FAITH'S POV
Tulad ng napag-usapan ay nagluluto na nga kami. Maaga kaming nagising na tatlo kanina at namili kaya naman ay nagluluto na kami.
Ate, luto yata yung menudo. Feb, tikman mo. Sabihin mo kung natigas pa yung karne at potatoes. Aligagang sabi ni Anna Faye.
Hmm, pwede na. Kulang sa paminta. Dagdagan mo. Sabi naman ni Feb na agad sinunod ni Anna Faye.
Dito daw ba magla-lunch sila mama? Tanong mo Feb. Utos ko naman dito habang hawak ang sandok. Nagluluto kasi ako ng nilasing na hipon. Hinango ko na rin ang mga hipon nang makita kong luto na.
Oo daw. Pati daw si papa ay dito rin kakain. Sabi nito.
Ilabas mo na nga yung mga plato, kutsara, at tinidor. Utos ko na naman sa kanya. Ginusto niya yan kaya sumunod siya.
Ate, salang ko na tong ginataang gulay. Tapos akyat na muna ko para maligo. Tsaka tatanong ko na rin kung nasaan na sila. Paalam ni Anna Faye at umalis na. Inutusan ko naman si Feb na maligo na rin dahil baka dumating na ang mga bisita.
Nang mailabas ko naman ang roasted chicken sa oven ay siya namang pagbaba ng dalawa na sakto naman sa para ako naman ang maligo.
Ate, puntahan ko lang sila saglit. Nasa crossing na daw sila. Sunduin ko na. Sabi niya at nagmotor ng umalis. Mabuti naman at naunang dumating sila mama. Sabay-sabay sila. Siguro ay dinaanan sila ni papa. Busy si mama sa flower shop, souvenir shop, at sa resort. Kaya pagkaganitong summer ay di siya nalalagi sa flower shop at mga kasamahan niya lang ang nandoon.
Ma, pa, Jessie, upo na kayo. Baka andiyan na sila. Sabi ko habang inilalapag ang roasted chicken na naupo na rin. Ganun din naman si Feb na pumwesto na rin.
Sige, ibaba na muna niyo diyan. Tara sa dining. Rinig naming sabi ni Anna Faye.
Hello po. Magandang tanghali po. Bati nila pagpasok sa dining.
Welcome to our house. Magsiupo na kayo, mga hija at hijo. Ayos lang ba sa inyo itong mga ulam? Feel free kung may allergies at ayaw kayong mga pagkain para makapagluto ng iba. Sabi ni papa sa mga bisita na nagsimano pa bago umupo.
Andami na nga po nito eh. By the way, ako nga po pala si Anna May. Pakilala ng isang kulot niya kasama.
Ako naman po si Harold. Pakilala naman nung isang lalaki.
My name is Arianne po. Pakilala rin nung isa pa.
Ako naman po si Marius. Sabi rin nung isa.
Ako po si Pam. Pakilala rin ng isa pang babae. Tatlong lalaki lang sila then anim na babae, pang-sampu si Faye.
Ako naman po si Karen. Sabi ng isa pang babae.
I'm Joy po. Sabi ng isang babaeng may kaliitan.
Ako naman po si Emily. Sabi ng babaeng maganda at matangkad.
Ako po si Ace. Magkapatid po pala kami. Sabi nung isang maliit din na lalaki na tinutukoy yung Emily, ata ang name?
Nice meeting you. Feel at home. Anna Faye, ikaw na bahala sa mga kwarto nila, nak. Bilin ni papa.
Opo. Mamaya nalang guys. Pakilala naman kayo, ate. Sabi ni Anna Faye.
Uhm, oo nga pala. I am Faith. Anna Faye's younger sister. Loko ko na tinawanan naman nila.
Apaka feeling. Side comment naman ni Anna Faye.
Ako po pala si Feb. Hello po, nice to meet you. Ngiti ni Feb sa kanila.
And this little boy is Jessie. Pakilala ni Anna Faye kay Jessie.
Awww, adorable and handsome baby boy. Sabi ni Anna yata?
BINABASA MO ANG
Fall For Me, Allen
Teen FictionNainlove siya sa maling tao at minahal niya ito kahit may mahal na siyang iba Samantalang mayroon namang lalaking naghihintay noon pa man ay mahal na siya Ipagpapatuloy kaya ni Faith ang pagmamahal kay Allen o hahayaan na lang niyang mapunta ito kay...