Allen's POV
Puteeek? Kelan pa dumating si Yuri dito? Napasubo pa tuloy ako. Naging instant girlfriend ko tuloy yung bruhang yun. Tsk? Bakit ba bumalik si Yuri? Hindi ako handa. Pero nagpapasalamat nadin ako sa mangkukulam na yun at sinakyan yung pakulo ko. Akala niya siguro di ko alam yung kahulugan nung mga pekeng ngiti niya. Mangkukulam talaga. Well, Sabi nga niya mahirap siyang banggain. Haha.
About sa condo niya. Ako na namili. Ayoko na kasi ng mahabang usapan. Atleast di siya lugi. Maganda ang napili ko. Tsaka isa pa kila Harley yun. Mapagkakatiwalaan talaga yung may-ari. Mabusisi ako sa pamimili, alam ko namang di matatanggihan ng kung sino man yung design ng condo. Pinadesign ko pa yun sa kilalang interior designer, pati yung mga gamit sa loob ako ang namili nun. I mean may supplier sila ng furniture pero kung anong furniture yun, ako ang namili pati kung saan dapat ipupwesto, kung gaano kaluwang yung condo niya pati mga appliances ako ang namili pati mga kurtina at iba pa. Hindi ako bakla! Maarte lang sa mga gamit. Bahala na siyang magdagdag ng mga kulang at gusto niya pang idagdag.
Hoooh. Alam ko curious na kayo about kay Yuri. Mamaya niyo na siya kilalanin. Kukwento na lang ni Harley. Magpapalit na pala ko ng damit. Baka pagalitan pa ko ni Harley.
Flip-flops with ripped shorts with v-neck shirt at shades. Pwede na siguro to. Mall lang naman diyan sa tabi. Ilang picture lang naman. Tsaka magpapalit din mamaya pag papunta na sa bar.
Bumaba na ko. Naghihintay na si Harley at baka andun na din yung mainiting ulo na bruha.
Harley. Tawag ko kay Harley.
Oh! Hintayin na natin siya dito. Pababa na rin siguro yun. Oh ayan na pala eh.-Harley.
Lumingon ako at nakita ko nga yung mangkukulam.
Siya ba to? Nakashorts shorts, tanktop, flip-flops, at may sumbrero pa. Ang cute niya sa attire niya. CUTE LANG. Oo na, maganda na ang bruha. Ngayon lang.
Witwew. Ang sexy ng Cinderella mo Alien. Bagay na bagay kayo. Couple na couple ang dating. Parehas pa kayong flip-flops. Haha. Oo na, di na ko iiksena. Sayo na siya bro. Haha. Bagay na bagay kayo eh.-Harley na buwiset.
Lumapit na sa amin si Faith.
Tara na.- Faith.
Hoy, bro akbay ka na kay Cindy. Sige na. O kay kahit holding hands na lang. Kanina nga sa bewang ka nakahawak eh. Sige na.-Harley. Bwisit talaga tong mokong na to.
Hinawakan ko na lang yung kamay ni Faith at umalis na. Ayoko ng maraming usap usap.
Sumakay na kami sa hilux ko at pumunta na agad sa mall.
Dito. Tarang pumasok sa blue magic. Ui bro, bili mo siya ng bear. Yung malaki. Tapos pipicturan ko kayo. Eto, blue na bear.-Harley at basta nalang kinuha yung bear. Di man lang pinamili si Faith ng gusto. Haha. Ayos na yan. Para matapos na tong kalokohan ni Harley.
Yan upo kayong dalawa dito. Ui alien akbay ka sa kanya. Ikaw naman Cindy akapin mo yung bear. Tapos ngiti kayo ng malaki. Wag ganyan. Closer. Parang diring-diri naman kayo sa isa't isa. Yan pwede na yan.-Harley. May balak ba tong maging photographer? O director? Kala mo kung sinong kumukuha ng magandang anggulo eh.
Yan. Oh, yung cellphone mo naman Cindy, eto na phone mo bro. Ai hindi. Akin muna. Dapat maraming pic dito. Kahit mga ten different photo lang muna. Basta dapat iba't ibang place. Kain din tayo sa jollibee haha. Ngayon lang mapapakain si Allen sa jollibee. Para naman makita ni Yuri na yung mga di niyo nagagawa dati at ganun nalang kalakas sayo si Cindy dahil nababago ka niya. Ang talino ko talaga.-Harley na talinong talino sa sarili.
Ayokong kumain sa fastfood chain.-Ako. Ayoko talagang kumain sa ganun. I don't know why? Siguro kasi napakatagal maghintay dun, walang maupuan, andaming tao, maingay, at iba pa.
BINABASA MO ANG
Fall For Me, Allen
Teen FictionNainlove siya sa maling tao at minahal niya ito kahit may mahal na siyang iba Samantalang mayroon namang lalaking naghihintay noon pa man ay mahal na siya Ipagpapatuloy kaya ni Faith ang pagmamahal kay Allen o hahayaan na lang niyang mapunta ito kay...