ALEC
Nakuha na naming nakapagpahinga. Nagpalit lang ng suot si Cardong tapos naglibot na kami. Nakabuntot naman sa likod naming dalawa si Luke. Ang bigat ng mga paa niya. Nagdadabog siya na parang bata. Lumilipad tuloy yung buhangin sa mga paa namin.
Nairita ata si Cardong kaya sinita na niya. "Pre? Sinasadya mo na ata eh. May problema ka ba?!"
Baka magkagulo kung hahayaan ko lang sila. "Ay, Cardong. Pabayaan mo na lang... Konting pasensya lang ha?" sabi ko. "Buti pa. Mauna ka na maglakad. Kakausapin ko lang sandali ito."
Kumalma na ang isa at nauna na nga. Nilingon ko si Luke at piningot. "Inaano ka ba ha?!"
"Masakit ano ba?!" reklamo nia at tinanggal ang pagkakahawak ko sa tenga. "Nagseselos nga ako oh!"
"Bakit ka naman magseselos kay Cardong?! Magkaibigan nga lang kami..." sumbat ko.
"Di mo kasi alam... Basta ayaw kong lumalapit ka sa kanya. Saka yang mga mata mo, dapat ako lang at ang katawan ko lang ang pinagnanasaan..."
May topak nga ang isang ito...
"Kaibigan ko nga lang siya!" diin ko.
"Puwes..." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at naglakad na. Napasunod ako. "I'll make sure na hangga kaibigan nga lang kayo!"
Nakahabol kami kay Cardong at ipit nanaman ako sa gitna nila. Ayaw bitawan ni Luke ang kamay ko. Napapadampi naman ang kamay ng Cardong sa kabila ko. Ugh! Nakakaurat lang eh... Di ako nag-eenjoy!
"Kita mo yon, Alec?" turo ni Cardong sa isang bangka sa dagat. "Yun ang bangka ni Mang Saydon. Siya yung pinaka magaling na mangingisda sa mga kalalakihan. Mahigit korenta na siya at hindi lang isda ang napipingwit niya, pati babae."
Napanood namin tumalon sa dagat si Mang Saydon na may dalang sibat. Pagka ahon ay puno na ng isda ang sibat niyang bakal.
Sunod naman ang isang malawak na hardin na puro prutas at gulay. Mayayabong sa bunga ang mga halaman at puno.
"Ito ang hardin ni Nona Demitre. Sa lahat ng tumandang dalaga, siya lang mabait at mapagbigay. Mahal na mahal niya ang mga tanim niya't kailan man ay di pinabayaan ang mga ito." ani Cardong.
"Mga bata!" wika ng isang matandang babaeng malusog ang pangangatawan.
"Nona Demitre!" Unang nagmano si Cardong bago kami. "Sila po ang mga kaibigan ko. Mula po sila sa syudad at nagbabakasyon po rito."
"Halikayo. Hinog na ang bunga ng mga mangga ko. Tulungan niyo akong mamitas at uwian si Roti ng mga bunga..." anyaya niya.
Pinuntahan namin ang manggahan ni Nona Demitre. May kinuhang hagdan si Cardong at siyang umakyat sa puno. Si Nona Demitre naman ay tumawag ng iba pang tao para mamitas.
"Gusto ko ring subukan!" ika ko.
"Kaya mo ba? Umakyat ka diyan sa hagdan at aalalayan kita..." sani ni Cardong.
"Tumigil ka nga Alec! Baka kung ano pa ang mangyari sayo!" pag-aalala ni Luke.
Hindi ko siya pinakinggan at naglakas loob nang akyatin ang puno. Ang taas ko na sa lupa. Abot kamay lang ang mga bunga!
"Alec." Inabutan ako ni Cardong ng isang bayong. Tag-isa kami. "Paramihan tayo ng makuhang mangga. Ang matalo may parusa!" aya niya.
"Sige ba." Pagkasabi ko nun ay pumitas na kami.
Kuha lang ako ng kuha. Basta may makita kukunin ko kaagad. Inaagawan ko pa nga si Cardong eh. Napapangisi na lang siya kapag ganun.
Nasa bandang kalahati na ang napupuno ko. May isang bunga sa mas mataas na sanga. Malayo layo ng konti. Nagbalanse ako patayo sa tinutuntungan ko para maabot ang mangga.
"Wag na yan, Alec." sabi ni Cardong.
Bakit wag na? Siya kukuha? Ayoko nga!
"Alec, mag-ingat ka!" sabi ni Luke.
Oo, alam ko ang gagawin ko... Itinaas ko ang dalawa kang kamay at sinubukang abutin ang bunga. Masyadong mataas. Ay hindi... Konti pa... Konti pa... Malapit na... Ayun! Nahawakan ko din!
Isang mabilis na tunog ng pagkabali ng sanga ang narinig at ang sumunod ay nahuhulog na ako pababa. Natuyo ang lalamunan ko't walang boses na lumabas sa pagsigaw ko.
"ALLLEEEEEEC!!!" magkasabay na sigaw ng dalawang lalaki. Nakita ko pang tumalon pababa si Cardong.
Napapikit na lang ako sa takot. Darating na yata ang kamatayan ko. Niyakap ko ang sarili ko, ang mabilis na tibok lang ng puso ko ang naririnig.
Walang sakit na bumalot sa anu mang bahagi ng katawan ko. Hindi na ako nahuhulog at mas hindi pa ako patay! May dalawang brasong sumalo sa akin.
Minulat ko ang mga mata ko nakita ang kinakabahang mukha ni Luke. Iniligtas niya ako... Nasa damuhan na ngayon ang sanga ng mangga na bali sa dalawang piraso...
"Wag mo na gagawin iyon ulit! Tinakot mo ako!" sigaw niya. "Akala ko mawawala ka na sa akin!"
Bumungisngis lang ako at ipinakita ang hawak. "Sayo na itong mangga ko..."
"Nakuha pang magbiro!" sita niya. Ibinaba na niya ako't umalalay sa aking pagtayo.
"Ayos ka lang ba?" Kabang kaba din itong si Cardong sa nangyari. "Wala bang masakit? Eh kung umuwi na lang tayo?"
"Mabuti pa nga." irap ni Luke.
"Hindi!" pigil ko. "Gusto ko pang makita ang buong baryo..."
"Muntikan ka na masaktan... Tama na..." pilit ni Luke.
"May punto si Luke..."
"Pero hindi ako nasaktan, kaya please... Promise ko hindi na ako gagawa ng kahit anong ikapapahamak ko..." pangako ko sa kanilang dalawa.
Nakuha naman nilang maawa at napatango na lang. Kahit isang pagkakataon man lang, nagkasundo rin sila...
"Mga bata! Anong nangyari? Nakadinig ako ng pagsigaw..." Napatakbo sa amin si Nona Demitre.
Ipinaliwanag namin sa kanya ang lahat at siniguradong wala akong natamong kahit anong sugat o pilay. Kinuha na ni Cardong ang mga bayong ng mangga sa puno at iniabot kay Nona Demitre. Binigyan naman niya kami ng iilan sa isang malaking supot kapalit ng pagtulong.
"Nga pala, Alec..." pagsisimula ni Cardong. "Talo ka sa paramihan natin. Napuno ko ang sa akin..."
Nyay. Ako pala ang mapaparusahan mamaya. "Osige..."
"Saan na tayo ngayon?" tanong ni Luke na kunware wala siyang narinig.
"May alam ako lugar na magugustuhan niyong dalawa at makapagpapahinga tayo..." presenta niya.
Umakbay si Luke sa akin, tinitiyak na wala nang disgrasyang maaari kong makuha.
Dumaan kami sa gubat at madulas na batuhan. Umaantabay pareho sila sa akin. Para tuloy akong may body guard nito...
Tirik ang araw at sobrang init. Masarap maligo nito sa dagat o basta maglublob sa tubig. Ang init naman... Kahit nasasalilungan na kami ng nagtataasang mga puno, mainit pa rin dala ng hangin at singaw ng lupa.
"Narito na tayo." sabi ni Cardong.
Dinala niya kami sa isang lawa na may talon. Tila naging kasagutan ito sa ninanais ko kanina. Yung magbabad sa tubig.
Malinaw ang tubig. Nakikita ang maliliit na isdang lumalangoy sa ilalim. Bulaklakin pa ang mga halaman sa paligid na nakakadagdag sa ganda. Sakto lang din ang liwanag ng araw sa lugar na ito. May iilan ding kabataan na nagtatampisaw na sa tubig.
Iniikot ko pa ang mata ko sa paligid at ninanamnam ang ganda ng lawa. Ang hindi ko alam, iniwan na ng mga lalaking kasama ko ang mga damit pang-itaas nila sa batohan at tumalon na sa tubig.
Andaya! Iniwan ako!
Nag-unahan silang lumangoy dalawa papunta sa talon. Maganda at nagkasundo na sila't sa wakas ay magkaibigan na din.
Wala nang hubad hubad! Sumunod na din akong tumalon sa malamig na tubig.
----------
A/N: Oooh... Sarap siguro mag-outing ngayon noh? Hahaha. Ibayong ingat lang po sa lahat dahil Friday the 13th ngayong araw. Okie, okie. I need feedbacks people. Tenkyufoberimats! xoxo~

BINABASA MO ANG
Bait Bus
Ficção Adolescente[1st Book of The Sex Drive Series] Samahan si Alexis Laroza, mas kilala bilang Alec, isang bisexual na prostitute na nagbo-blow job, tinitira at nagpapatira sa mga lalaki at tunghayan kung papaano niya natagpuan ang tunay na kahulugan ng pagmamahal...