LUKE
Damn it!
Dumating kami kanina dito ng masaya. Yun naman kasi ang actual reason kung bakit isinama ko siya dito – para magpakasaya. KAMIng dalawa. However, um-enter itong si Cardong at nang-agaw ng spotlight!
Hinatid niya kami kanina sa guests' room. Siya na din tumulong sa pagdadalang mga gamit namin. Ang nakakaasar nga lang, nang aagaw ng atensyon!
Buset! Malagkit pa sa kalamay yung tinginan nilang dalawa ni Alec.
Ano bang meyroon siya na wala ako?! Pag nakatalikod, Alden Richards. Only blonde. Right side? Enrique Gil. Only blonde. Left? Daniel Padilla! Only blonde. At front? Grabe! James Reid! Only blonde!
May katawan naman ako. Ultimo si greek god Zeus, nahiya sa mouth watering body ko... Kahit anong anggulo mo titigan, mukhang mabango! At lamang ako ng ilang paligo kay Cardong!
And that name? Cardong?! The eff? Paagnas na! Bwahahaha!
Now tell me. BAKIT MAS NAAAKIT SI ALEC NGAYON SA KANYA?!
Natikman na niya ako. Tingin ko, mas magaling naman ako sa kama kaysa sa ulupong na 'yun! Nakita ko yung etits niya kanina. Pantay lang kami ng size. Mas mataba lang ang sa akin!
Pero Alec! Bakit? Bakit? BAKIT?!
Lumilipad na sa kisame ng dining room ang sandamakmak kong baka. Humigop ako sa tasa ng kape. Di alintana ang init at pait sa sobrang pag-iisip. Kailangan kong masiguradong sa akin lang si Alec sa mga araw namin dito. Delikado na't uso na ang 3rd party now-a-days.
May humila sa upuang nasa kanan ko at lumugar. "Ayaw ka ata dalawin ng antok?"
Si heartthrob Cardong pala...
"Why do you care?" bulong ko.
"Ha? Ano yun?"
Ay! Di pala nakakaintindi ng English ang lalaking ito. Ew. Hahahaha!
"Wala wala. Sabi ko di pa ako inaantok?" palusot ko.
"Tapos nagkakape ka? Ayos ka lang ba? Wala ka namang tama noh?" pansin niya.
Pakialam nya ba?! Naiilang na ako sa taong ito ah?! Any moment baka masapak ko pa siya ng walang kadahilanan...
"Tol, usapang matino... Kaano ano mo yung kasama mo?" tanong niya. Pagmamay-ari ko nanaman ang pinagdidiskitahan! Soon-to-be-mine pala.
"Si Alec? Syota ko siya. Bakit?"
Itinupi niya ang kanyang mga braso sa tapat ng dibdib niya. "Parang hindi naman. Baka ikaw lang nag-iisip niyan..."
Nag-expand ang mga tenga ko sa sinabi niya. Tama ba ang narinig ko? Nakakainit ng ulo ah! "Bago bago pa lang kami kaya hindi pa kami ganun ka-sweet."
"Hindi ba dapat kapag bago kayo doon mas sweet? Saka bago palang? Ibig sabihin may pag-asa pa ako..."
"May pag-asa ka pa???"
"Oo. May pag-asa pa akong maagaw siya sa 'yo." Tumayo na siya't umalis.
Natamaan ko naman ang inumin ko't bumuhos sa mga binti ko. "Aray!"
Hindi ako nagkakamali sa pakiramdam ko. Gagawa pa talaga ng aksyon itong lalaking ito para makuha si Alec?! Gago yun ah... Hindi naman ako papayag sa balak niya!
May the best man win.
ALEC
BINABASA MO ANG
Bait Bus
Genç Kurgu[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...
