Kabanata 37: Gold Attendance

11 3 0
                                    

ZEKE'S POV

Tulad ng napag-usapan ay maaga kaming narito, six palang ng umaga ay pumasok na kami agad sa loob ng simbahan at sinalubong naman kami ni Father at ng ibang mga taong nagseserve sa simbahan.

Good to see you, boys. Antagal niyo ring di nagpapakita sa amin. Tinatakasan niyo yata ako, pagkakaalala ko naman ay naging mabuti naman ako sa inyo. Bungad ni Father. Nagsimano muna kaming lahat sa kanya.

Napakasama niyo nga po Father. Pati kulay ng buhok namin ay pinapalitan niyo ng itim. Mabait ba yun, Father? Sabi ni kuya Harvey. Kalokohan talaga nito.

Oo nga naman Father, pati na yung paglalagay namin ng condom sa pitaka ay pinapaalis niyo. Wala namang masama doon. Gatong pa ni kuya Clarence.

Anong walang masama? Nasa rules yan ng school. ang mga batang ito talaga, antatanda niyo na. Ganyan parin kayo! Sermon ni Father sabay tawa.

Di pa kami matanda, Father. Kayo lang po ang matanda. Hahahahaha. Tawa pa ni Calvin.

Bastos talaga ang batang ito. Tama na nga iyan at ito ang mga readings for today, tatlo lang ang kailangan ko pero lahat kayo'y sa harap parin naman mauupo. Sino ba ang magbabasa? Tanong ng pari na sinagot naman aga ni kuya Harvey.

Si Kuya Mark, Zeke, at Allen. Sila po Father. Napalingon naman kaming tatlo nila Allen at kuya Mark sa kanya.

What? Kokontra kayo? Balik tanong niya.

Oo na, mas magandang kaming tatlo nalang. First na ko, second ka na lang Allen at ikaw na sa Prayer of the faithful, Zeke. Sabi ni kuya Mark.

Good. Sundan niyo nalang ang mga ito. Para alam niyo kung kayo na ba ang magbabasa. Nga pala, maganda ang bulaklak na naipadala niyo. Sana naman ay mas mapadalas ang punta niyo dito sa simbahan. Sige na, mauuna na ako at maghahanda pa ako para sa misa. Maiwan ko na muna kayo. Sabi ni Father at nagtungo na nga sa maliit na silid para makapaghanda na. di naman nagtagal ay dumating na sina daddy at dala-dala ang mga offer para sa misa. Pinaglalaanan talaga namin ng oras ang ganitong mga bagay, I mean sila mom lang talaga ang Linggo-Linggong nagsisimba. Madalas ay di na kami nakakasama.

Nagsimula naman ang misa ng payapa. Tulad nga ng napag-usapan ay kami ang nagbasa ng mga reading sa simbahan. Ngayon naman ay oras na para sa offering. Isa-isa kaming pumila sa aisle at napansin kong nagsisiksikan naman ang mga babae para lang makasunod sa pila namin. Mabuti nalang naman at natapos agad ang offering. Ngayon naman ay ang peace be with you. Napakarami na namang nakakairitang mga babae na halatang nagpapacute, alam kong masama ang mainis sa loob ng simbahan pero masama rin naman ang lumandi kaya nag-iwas nalang ako ng tingi. Hanggang sa matapos ang misa ay nag-uunahan ang mga babaeng sumunod sa amin lalo na nang paglabas namin. Nang paglabas namin ay naririto na ang mga taong makikipagmisa sa second mass kaya naman nagmadali na kami sa pagsakay sa kanya-kanyan naming kotse.

Nagtuloy na ako sa opisina dahil may mga naiwan akong papeles for approval. Malamang ay kahit ang mga ugok ay sigurado akong pumasok na din sa opisina. Magpapasundo pa sa akin si mommy sa supreme court before lunch. Doon na kasi siya didiretso after ng mass. May hearing kasi ang isa sa mga kasong hawak niya at ako ang inutusan niyang sumundo sa kanya. That is why I chose business over political science. Ayokong maobliga sa gobyerno at malagay ang buhay sa alanganin, lalo na ang magiging sarili kong pamilya.

Pinirmahan ko ang mga pending documents sa opisina ko bago ako lumabas para sunduin si mom at ihatid sa bahay. Pahinga kasi ang gusto niyan after her trials. They asked me to have lunch pero I declined. Ako lang kasi ang absent sa hapag ngayon. Madalas kasi sa ganitong panahon na pagod si mommy ay kumakain kami ng sabay-sabay pero wala ko sa mood ngayon.

Tumambay nalang ako sa bar at doon na nananghalian. Pagdating ng alas singko ay nandito ang mga animal. As in lahat sila, pati yung mga gurang. Everytime talaga na nandito si kuya Harvey ay madalas kaming tumambay dito sa bar at panay party.

Fall For Me, AllenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon