Kabanata 36: Welcome Back, Harvey!

26 5 2
                                    

ALLEN’S POV

Kumpleto kaming lahat ngayon dito sa garden ng bahay nila Harley. Nagpawelcomeback party kasi si kuya Harvey. Wala pa namang sinasabing kalokohan ang mokong pero nag-aalala parin kaming lahat, lalo na kay tito Harold.

Thank you, titos and titas for coming. Sa pagwewelcome sakin. So happy to see you all again. Sa mga kulitis na to, mamaya na lang yung mga pasalubong niyo. Panimula ni kuya Harvey.

Harvey, wala ka nang kalokohang dala huh? Sigurado ka ba? Biro sa kanya ni tito Ken, KC’s dad.

Grabe kayo sakin, tito. Lahat kayo ganyan ang tingin sakin. Oh, wala na ngang kalokohan. Yeah yeah, alam ko na, baka atakihin na naman si dad. Hahaha. Panay kain kasi yan eh. Biro pa nito.

Tigilan mo ko, Harvey. Lagi mo kong pinagpuproblema. Siguraduhin mo lang na wala ka na namang baong kalokohan dahil talagang isasama kita sa bangkay ko pagnagkataon, animal ka! May pagbabantang sabi ni tito Harold na ikinatawa naman naming lahat.

Tama na yan. Magsikain na nga tayong lahat. Mga kumare at kumpare, let’s have a dinner. Sabi ni tita Hannah. Kaya naman yun nalang ang ginawa namin at nagsikain na. Nag-open ng topic si mommy habang kumakain kami.

How ‘bout Clarisse? Kailan siya uuwi, Claire? Tanong nito sa mommy ni KC.

Ewan ko nga sa kanya. Alam niyo naman yun, mas mahalaga pa ang mga pasyente kaysa sa pamilya niya dito sa Pilipinas. Sagot naman ni tita Claire.

Oo nga. Miss na miss ko na ang dalaga natin. Alam mo namang panay mga abnormal na lalaki nalang ang kasama natin. At nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni tita Rhian, Calvin’s mom. Pero kami ay napabusangot.

Oo na, ako ang umuwi pero si Clarisse hinahanap niyo. Ganyan naman kayo. Sanay na kami, diba? Sabat naman ni kuya Harvey na naghanap pa ng kakampi samin na tinanguan lang namin.

Pero, seryoso nga. Sana magbakasyon naman na sila. Para makapagbonding na tayo lahat. Namimiss ko na din ang nag-iisang apo natin. Tong mga unggoy kasi, di pa magsi-asawa. Kailangan na namin ng mga apo. Biro ni tita Hannah.

Nung nagsabi akong magpapakasal ako parang tutol kayo tapos ngayon, sasabihan niyo kami ng ganyan. Baka naman? Sabat ulit ni kuya Harley, sinapak nga ni tita Hannah sa balikat.

Baliw ka kasi! Less than two weeks namin nalaman na ikakasal ka na, pagkatapos nung malapit nang matapos ang lahat, sasabihin mong di na tuloy dahil break na kayo? Ano ba namang pag-iisip yan, Harvey? Kung di lang kita anak, baka patay ka na ngayon. Sermon ni tita kay kuya Harvey.Natahimik naman ang mokong kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

Aray! Yun lang ang sabi niya sabay hawak sa brasong hinampas ni tita. Napatanga naman kaming lahat, seryoso kasi ang mukha niya. Kaya ayun, sinapak pa ng sinapak ni tita.

Mom, tama na. brutal ka talaga! Aw! Aray! Iwas ni kuya Harvey kaya naman napuno na ulit ng tawanan ang lamesa. Kahit si tito Harold ay tawang-tawa na din.

Dumiretso na kami lahat sa kwarto ni kuya Harvey matapos ang hapunan. Oo, lahat kami. Kahit sila mommy at daddy para na nga kaming sardinas. Mabuti na lamang at maluwang ang kwarto at malakas ang aircon.

Ano na? Pinapunta mo pa kami rito. Baliw ka talaga. Sabi ni Kuya Mark kay kuya Harvey.

Mas baliw kayo? Ba’t kayo sumunod kung di kayo baliw! Tsk. Oh, heto na. Mauna ka na, atat ka eh. Naku kuya Mark! Sabi pa nito kay kuya Mark.

Kinuya mo pa ko napakabastos naman. Hahaha. Tawanan na naman kaming lahat.

Organizer? Pwede na rin. Sabi ni kuya Mark pagkabukas ng regalo.

Fall For Me, AllenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon