na ko sa mga kapatid ko. Mamimiss ko tong mga to lalo na si jessie.
Lilipat na ko ng house. Every weekend na lang ako makakauwi dito sa bahay. Meaning weekend na lang tayo maglikita-kita. Mamimiss ko talaga kayo.
Buti naman at aalis ka na. Wala nakong kaagaw sa internet connection. At ako na angagrereyna dito. Mawawala na din yung panget. Bastos talaga tong Anna Faye na to. Siya kasi talaga yung lagi kong kaaway dito sa bahay. Kunyari pa. If I know.
Magtigil ka nga diyan Anna Faye. Mas panget ka kaya sakin. Di hamak. Ang panget-panget mo. Lamang ka lang sakin ng height. Bawi ko naman sa kanya. Dalaga na kami pero bangayan pa din kami ng bangayan. Haha.
Talaga lang huh? Pandak ka naman. Pandak. Asar niya pa. Na parang bata.
Hindi ako pandak. Sadyang higante ka lang.
Tama na nga yan. Group hug na lang. Sabi ni Febbie Anne. Ito kasi talaga yung mediator namin ni Anna Faye. Ayaw niya daw kasi ng nag-aaway kami.
Nag-group hug na kami.
Ate Jessie will miss you. As in miiisssss na missss... Uwi ka dito pag may time ka at weekend huh? Pati pasalubong ko. Huwag mong kakalimutan. Huwag kang uuwi hanggang wala akong pasalubong.
Oo na bunso. Hug mo pa nga si ate. Hinug niya ko. Ganun din yung dalawa ko pang kapatid.
Oh. May inaabot sakin si Anna Faye. Inabot ko naman.
Pagbukas ko napahug nalang ulit ako sa kanila. Photo album kasi yun. Naka-collage pa yung mga picture. Eto ata yung nasa kwarto niya eh. Natouch naman ako sa bruhang to. May pakialam padin pala sakin kahit na napakabrutal kung magsalita at parang di niya ko ate.
Ate don't forget Jessie ah. Ngayon palang namimiss na kita eh. Pacute na sabi ni Jessie.
Jessie, para namang mamamatay na ko niyan. Malilimutan ko ba naman yung makulit na bunso namin?hayaan mo lagi tayong magi-skype before ka matulog. Okay na ba yun?
Tumango lang siya bilang sagot.
After ng drama sa mga kapatid ko nag-impake na ko ng damit at mga important documents ko. Pati narin yung laptop at IPad ko tinabi ko na sa mga gamit ko.
After kong maligo, I'm ready to go. Nagshort-shorts lang ako at sleeveless na top. Mainit eh. Tsaka hahanap pa ng magandang condo. Medyo hassle pa naman ang pagdadaanan ko ngayong araw.
Paglabas ko ng kwarto ready na din si Lloyd.
Tinulungan na lang akong magbaba ng gamit nung mga katulong. Pagdating ko sa baba kumpleto silang naghihintay dun. Kiniss ko nalang si papa at mama then hinug yung mga kapatid ko. Nagpa-alam na din si Lloyd at umalis na kami sa bahay.
Pagpasok ko sa kotse nagring yung phone ko.
Sinagot ko yung tawag after kong makita na si Boss pala yung tumatawag.
Hel---
Dumiretso ka sa Rockwell Condominium. Putol niya sa pag hello ko. Dire-diretso talaga yan at wala man lang hello. Napakabastos.
Sig----toot toot. Aba, sobra na siya huh. Di na nga ko pinapatapos binababaan pa ko.
Tinawagan ko din ang mokong. After 2 rings sinagot na niya.
Bak---
Wag kang bastos.
tototot. Pinutol ko din siya sa sasabihin niya at binabaan ko din. Akala niya siya lang magaling manggago? Well.Tao po. Kung may nagbabasa man neto. Sorry sa matagal na UD...Busy sa school eh. Pero don't worry guys since bakasyon na mas madalas na ang ud.
BINABASA MO ANG
Fall For Me, Allen
Teen FictionNainlove siya sa maling tao at minahal niya ito kahit may mahal na siyang iba Samantalang mayroon namang lalaking naghihintay noon pa man ay mahal na siya Ipagpapatuloy kaya ni Faith ang pagmamahal kay Allen o hahayaan na lang niyang mapunta ito kay...