gantef faith para sayo talaga to. Please read.
Natapos ang araw ko na inis na inis ako. Bwisit na boss yan. Papunta na kong parking lot para sumakay na sa sasakyan para makauwi na ng may tumunog na phone. Paulit-ulit na tumutunog pero wala namang sumasagot. Kanino ba yun? Teka nga parang nasa bag ko. Akin ba yun?
Ay bobo! Pagtingin ko yung phone na bigay ni Lloyd. May tumatawag at ang nakaregister ay MINE💚. At may heart pa talaga. Loko talaga yung lalaking yun.
Hello! Sagot ko.
Out muna? Si Lloyd.Oo, bakit?
Huhu! Kinalimutan mo na?
Ang ali--- shit sorry! Sige samahan kita. Saan kaba?Yung bibig mo! Kelan ka pa natutung magmura? Princess naman. Masama kaya yan.
Aw... Kaya mahal ko to eh. Pero sa isip ko lang yan.
By the way, ako nalang susundo sayo. San ba yang kumpanya niyo? Sigurado namas akong nandiyan ka pa.
Sa may Clark. Tapat ng Rosewood. Bulanadi Company Building.
Sige. On the way na ko. Bye. Muaaahhhh.
Geh. Bye.
Binaba ko na ang phone ko. Then after less than 15minutes nandito na siya. Aba ang bilis.
Bat ang bilis mo? Bungad ko sa kanya.
Malapit lang kasi ako kanina kaya nakarating ako agad.
San ka naman galing? Sa pinapapuntahan sakin ni Daddy na taniman ng mangga at saging. Balak atang bilhin yung hacienda.
Ah... Kala ko kumuha ka ng stock mo ng saging kasi wala ka ng makain. Haha.
So ano gusto mong palabasin huh? Na unggoy ako?
Haha. Ikaw nagsabi niyan.
Ah ganun ah. Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa may bandang bewang. Bumilang siya ng tatlo, at kiniliti niya ko sa may kili kili. Ang lakas ng kiliti ko dun eh. Haha.
Hahah-haha---haha. Tama na Ll-Lloyd...na--haha-kikiliti--hahaha ako.
Beep!beep!beep! Napatigil kami parehas ng may bumusina. Paglingon ko may kotse na malapit sa amin. Grabe ah. Napakalakas ng busina eh kalapit lang namin at hindi naman kami nakaharang sa daan huh.
Bumaba ang Salamin sa gilid ng driver's seat. Yung buwisit.
Miss Salazar, bring extra clothes tomorrow. And extra things.
Bakit naman Sir? Linggo bukas. Walang pasok.
You need to find the best apartment or condo that's fit for you. You will live there.
Magsasalita sana ako dahil pinangunahan naman na daw niya ko. Pero inunahan niya ko.
I don't need any words. It's a command. It is not a question. I don't need any answer.
Pagkatapos nun umalis na siya. Aaarrrgggghhh. Nakakainis na siya. Inutusan daw ba ko?shocks!!!!
Ui! Princess nagkaka wrinkles ka na sa sobrang kunot ng noo mo. Inunat ni Lloyd ang noo ko at saka kiniss ito. Buti nalang talaga nandito ang Knight ko.
Tara na nga para lumamig naman yang ulo mo.
Sumakay kami sa kotse niya. Nakarating kami sa may SM Clark. Ano naman kayang nakain nito at sa mall ako dinala? Ayaw daw kasi niya sa mall. Napaka common na dating place at wala naman kayong gagawin kundi umikot lang ng umikot. Pero noon yun. Nung kami pa. Eh ngayon namang hindi na kami saka naman niya ko dinala dito. Tsk...tsk... Lloyd naman.
BINABASA MO ANG
Fall For Me, Allen
Ficção AdolescenteNainlove siya sa maling tao at minahal niya ito kahit may mahal na siyang iba Samantalang mayroon namang lalaking naghihintay noon pa man ay mahal na siya Ipagpapatuloy kaya ni Faith ang pagmamahal kay Allen o hahayaan na lang niyang mapunta ito kay...