Kabanata 16: Unforgettable First Date/ Faith vs. Yuri(Round 2)

30 3 1
                                    

Allen's POV

5:50 na at papunta na ko sa unit ni Faith. Bakit ko siya inayang magdate? Ewan ko. Pampalipas ng oras? Siguro. Pero kadalasan naman pag ganitong di hectic ang sched ko natutulog ako o kaya sa gym. Bakit ko nga ba siya inaya? Ah! Alam ko na. Siguro kasi girlfriend ko nga, at wala pa kaming date na plano talaga namin bukod sa mall at Jollibee na si Harley ang may kagagawan.

Saan ko nga ba siya dapat dalhin? Kakain na lang muna siguro kami. Bahala na kung saan kami dalhin ng sasakyan at mga paa namin.

5:58 nasa unit na niya ko. Nagdoorbell na ko sa kwarto niya. Antagal naman bumukas. Nagdoorbell ako ulit. Ang tagal talaga eh. Baka mamaya makita pa ko ni Yuri dito. Katapat na katapat pala talaga ng room ni Faith ang kay Yuri.

Allen? Sabi ko na nga eh. Ayan, si Yuri na nga. Nakita na nga niya ko.

Oh, Yuri? Wazzup?-ako yan na parang hindi ko naisip na mangyayari to.

I miss you! Aakapin niya sana ako ng may humila sakin mula sa likod ko at...

Hinalikan ako sa LIPS??? Pagharap ko...

Faith!-ako yan na wide open ang mata.

Oooppps. Sorry naistorbo ko ba kayo? Hi, Yuri! Si Faith at bumeso pa kay Yuri.

Sorry hon, ai! yung lipstick. Sorry! Kumalat sa lips mo eh. Si Faith at pinunasan pa yung lips ko. Anong nasa isip ng babaeng to? Gumawa pa tuloy kami ng eksena sa harap ni Yuri.

Hon, ano? Papasok na muna ba ko para makapag-usap kayo o papapasukin ko kayo sa sala at ipaghahanda ng merienda para makapag-usap kayo ng mas maganda o aalis na tayo o magpapalit na ko ng damit at matutulog na lang? Ano, hon? Pili ka? Andaming choice. Isa lang naman pipiliin mo. Dali! Napakamainipin ko pa naman. Isa, dala---pinutol ko siya.

Tara na. Bye, Faith.-ako sabay hila na agad kay Faith. Iba na timpla eh.

Pagsirado ng elevator hinila niya agad yung kamay niya.

Bakit mo ko hinila? Akala ko si Yuri na ang ka-date mo. Sorry ah, wrong timing yug paglabas ko. Pati yung eksena kanina. Nakakahiya kasi sa inyo ng EX MO eh.-Faith na ini-emphasize pa ang EX KO daw. Selos ba yung naamoy ko sa mga sinasabi niya. Iba na talaga ang taga-outer space. Napangiti nalang ako unconsciously at napailing.

Yan na ba yung tinatawag na...

SELOS????-Ako yan na ini-emphasize rin ang saltitang SELOS na nang-aasar pa.

What??? Ang kapal mo naman.-siya sabay sapak sa braso ko. Tuloy-tuloy lang sa hampas.

Aray! Ui, tama na. Aray! Haha. Aray! Tama na. Haha. Ui, selos! Selos!-ako yan na tawa ng tawa.

Nakakainis kang alien ka. Feeling! Feeling!-siya.

Sabing tama na eh. Ayoko na.-ako yan at hinawakan na ang kamay niya. Napatitig ako sa kanya.

Ting! Nagtititigan kami.

Uhm! May umubo sa gilid. Bigla naman kaming napabitaw sa titig sa isa't-isa. At binitiwan ko din siya. Diretso labas kami at di na tumingin sa mga tao.

Kainis ka talaga! Nakakahiya lalo! Kainis ka!-Faith at nauna nang maglakad ng padabog.

Hon, hintayin mo ko! Sinigaw ko talaga yan. Haha. Bakit ba? Nage-enjoy ako eh.

Binilasan naman niya lalo yung lakad at tinakpan pa yung tenga. Ang cute ng mangkukulam na to. Haha. Hinabol ko nalang siya at hinawakan ang kamay niya. Sinakay ko na siya sa kotse.

Bakit mo ko pinagpula? Dahil ba sa nakapula ka din? Ang sakit natin sa mata. Para tayong magboballroom.-Faith na kunot-noo.

Napaka naman nitong hon ko. Hindi yun ang dahilan. Nataon lang na eto yung nakita ko sa damitan ko na matagal ko na palang di ginagamit. Baka maluma sa closet ko eh.-Allen. Yun nga ba? Di ko pa nga nagagamit tong longsleeve na to eh. Regalo ni mommy nung nakaraang linggo lang. Miss na daw niya ko kaya binilhan na lang niya ko ng damit tutal di na daw ako nakakasama sa mga lakad niya. Walang kapatid eh. Pero bakit di yun ang sinabi ko?

Fall For Me, AllenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon