ALLEN'S P.O.V.
Nagpaalam din ako sa bahay na likigawan ko si Faith. At tuwang-tuwa naman si mommy. Pinilit pa nito si dad na bigyan ako nang leave kaya walang nagawa si daddy kundi pagbigyan ito. Mukha din namang kailangan ko ngang magleave dahil nga sa panliligaw kaya gagamitin ko talaga ang oras. I also booked a room sa hotel nila. Binigyan naman nila ko nang another twenty percent discount. May fifteen percent discount na ako dahil VIP nga kami at binigyan pa ako nang dadgdag, so, I am only paying a total of sixty-five percent. Yun daw kasi ang sabi ni tito William sa mga receptionists nila. It's actually a good thing, mukha din kasing magtatagal ako ngayon dun eh.
I started my courtship as early as possible. Maaga palang ay nandito na ako sa bahay nila Faith. Six to be exact. Nasilip ko naman na si tita at tito na naglalakad kaya dumorbell na ko. Halos mapatalon pa si tita sa gulat nang buksan nito ang pinto.
Hijo, ang aga mo ata ngayon. Come in. Have some coffee. Sabi nito at pinapasok ako. Sinalubong din ako si tito at gulat din.
Aba, pasikat ka ata huh? Pagbibiro nito.
May mga kape na po ba kayo? I'll do it. I brought some coffee with me. Sabi ko at proud na itinaas ang dala kong garapon nang kape.
Ako po mismo ang nagroast at nag-grind nito. Dagdag ko pa. Natawa naman si tita sa sinabi ko.
Oh, sure. Don't add sugar, then. Para talagang malasahan ang kape, alright? Sabi ni tita.
May I use your kitchen, then, Miss beautiful? Tanong ko na nagpahalakhak sa kanya.
Anong miss ka diyan? Misis beautiful na yan? Si Faith ang nililigawan mo huh? Pagbibiro ni tito na tinawanan din namin kalaunan.
Sige na, go. Use the kitchen. Nandiyan naman ang coffee maker. Makikita mo agad. Sabi lang ni tita.
FAITH'S P.O.V.
What are you laughing at? Tanong ko. Nagising kasi ako sa tawanan nila. Day-off kasi namin ngayon.
Ma, ang ingay niyo naman eh! Ang aga pa oh! Reklamo din ni Feb na kalalabas lang sa kwarto niya na magulo pa ang buhok at kinukusot pa ang mga mata.
Para ka talagang di dalaga. You're kuya Allen's here. Napabilog naman ako bigla nang mata at naconscious sa hitsura ko. Shocks, baka may muta pa ako. Kailangan kong bumalik sa room ko. Hindi pa ako tapos sa pagcheck ng sarili at di pa nakakaakyat nang may lumabas mula sa kusina at dala ang mga tasa.
You're coffees are ready. Sabi niya at napadako sakin ang tingin. Tumitig ito at medyo napangisi kaya tumakbo ako paakyat sa room ko. Narinig ko namang tumawa sina mama. Ugh! Kainis!
Pagbaba ko ay kumpleto na sila sa dining. Gising na rin si Jessie at umiinom na sa gatas nito.
Bacon Pancakes! Sabi ko at pumunta agad sa hapag para kumuha ng dining.
Ehem! Ubo naman ni Allen.
I see. Mukhang may puntos agad ako ah. Sabi pa niya sabay ngisi. Napabitiw ako agad sa kagat kong pancakes. I think he's the one who prepared it.
Masarap kaya. Sabi ni Feb at kumuha pa ulit ng isa pa. Kahit si Jessie ay mukhang sarap na sarap dahil nananahimik ito at nguya lang nang nguya.
Sinabi ko bang hindi? Sabi ko nalang at nagpatuloy sa pagkain.
Nakapagpahinga ka na ba, hijo? Tanong ni papa na tinanguan lang ni Allen. Nasa garden kami ngayon, kahit sina Feb at Jessie ay nandito.
Ngayon palang magsisimula ang panliligaw mo. Ngisi ni papa dito. Mukhang clueless naman itong si Alien sa sinasabi ni papa.
BINABASA MO ANG
Fall For Me, Allen
Teen FictionNainlove siya sa maling tao at minahal niya ito kahit may mahal na siyang iba Samantalang mayroon namang lalaking naghihintay noon pa man ay mahal na siya Ipagpapatuloy kaya ni Faith ang pagmamahal kay Allen o hahayaan na lang niyang mapunta ito kay...