FAITH'S POV
Papunta kami ni Allen sa bahay nila. Sinabi raw kasi ni Allen kay mommy Bel na I am back to work kaya ayan at gusto daw akong makita. Second day palang na bumalik ako ay may dinner na ko ulit with them.
Hija! Namiss kita! Salubong sakin ni mommy Bel at bineso pa ko.
Miss ko rin po kayo. Sagot ko naman sa ginang.
Did Allen give you a hard time? Pasensya ka na, ganyan talaga yang alien na yan. Buti nakabalik ka na. Daldal ni mommy Bel habang papunta kaming dining. Natawa naman ako dahil alien din pala ang tawag nito sa unico hijo nila.
Opo. Grabe. Talaga pong umay na ako sa pagiging sekretarya niya. Pagkukunwari ko naman with actions pa.
Ang bad mo. Kaya ka iniwan ni Faith. Masyado mong pinapagod. Halika na't maupo na tayo. I cooked everything. Sabi nito at iginaya ako sa dining. Naabutan ko naman si nanay Caring.
Nay! Kamusta po? Bati ko sa matanda bago magmano.
Tulad parin ng dati. Mabuti at napasyal ka. Namiss ka masyado ni Bel. Sige na, maupo na. Allen, tawagin mo na ang iyong daddy. Utos ng matanda. Nakipagbeso naman ako kay tito Alladin ng pumasok siy sa dining.
Naging matahimik at payapa ang pagkain. Walang usapan at ingay lang ng mga kubyertos ang maririnig hanggang sa magsikain kami ng prutas sa kanilang sala.
I am glad na nakabalik ka na. I heard the "news" sa opisina. Mabuti naman at naayos niyo na. Umpisa nito.
Nakakahiya naman po. Medyo magulo pa po. Step by step nalang po siguro naming aayusin. Sagot ko naman.
Sa totoo lang, akala ko ay di na niya tatanggapin ang deal dahil sa nangyari pero professional naman pala siya at tinanggap ang proposal natin sa kanila. Sabi naman ni Allen na nagpakunot sa noo ko.
Hmm? Ano ba nangyari? Tanong ko.
Ganito kasi yun, hija. While you're away, nagkapirmahan nang kontrata sa pagitan namin nina Mr. Fuentes. Di ba't kinukuha natin sila as an investor? Tanong ni tito Allafin na tinanguan ko lang.
So, nagpresent si Allen and good thing na nagustuhan nila. Mabuti nalang at hindi naman ginawang personal issue ang naging issue niyo. Sabi ni tito Alladin sa akin.
Mabait po si Mr. Fuentes. Business is pure business. Kahit personal issues ay hindi niya sinasali. Kung nakikita naman po niyang magbebenefit po ang kumpanya nila, itutuloy pa rin po niya. Sabi ko naman pagkatapos nguyain ang pagkain.
Ayokong makialam, pero narinig ko sa opisina na nagkakomprontasyon. And it looked like kakilala mo siya or deeper than that? Tanong ng daddy ni Allen.
Dad, pag-usapan nalang natin mamaya. Let's just finish our food. Sabi naman ni Allen at ganun nga, ngayon ay nasa may garden kami at nagdedessert.
I think I need to tell you this. Kasalanan ko to. Magkatabi kami ngayon ni Allen at hawak niya ang kamay ko.
You two look good together. Sabi ng mommy ni Allen na nginitian ko lang.
Sorry to interrupt. I just noticed. Awkward na dagdag niya.
She's not my girlfriend. Nakita kong nagulat sila sa sinabi ni Allen. Lalo na si mommy Bel.
Anak, what do you mean by that? Tanong agad ni mommy Bel.
Hooh. Hingang malalim ni Allen. Kahit ako ay kinakabahan. Hindi rin ako makatingin sa mga magulang ni Allen.
Nakita ko si Yuri that time and napagkamalan niyang girlfriend ko si Faith kaya sinabi kong yes. At pinagpilitan kong magpanggap kami. Sabi niya at huminga ulit ng malalim.
BINABASA MO ANG
Fall For Me, Allen
Novela JuvenilNainlove siya sa maling tao at minahal niya ito kahit may mahal na siyang iba Samantalang mayroon namang lalaking naghihintay noon pa man ay mahal na siya Ipagpapatuloy kaya ni Faith ang pagmamahal kay Allen o hahayaan na lang niyang mapunta ito kay...