Dumiretso kami sa Condo na sinasabi ng boss ko.
Hindi na muna binaba ni Lloyd ang gamit ko. Mamaya na lang siguro pag may nagustuhan na ko sa room, kung papipiliin pa ko ng boss ko.
Pagdating namin sa lobby ng hotel nandun na at naghihintay si Boss Allen. Di na naman maipinta ang mukha ng demonyo.
Pagkatapat na pagkatapat ko sa kanya nagsalita at sinabing "sa room 614". At nauna nang maglakad papuntang elevator. Siyempre nakasunod naman kami ni Lloyd.
"Ipadala mo na yung gamit mo sa room mo."-Allen
"How dare you! Di mo man lang ako hinayaang mamili? Ikaw na nga namili kung anong Condominium pati ba naman yung kwarto ko mismo? Nasa Pilipinas pa ba ko? Bakit parang wala namang demokrasya dito? Ano?ha?magsalita ka?"
Napalingon naman ako kay Lloyd at halatang halatang nagpipigil ito ng tawa. Inirapan ko nga. Isa pa to eh.
Nagtaas ng kamay si Allen at sinabing "easy! Lumalaki yung butas ng ilong mo.haha. wag kang mag alala hindi ka naman na lugi sa napili ko eh. Kesa naman magtagal pa tayo sa pamimili. Ayan na. Tada! Meron na. Dapat nga magpasalamat ka pa."-Allen.
Aaaaahhhh.... Nakakainis ka. sigaw ko sa kanya. nanahimik na lang ako at humalukipkip.
pagbukas ng elevator lumabas ako agad agad at hinanap ang room ko daw. pagtapat ko, binigay nung bellboy yung card ko.
Sinuksok ko naman agad at pumasok na.
Oh!-yan ang naging reaksyon ko. Sumingit ang asungot at nagmayabang.
Ano? Bilib ka naman masyado sa taste ko. Sa pamimili lang naman ako sayo nagkamali. Ba't nga ba kita napili, by the way? -Allen.
Ang kapal mo.-ako.
Infairness ang ganda ng condo.(picture on the side) hindi narin ako lugi sa choice niya. ang galing nga hindi siya manly. Ewan ko ba pero bet na bet ko yung design. Pati yung mga naka sabit sabit at furniture? Pili noya kaya talaga to? Parang ang boring niya kasi. Eh itong room parang hinding hindi ka nga maboboring.. Daming mabubuting-ting.
Princess, ui, papaakyat ko na ba yung gamit mo? Natulala ka na ata sa ganda ng kwarto eh. Nagseselos na ko ah.-Lloyd.
Ungas. Sabay batok ko kay Lloyd.
Oo na paakyat mo na.-Akolumabas saglit si Lloyd at pinaakyat yung gamit ko.
Dito ang pinakamalapit na condo sa office. Wag kang mag alala, kila Harley ang Condo na. Pag nakita mo siya diyan sa tabi tabi at nilandi ka, wag mo nalang pansinin yung tarantadong yun. Wala na naman kasing mapagtripan ang mokong. -Allen.
Speaking of the devil. pumasok na nga si Harley.
Hoy, Allen Alien. Ano na namang pinagsasabi mo dito kay ganda. Witwew. Sinisiraan mo na naman ako.-Harley
Lumapit siya sakin at hinalikan na naman yung likod ng palad ko.
Bigla namang may umubo sa likod ko. Si Lloyd. Tumabi naman ako kay Lloyd.
Si Mr. Harley dela Cruz. May ari nitong condominium. At business partner ni Sir. Pakilala ko kay Harley.
At si Lloyd. Kababata ko. Pakilala ko naman kay Lloyd.
Nagkamayan naman sila.
Are you, somehow, related to Mr. Henry dela Cruz.-Lloyd.
Yeah. He is my dad. Why?-Harley.
We are business partners, too. We are the suppliers of furnitures sa mga hotel at condo ninyo.-Lloyd.
Ah, I see. Nice meeting you.-Harley.
BINABASA MO ANG
Fall For Me, Allen
Novela JuvenilNainlove siya sa maling tao at minahal niya ito kahit may mahal na siyang iba Samantalang mayroon namang lalaking naghihintay noon pa man ay mahal na siya Ipagpapatuloy kaya ni Faith ang pagmamahal kay Allen o hahayaan na lang niyang mapunta ito kay...