Kabanata 14: Yuri Ikumi vs. Faith Cinderella(Round 1)

25 3 0
                                    

Okay! This is it. Eto na talaga ang tunay na simula ng trabaho ko!

Faith Cindy! Kaya mo yan!

5:30 palang aalis na ko sa condo ko. Masyadong maaga pumasok si boss eh. Tsaka kailangan ko pang alamin lahat ng sched niya, ayusin ang papers sa table niya, tawagan lahat ng dapat tawagan, at kape niya. As a secretary diba dapat lang naman na dalhan ko siya ng coffee bago siya pumasok? Ang problema di ako sure sa flavor. Ayoko namang magtanong kila Harley. Mang iinis na naman yung mga yun eh.

Bahala na.

Binuksan ko yung pinto at... Tada... Si Yuri "yari ka" ang bumungad sakin.

Oh! hi, Faith?-Yuri.

Hello! Good morning!-ako.

Work?-Yuri.

Yeah. How 'bout you?-ako.

Jog/walk lang. Exercise.-Yuri.

Di halata sa attire niya. Ang iksi lasi ng shorts eh. Tapos labas dibdib pa ang damit. Parang sa beer house siya papasok eh.

Ah, sige una na ko.-ako.

Di ka susunduin ni Allen.-Yuri. Chismosa pala tong babaeng to.

Ah, busy eh. Pagod. Ayokong maka-istorbo.-Ako. Bwisit kang babae ka.

Hon! Napalingon ako ng may sumigaw ng hon. Si...

...Allen ba yun? Ghad! Siya nga.

Mas kinagulat ko pa ang pagkiss niya sa cheeks ko. Sorry kung pinaghintay kita hah. Tagal ko kasi sa kwarto eh. Tumawag kasi yung kameeting natin mamaya. Haha.-Allen. Na-amaze ako dun. Angaling niya mag imbento eh.

Ah, I thought di mo na ko masusundo. Alam ko namang pagod ka eh.-ako na pahaplos-haplos pa sa mukha ni Allen.

Matitiis ba naman kita? Sabay kindat. Wew. Galing talaga magsinungaling. May lahi ba tong artista?

So, ano? Let's go?-Allen.

Tara. Umm. Bye, Yuri. See yah around!-ako na nagwewave pa ng kamay. In a bitch way.

Nakita ko namang umikot ang mata niya bago siya pumasok ulit sa koob ng condo niya. Haha. Know your opponent better. Kung bitch ka, mas bitch ako

Pagkasakay namin sa kotse niya tinanong ko agad siya.

Ano yung mga palabas mo kanina. May pakis-kiss ka pa diyan ah.-ako na nagsusuot ng seatbelt.

Nag-enjoy ka din naman. Pasalamat ka nga dumating ako. Alam ko namang ako yung usapan niyo. Haha.-Allen.

Feeling. Oo na, ikaw na usapan. Sabihan mo nga siyang wag akong sasalubungin pag labas ko. Nasisira ang angel image ko eh. Tsaka, ganun ba talaga siya mag-jogging? Walang takot. I mean walang awa sa makakakita. Kung ako nga naumay eh, sila pa kaya? Tsaka wag niya kong paandaran sa peke niyang boobs na alam kong gawa lang dahil nangingintab.-ako na umuusok na yung ilong.

Bago niya pinaandar yung kotse tumingin muna siya sakin at sinabing...

Pumapanget ka pag nakakunot ang noo mo. Ano ba, kalma. Huwag kang magalala mas sexy ka dun. Haha. Mas payat pala. Haha.-Allen monster. Tinabig ko nga yung kamay niya. Payat. Payat. Lalo niya lang sinira ang araw ko eh.

Haha. Sabing wag kunutin yung noo eh. Haha. Oo na, kahit payat ka na, sayo naman ako.-Allen.

What??? Anong----.he cut me.

Siyempre pseudo gf kita diba. Alangan naman di kita kampihan.-Allen.

Ah, oo na. Oo na.-ako.

Sobrang aga mo naman. Di ko pa naaayos yung table at sched mo for today.-ako.

Fall For Me, AllenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon