Kabanata 32: Holy Week

19 3 0
                                    

FAITH'S POV

Magpapaalam na rin po ako ate. Uwi na po ako. Baka nag-aalala na si Nanay. Congrats ulit, Feb. Bye, Ann-Ann. Sabi ni Joe at niyakap pa si Feb at Anna Faye.

Ihatid mo na siya, Lloyd. Sabi ko. Nakita ko namang di natuwa si Lloyd sa sinabi ko.

Saan sila matutulog? Tukoy ni Lloyd kila Allen na nagpalingon din kay Joe.

None of your business. Matigas na sabi ng Alien. Nakita ko namang nag-iba ang expression ni Lloyd kaya nagsalita na ulit ako.

Sige na, Lloyd. Umuwi ka na rin. Sabi ko. Malapit lang naman ang bahay nila Lloyd at di na niya kailangang umuwi sa condo niya sa Manila.

Oo nga naman, kuya Lloyd. Idaan mo nalang din si Joey kangaroo. Sabi ni Anna Faye na nakaramdam na rin. Walang nagawa si Lloyd at umalis na lang. Naiwan kami dito sa labas.

Feb, pasok ka na. Kami na ni ate mo Anna Faye mag-aayos. Halatang pagod at antok ka na. Magpatuyo ka na muna ng buhok bago ka mahiga. Bilin ko kay Febbie na sinunod naman niya. Siguro ay antok na talaga kaya di na kumontra.

Bye, mga kuya. Bukas nalang ulit. Tulog na ko, mga ate. Paalam niya bago pumasok.

So, saan naman kayo matutulog? Nakapagbook na ba kayo sa hotel? Hatid nalang namin kayo sa hotel pero di ako sure kung may available na room. Start na kasi ng holy week bukas. Sabi ko sa kanila.

Di niyo ba kami aalukin na dito matulog? Sabi ni Harley.

Kahit di niyo kami alukin, dito talaga kami matutulog. Nasabi na namin kila tito. Kaya wala na kayong magagawa. Umawang naman ang bibig ko at ni Anna Faye sa sinabi nila.

Sabi ni tito William, you have three vacant rooms daw para sa guests pero mas magulo kung maghihiwalay kami dahil di kami magkakasundo kung sino ang magkakasama at mas gusto na magsolo kaya sinabi ko nalang na we will use one room nalang. Di naman sila makapagdecide kung sino sa lapag at sa kama kaya sabi ni tito ay sa attic nalang kaming lahat at pare-parehas na maglalatag. Paliwanag ni Zeke.

Okay. Don't worry, malinis yung attic. Dun din kasi kami madalas tumambay. Maglinis nalang muna tayo para masamahan namin kayo dun. Sabi ko at nagpatuloy na sa paglilinis. Tumulong naman sila ng walang imik.

Kinuha ng mga boys ang gamit nila sa kotse ni Zeke bago pumasok sa loob.

Prepared talaga kayo, huh. You can use the bathroom dito sa may sala, meron din yung mga rooms sa taas, yung first three rooms sa left mula sa stairs. Maliligo nalang din muna kami. Magkita nalang tayo sa stairs na yan. Paakyat yan sa attic. Turo ko sa isang stair bago umakyat para makaligo na din at makapamalit ng damit pantulog.

Kinatok ko naman si Anna Faye paglabas ko at nakita kong naroon na nga ang mga boys sa hagdan paakyat ng attic.

Pinalatag ko sa kanila yung king size foam at kumuha kami ni Anna Faye ng bed sheet para masapinan na yung foam. Naglabas din si Anna Faye ng 10 unan at isang malaking comforter.

Paki-cover yung mga unan. Utos ko sa kanila at ihinagis ang mga pillow case sa kanila.

Pasensiya na kayo. Di naman kasi namin akalain na pupunta kayo. Pasurprise surprise pa kasi si Febbie, kayo tuloy ang gumagawa niyan. Paghinging pasensiya ko dahil imbes na magpahinga ay hayan at napapagod pa sila.

Okay lang. Sinabi ko talaga kay tito William na kami na ang bahalang mag-ayos at huwag na nilang ipaayos. Tutol pa ang papa niyo pero sinabi ko nalang na it is better. Kaya wala na siyang magawa. Isa pa, kami din naman ang may gusto na dito sa bahay niyo tumuloy. Paliwanag ni Zeke.

Nakikita ko namang nag-iiwasan ang dalawa. Lalo na si KC. Kung kanina sunod siya ng sunod kay Anna Faye, ngayon ay parang may sakit si Anna Faye kung makalayo siya. Pansin nang lahat yun ngunit ipinagsasawalang bahala nalang.

Fall For Me, AllenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon