Si Faith. Girlfriend ko. What??? GIRLFRIEND? Kinurot ko sa likod si Allen at pinanlakihan ng mata pero hinapit niya lang ako sa bewang at nilapit pa sa kanya. Binulungan niya pa ko ng sumakay ka nalang.
Yuri!Sigaw naman ni Harley na papalapit sa amin.
So Yuri pala ang pangalan mo? Yuri...humanda ka... Yari ka sa kin.haha.
Hi Harley.-Pabebeng Yuri.
Pinakilala mo na ba si Faith?tanong ni Harley.
Siya nga---pinutol ni Allen ang sasabihin niya.
Siya si Faith Cinderella Salazar. Girlfriend ko.-Allen.
Hon, siya nga pala si Yuri. Business partner ng Company ang papa niya.-Allen. HON???Muli, pinanlakihan na naman niya ko ng mata na parang sinasabing "sumakay ka nalang" look.
Hi. Nice meeting you, Faith.-Yuri sabay lahad ng kamay at pekeng ngiti. Hito talaga.
Ako din. Nice meeting you.-Ako Sabay ngiti ng pagkatamis tamis. Pang-asar. Wag mo kong mabitch bitch diyan at baka gusto mong ipakita ko sayo ang tunay na kahulugan ng bitch.
Oh! Tarang kumuha ng inumin. Singit sa amin ni Harley. Nakakaramdam ata ng awkwardness.
Nauna na kami ni Allen sa paglalakad. Panu ba naman hapit ba naman ako sa bewang.
Hoy, feel na feel mo naman yang paghapit sa bewang. Masyado na tayong malapit sa isa't isa. Bulong ko kay Allen.
Kala mo naman gusto ko. Napaka payat naman ng bewang mo. Diretso pa. Wala man lang curve.-Allen na nangingiti pa.
Aba, walang hiya ka talaga. Pasalamat ka nga at sinasakyan ko yang trip mo.-Ako.
Kasama to sa trabaho mo as a secretary.-Allen.
Wow, may bago na palang dagdag sa rules.-Ako.
Ngumisi lang naman ang loko.
Isang San Mig light ang inorder ni Allen. Ganun din si Harley. Pineapple cocktail lang sakin. Ayaw kong maglasing at magkalat dito. Martini naman sa hito. Ang aga niyang maglasing huh.
So, ano naman ang nagdala sayo dito,Yuri?-Harley.
Nagpabili kasi ako ng condo kay daddy. Sabi ko dito nalang atleast kakilala ko yung may ari at sigurado namang quality yung condo niyo. Kalilipat ko lang din kanina.-Yuri.
Ah, that's why. Si Faith din kalilipat lang. Dito na din siya nakacondo. Sa room 614 siya.-Harley.
What a coincidence! Sa room 616 ako. Magkatapat pala yung room natin? Oh my!-Hito.
Haha. That's great. Mukhang lagi tayong magkikita. Pabebeng sabi ko. Nakakabanas na siya eh.
Nananahimik naman tong katabi ko dito. I smell something wrong here. But who cares?right? Wala naman akong pakialam sa Alien na to.
By the way, I need to go. Kailangan ko pang mag ayos ng gamit.-ako. Gusto ko na talagang umalis eh. Ampanget kasi tignan nung hito. Natatae tuloy ako. Mukhang inidoro eh.
I'll go with you. Hatid na kita sa unit mo. Bye, Yuri. Oh Harley, maiiwan ka?-Allen.
No, aalis na din ako. Bye, Yuri. See yah around.-Harley na nakasunod samin.
Walang nagawa ang hito at kumaway na lang.
Pagpasok namin sa loob ng condo inalis ko na agad yung kamay ni Allen sa bewang ko. Naenjoy na masyado ng mokong.
Hoy, ano yung pinagsasabi mong girlfriend? Don't tell me pagpapanggapin mo kong girlfriend mo. Walang hiya. Ginawa mo pa kong alila mo.-ako yan. Nakataas talaga ang kilay ko niyan. Taray mode.
BINABASA MO ANG
Fall For Me, Allen
Ficção AdolescenteNainlove siya sa maling tao at minahal niya ito kahit may mahal na siyang iba Samantalang mayroon namang lalaking naghihintay noon pa man ay mahal na siya Ipagpapatuloy kaya ni Faith ang pagmamahal kay Allen o hahayaan na lang niyang mapunta ito kay...