IV

15K 424 13
                                    

ALEC

"Mabuti naman at magkakilala na kayo," pagputol ni Kuya Alfred sa katahimikan. "Ituloy niyo na 'yan. Mas gaganda ang performance niyo dahil may tiwala na kayong nabuo sa bawat isa."

"Hindi naman tagala kam—" Sinubukan kong ipaliwanag pero napatigil ako ng magsalita ulit si Kuya.

"Wag na paghintayin ang camera. Kilos, bilis," utos niya.

Wala na akong nagawa. Nilingon ko si Ate Vanessa na kinindatan na lamang ako. Pati siya, sumang-ayon kay Kuya.

Lumapit ako kay Luke. Pinagmasdan niya lang ako. Di pa rin siguro makapaniwalang ginagawa ko ito ngayon. Ako na ang kumilos.

Ipinaghiwalay ko ang dalawa niyang binti at lumugar sa pagitan. Nanlambot na sa mga oras na ito ang ari niya kaya kailangan ko nanaman laruin upang mabuhay.

Naiilang ako sa mga titig ni Luke habang tinatrabaho ko siya.

"Bakit ka ganyan makatingin? Di ka pa makapaniwala?" mahina kong sabi.

Napalunok lang siya. Sinamba ko na ang matigas niyang pagkalalaki. Hinigpitan ko ang butas ng bibig ko at sinipsip ang ulo. Dinilat-dilatan ang gilid habang hinihimas sa isang kamay ang kanyang mga bola. Binilisan ko ang paglabas-pasok ng ari niya sa bibig ko.

Gumapang ang isa niyang kamay sa ulo ko at hinihimas-himas naman ang sariling katawan gamit ang kabila. Nagsimula na siyang umungol. Ungol ng kaligayahan at sarap. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at nilasap ang ginagawa.

Nagulat na lang ako ng pinahinto niya ako sa pagsubo at hinila ako paupo sa upuan niya. Ibinuka niya ang mga binti ko. Walang ano-ano ay dumampi ang mga labi niya sa mga labi ko. Isang daliri ang naglaro sa butas ko habang naghahalikan kami. Ang isa'y naging dalawa, naging tatlo, hangga sa maging apat. Humahapdi kaya't napakagat ako sa ibabang labi niya at umungol.

Napangiti siya sa reaksyon ko. "Masarap ba?"

Tumango ako at hinila palapit ang mukha niya para mahalikan. Di naglaon ay may iba nang pumasok sa butas ko.

Tang ina! Di siya gumamit ng lube o kung ano mang pampadulas! Ngayon ang unang pagkakataon na nakipagtalik ako nang walang gamit na condom.

Nagsimula nang umindak ang bewang niya. Naglabas-pasok ang ari niya sa akin. Masyadong malaki!

Nung una ay masakit pero nang nagtagal ay nagustuhan ko na rin ang sakit na nararamdaman. Marami na akong lalaking nakilala. Sa kanya ang pinaka malaki at mataba sa lahat.

Napayakap ako sa kanya habang humahalik. Sinabunot ko ang buhok sa likod ng ulo niya.

"Di ko alam na ganito ka pala," bulong niya sa tenga ko.

"Na ano? Parang prostitute?"

"Oo."

Pinilit ko pa rin siyang kinausap kahit na napapaungol ako sa ginagawa niyang paglabas-masok. "E 'di naiilang ka na sa akin?" bulong ko. "Itatapon ko na ba yung number na ibinigay mo sa akin?"

"Di mo kailangan gawin 'yon."

Hinila niya paalis ang ari niya at iniba ang pagkakaposisyon namin. Ipinatuwad niya ako sa ibaba at pumatong sa akin. Napapakagat-labi ako kapag ipinapasok niya ang higante niyang kargada sa loob ko.

"Masyado pang maaga para gawin mo 'yon," banggit niya sa tenga ko.

"Mmm... Uhhh... Bakit naman?" Napag-isip-isip kong siya na pala ang kumikilos sa aming dalawa.

"Dahil gusto kita at ang ginagawa mo ngayon..."

Ipinaka baon niya sa puwet ko ang ari niya. Napaungol ako ng malakas. May kung ano siyang natatamaan sa loob ko na nagbibigay ng ibang sensasyon sa akin. Wala pang ibang nakagawa nuon maliban sa kanya. Mas bumilis, mas kumirot. Nakakaasar at biglaan niyang binagalan.

"Bakit mo tinigil? Bilisan mo pa. Please," pagmamakaawa ko.

"Sabi mo eh," tipid niyang sagot.

Tumatagaktak na kami sa pawis. Halos sabay na kami kung umungol. Siya lang ang nasa isip ko. Siya, habang nakapatong sa akin. Siya na kasama kong nagpapakasaya sa mga oras na ito. Nilaro ko ang sa akin kasabay ng indayog ni Luke.

"Lalabasan na ako," mungkahi niya at tinanggal ang ari sa akin.

Malapit na rin ako nang mga oras na iyon. Humiga ako sa sahig. "Gusto kong iputok mo sa katawan ko," hiling ko.

Sabay naming nilaro ang mga ari namin. Nararamdaman ko na ang pagdaloy ng likido sa akin. "Uuugghhh..." Sabay ng pag-ungol ko ang pagsabog ko.

Hinihingal na rin si Luke at namumula na. "Malapit na. Heto na. Uggh. Ughh! Ugggghh!" Marami ang lumabas sa kanya. Pumutok at umabot hangga sa dibdib ko.

Sinenyasan ko siyang lumapit. Mariin ko siyang hinalikan habang parehas na naghahabol ng hininga.

Itinigil na ni Kuya Alfred ang pagkuha ng video. "Good job, Alec! Ang galing niyong parehas! Iba talaga kapag kilala niyo na ang isa't isa!" pagpuri niya.

Nagkatitigan lang kami ni Luke at ngumisi. Naupo na ako at lumapit kay Ate Vanessa.

"Ngayon lang kita nakitang ganun ka-dedicated sa ginagawa mo bunso," bati ni Ate nang inabutan kaming dalawa ng tuwalya pampunas. Si Kuya Alfred naman tuloy-tuloy lang sa pagsasabi ng mga kung anu-ano tungkol sa pagsikat ko sa mundo ng porn.

Nilingon ko si Luke na titig na titig sa dinadaanan namin sa labas. Napagtanto na ata niyang napalayo na kami sa lugar kanina. "Sorry ah?" paghingi ko ng paumanhin.

"Saan naman?" tanong niya at tinitigan ako ng diretso ng mga mata.

Napatingin ako sa ibang direksyon sa hiya. "Ano kasi... Dahil sa lahat ng 'to... Sa pagkuha ng video kasama ka habang alam mo na..."

"Sex? 'Yun ba?" natatawa niyang sagot. "La 'yon, ano ka ba? Sanay na ako. Sayo lang hindi..."

Dahil siguro straight siya at ako ang unang homosexual na nakatalik niya. "Babae kasi habol mo?"

Umiling siya. "Bisexual ako. Matagal na. Ang ibig kong sabihin, ngayon ko lang naranasan makipag-sex sa kapwa lalaki. Alec pangalan mo, di ba?"

Tumango ako. "Ikaw naman si Luke."

Inabot niya ang kamay niya, tipo bang makikipagkamay. Hinawakan ko. Di ko lang inaasahan na hahalikan niya iyon imbes na makipagkamay. Namumula nanaman panigurado ang mga pisngi ko.

"Ano? Pag-usapan na natin ang bayad namin sa 'yo?" pagsingit ni Kuya Alfred.

Lagot! Nangangahulugan na ito na iiwan na namin siya sa lugar na ito. Bukid pa man din ang nasa paligid at parang di dinadaanan ng mga sasakyan.

Napahalakhak si Luke. Nagtinginan kami nila Kuya at Ate Vanessa sa pagtataka.

"Akala niyo ba di ko alam kung sino kayo?" pagsisimula ni Luke. "Bait Bus, tama? Katapos niyo kunan ang mga lalaking napapakagat niyo sa paing niyo, iiwanan niyo sa malayo. Kung ako sa inyo, di niyo dapat gawin 'yon sa isang tulad ko," mahaba niyang bukambibig.

Napahiya si Kuya Alfred, ramdam ko. "Ahh... Di naman sa ganon. Baka pwede natin 'tong pag-usapan at mapagkasunduan?"

"Sige," pagsang-ayon niya.

"Anong premyo o kung anong kabayaran ang gusto mong ibigay namin?" alok ni Kuya Alfred.

"Siya." Itinuro ako ni Luke gamit ang isang daliri na walang pag-aalinlangan.

"Ako?"

"Si Alec?" – Ate Vanessa.

Tumango si Luke. "Gusto kong maging akin siya. Gusto kong mas makilala si Alec."

Natahimik kaming lahat. Seryoso pa naman din ata ang lokong ito. Sa aminin man o hindi, kumakabog ng malakas ang dibdib ko dahil nais ko ring mangyari ang gusto niya.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon