XXXVII

5.7K 174 7
                                    

LUKE

"Sayang naman kung iiwan niyo din pala lahat ng ito pagkatapos niyong lumipat." mungkahi ni Bobby.

Manghang mangha kami sa kagandahan ng loob ng bahay nila Brent. Kwarto pa nga lang niya, parang bahay na mag-isa.

"Ayaw naman talaga ng parents ko. Pero simula noong nakarinig kami ng putok ng baril mula sa kabilang bahay – which turned out to be Alec's house, wala nang isip isip pa. Nagdecide kaagad sila Mom na lumipat kami." paliwanag ni Brent.

Naupo siya sa harap ng computer niya na dinaig pa ang LCD television sa laki ng monitor. Sinimulan na niya ang pagtatype ng mga codes. Kilala bilang professional hacker si Brent sa university namin nung high school. Kaya niyang i-crack kahit ang pinaka mahirap na code just within a minute.

Mahangin siya, no doubt. Pero may utak pa rin na natitira sa ulo.

"Saan na nga pala ang parents mo?" pagtataka ko.

"Lumipad pa-abroad nanaman. Australia this time. Nagpaiwan ako." sagot niya nang tutok sa monitor ang mga mata.

Nanuod lang kami ni Bobby sa gilid niya at nilantakan ang isang pack ng chips. Di ko maintindihan yung meaning ng mga kung anu anong letters at numbers na pinagsasama sama niya. Sana alam niya nga ang ginagawa niya...

"Matagal pa ba?" tanong ko nang naaatat. May lilitaw bigla sa screen na di ko alam kung ano at may itataype nanaman siya.

"Maghintay ka, bro. Hindi minamadali ang gwapo." sagot niya.

"Kaya nga minamadali ka ni pareng Luke kasi di ka gwapo!" panunukso ni Bobby sabay subo ng chips. Nagawa pa naming magtawanan sa lagay na ito.

Huminto si Brent at nilingon kami. "Eh kung wag ko na ituloy?"

"Hindi pwede!" sigaw ko at minasahe ang balikat niya. "Gwapong gwapo ka na! Dalian monalang please?"

"Good." Ibinalik na ni Brent ang mga kamya niya sa keyboard.

Pinandilatan ko ng mata si Bobby para manahimik. Mabuti at sumunod naman ang gago.

May isang mhabang itim na bar na lumabas sa screen na may salitang Loading sa ibaba. Slowly, naging green ang dulo ng bar. Hangga sa umabot sa kalahati at maging green na ang buong bar.

"YES!"sigaw ni Brent, napasuntok pa sa hangin sa tuwa. "May access na ako sa mga CCTV ng bahay nila Alec."

Mabilis naman naming itinutok ni Bobby ang mga mata sa monitor. Nag-iba ang mga nakadisplay sa screen. Kuha ito sa iba't ibang kwarto ng bahay nila Alec.

"Saan tayo?" tanong ni Brent habang ginagalaw ang mouse.

"Hanapin mo si Kuya Alfred." agad kong bigkas.

Inisa isa namin ang mga kuha ng CCTV. Sa kwarto ni Alec, kwarto ni Ate Vanessa, sa living room, kitchen, up to sa banyo.

"Ayun siya!" Itinutok ni Brent ang camera kay Kuya Alfred na kausap ang dalawang lalaki sa labas ng dati nilang bodega. "Di ko nga lang marinig..."

Binayaran niya ang mga ito at may inibot na maliit na bagay. Nahagip ng camera ang mga mukha ng mga lalaki. Porn stars din ang mga ito na mahilig sa hard sex. Naiimagine ko na ang mga pagpapasakit na ginawa nila kay Alec. Di ko kakayanin kung totoo nga.

"Brent, magagawa mo bang i-copy ang iba pang mga footage?" tanong ko sa kanya. Magagamit namin ang mga ito laban kay Kuya Alfred.

"Oo. But not now. Paalis na si Kuya Alfred kasama ang mga lalaki. Samantalahin mo na ang pagkakataon para puntahan si Alec." sambit niya.

Bait BusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon